King 🔸 31

11.1K 859 45
                                    

Paris' POV

NARAMDAMAN ko naman bigla ang isang pares ng mata na nakatingin sa akin. Kahit hindi ko ito lingunin, alam ko na nagmumula ito sa isang babaeng may medyo kahabaan ang buhok at kulay itim iyon. Nakaupo siya sa pangatlong lamesa mula sa amin.

"Nakatingin siya dito," mahinang saad ni Hannah.

"Kanino siya nakatingin?" Mahinang tanong ni Amadeus.

"Nakatingin siya kay Paris," saad ni Logan. "Ah...alam ko ang tingin na yan. Her eyes are spitting fire." Napapailing na saad ni Logan.

"Problema niya? Insecure na naman ba siya?" Tanong ni Hannah habang kumakain ito ng manok.

"Oo. Sigurado akong hindi magtatapos ang araw at magdedemand yan sa Daddy niya," usal ni Logan. "Pero 'wag kang mag-alala, Paris. Hindi na si Mr. Belluci ang may pinakamataas na kapangyarihan dito sa Academy." Paniniguro ni Logan sa akin.

"Paano nila kini-kick out yung mga estudyante na hindi nila gusto?" Tanong ko naman. Hindi ko binigyan pansin ang mga matang nararamdaman ko na nakapukol sa akin. She can look at me as much as she likes. Hindi naman ako yung maiirita kundi siya.

"Hindi ako sigurado, pero laging voluntary exit ang ginagawa ng mga estudyante. May palagay ako na pinagbabantaan sila kaya nagtatransfer sila," tugon ni Logan. "Tuwing tinatanong sila ay hindi sila sumasagot. They are completely silenced."

Lahat kami ay hindi nagpapahalata na napapansin na namin si Arabella na nakatingin sa akin. Ayoko sana na mag assume na pwede niya akong gawin biktima, ngunit base sa nararamdaman ko, hindi malayong mangyayari ito. There are people like her, just like Cassandra.

Sa ngayon, wala akong gagawin. Mag-o-obserba muna ako bago ako gumawa ng mga hakbang. I will only make some moves if they do the same. I cannot set traps without players.

"Yuri!" Tawag naman ni Hannah sa kaklase namin.

Hindi na ako lumingon pa. Ngunit dahil sa sumigaw itong si Hannah, maraming napapatingin sa direksyon namin. Uminom ako ng tubig mula sa tumbler ko.

"Siya yun diba? Ang ganda pala niya sa personal."

"Sa palagay mo, siya na kaya ang bagong school belle?"

"Malamang. Panis yung ganda ni Arabella diyan."

"Para siyang diwata sa ganda."

"Nakita ko siya sa personal noon sabado, akala ko talaga may diwata na naglalakad. Tinitigan pa namin siya ng mabuti para malaman kung totoong tao ba siya."

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga narinig ko. It was definitely a compliment but somehow, it's a burden. Arabella is hearing all their comments and a person like her will surely hate it.

"Yuri, binilhan ka na namin ng food," saad ni Hannah dito sa kakarating na kaklase ko.

Yuri was huffing. Halatang tumatakbo ito papunta dito. She didn't mind the stares she was getting from people around us. Mukhang hindi niya iyon napapansin.

"Matagal natapos yung iba kaya natagalan ako," tugon naman ni Yuri. Tumingin naman siya sa akin at tsaka ngumiti. She has a cute smile and pretty eyes. She's also fair. Her bangs make her look animated.

Nagkakilanlan na kami kanina kaya medyo komportable na ito habang kaharap ako.

"Sana naman hindi na ganito yung pagkain bukas." Nakangusong komento ni Yuri. She seems to not like the food but she's eating it. Kung ako siguro ang nasa lagay niya, hindi ko magagawang kainin ang pagkain na hindi ko gusto. I'm just happy that I love biryani.

"Malamang bukas iba na." Tugon naman ni Amadeus.

"Paris, exam na next week. Monthly examination yun kaya kailangan na at least ay passing grade yung makukuha mo." Paala-ala naman ni Yuri sa akin.

Eternal King |The Eternal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon