Paris' POV
SATURDAY morning was buzzing with liveliness all over Imperial State. Magkasabay ang examination ng lahat ng High School Academies kaya ang iba ay nagsasaya at nagpapahinga pagkatapos ng exam.
Gumising ako ng maaga dahil kailangan kong pumunta sa Lin Valley para makipagkita sa may ari ng lupa. I schedule it today dahil hindi ako pwedeng lumiban sa klase kung hindi naman ganoon ka importante.
Naghanda na rin si Juancho dahil siya ang magdadrive ng sasakyan patungong Lin Valley.
"Manang Cora, kapag may pumunta dito sa bahay, sabihin niyo na umalis ako," bilin ko kay Cora.
"Sige po, Miss Paris. Mag-ingat po kayo sa inyong biyahe," tugon niya sa akin.
Kaya ay lumabas na ako sa bahay at nakasalubong ko naman ang malamig na simoy ng hangin. Sumakay na ako sa Bentley at bumiyahe na kami ni Juancho. He doesn't have any idea why I am going to Lin Valley. Ngunit hindi na nagtanong si Juancho dahil iniisip nila na gusto ko lang magbakasyon dahil malungkot ako.
To be honest, I am no longer that sad. Maayos na ako at nakakatawa na rin ako. I was able to easily get rid of my depression dahil na rin sa maagang acceptance na ginawa ko. Depression will linger if I cannot accept that Mom is gone and she's not coming back no matter how hard I cry.
Pero hindi ibig sabihin na tanggap ko ay hindi na ako maghihiganti. The plan is progressing slowly the way I wanted. The first stir is some faulty medical machinery. It's easy to do that dahil isang hack lang ng mga machine na iyon, sira kaagad ito.
That's the disadvantage of state-of-the-art medical machines. Mas madali itong gamitin, ngunit madali din naman sirain. De Luca Corporation will surely lose a few million to replace those machines. Ngunit simula pa lang iyon. I need to shake them more to create an unstable relationship between the shareholders. Kung mapapansin ng mga outsiders na shareholder na tila nagdedecline ang de Luca Corp, they can be easily persuaded to sell their shares.
Yes. I plan to dethrone the de Lucas and take over the company. I want to see them lose the most prized possession they have. I want them to realize that this is the price they need to pay for mistreating my mother and causing her untimely death.
Tumagal ng apat na oras ang biyahe kaya nang makarating na ako sa lupain na gusto kong bilhin ay tanghalian na. Tinawagan naman ako ni Arden na sa mansyon na ako kumain ng tanghalian dahil naghanda sila para sa pagdating ko.
Pwede naman akong mag-eroplano para mas mabilis ngunit kailangan kong maging pamilyar sa rota patungo dito at hindi ko magagawa iyon kung sasakay ako ng eroplano.
Isang napakalaking lupain ang nakikita ko sa isang gated area. Yes, it was gated kaya malalaman kung hanggang saan ang boundary ng lupain. This is almost as big as a city. Pagkapasok pa lang namin sa gate ay mga kabahayan ang tumambad sa amin. May mga malilit na kabahayan akong nakikita na hindi magkakadikit. The place looks like somewhere in Switzerland kahit na ang mga landscape. This is a very good piece of land.
Inabot kami ng 30 minutes bago namin narating ang mansyon. May nakaabang na mga butlers at maid sa labas na halatang inaasahan na nila ang aming pagdating.
Agad na binuksan ng butler ang pintuan ng sasakyan at tsaka bumaba ako. Lahat sila ay hindi pamilyar sa akin. Ngunit lahat sila ay magagalang.
"Maligayang pagdating sa Hartmann Mansion," bati ng butler sa akin. He curtsied like he practiced royal etiquette from England. He looks graceful doing that.
"Salamat. Napakaganda ng inyong lugar," tugon ko naman dito pagkababa ko.
Ngumiti naman ang butler na halatang nasiyahan ito sa sinabi ko. Ang mga maids naman doon ay nakatingin sa sahig at nakapikit. I don't know if this is a culture practiced here. I can only see these gestures in the royal movies.
![](https://img.wattpad.com/cover/259879766-288-k415107.jpg)
BINABASA MO ANG
Eternal King |The Eternal Series One|
Fantasía|COMPLETE| Paris has never thought that fate is cruel to her. She was a genius and a giver. After her mother's death, the de Lucas-her mother's family took her in. For her to be welcomed and accepted, she did not hesitate to share her crafts and mad...