Note: Sorry. It's Warden, not Mystique.
Paris' POV
UNEXPECTEDLY, we won the entire event, ngunit ramdam ko din yung pagod sa kamay ko. It was difficult at first, but somehow, the 4 of them grow while playing. But I had to double the efforts kaya napagod ako. Nakailang matches din kami bago namin nakamit ang pagkapanalo.
Pagkatapos nun ay natulog na ako. Nakakatuwa lang isipin na hindi na ako binabangungot kagaya ng dati. I always have a good sleep kaya palaging maganda ang gising ko tuwing umaga.
Gumising ako ng maaga para makapagjogging. Dadagdagan ko ang laps na tatakbuhin ko. Maybe double it since I run faster than normal.
Nagsuot ako ng black tank top at black sweat pants. My skin is glaring white. Itinali ko naman ang buhok ko. Isinuot ko ang maliit kong belt bag at inilagay ko doon ang cellphone ko at iilang bote ng mga crystals. Dinala ko lang ito kung sakaling mangyari ulit yung kahapon.
Tumakbo na ako palabas at maliwanag na ang labas ngunit hindi mainit. Maraming naglalakihang kahoy dito sa Village kaya hindi problema kung may araw na kung mag-ehersisyo.
Inikot ko ang buong village ng sampung beses at hindi pa rin ako nakaramdam ng pagod ngunit pinagpapawisan ako. My stamina is so much better than before. Maybe this is the effect of the crystals that melted on my skin.
Kagaya ng dati ay pumunta ako sa park para sana mag-unat. Ngunit kaagad naman akong sinalubong ng dalawang matandang lalaki.
Sina Grandpa Tavo at Grandpa Jandro.
"Paris!" Masayang bati sa akin ni Granpa Tavo. Kahit matanda na siya ay matikas pa rin ito at nakakapaglakad ng normal.
"Grandpa Tavo! Grandpa Jandro!" Masayang bati ko naman sa dalawa.
"Maupo muna tayo at kakatapos mo lang tumakbo. Kanina ka pa namin nakikitang paikot-ikot," saad naman ni Grandpa Jandro at pansin ko na paika-ika itong maglakad.
Naupo na kami sa paikot na upuan doon. Kaya magkakagarap pa rin kaming tatlo.
"Grandpa Tavo, kumusta na ang pakiramdam niyo?" Tanong ko naman sa kanya at pinunasan ko ang pawis ko gamit ang isang bimpo mula sa belt bag ko.
Mas lumiwanag naman ang mukha ni Grandpa Tavo nang marinig niya akong magtanong tungkol sa kanyang kondisyon.
"Tiningnan ako ng doctor kahapon at ang sabi nila ay walang komplikasyon at bumubuti na ang puso ko. Masayang masaya ako dahil yun ang pinoproblema ko nitong mga nakaraan buwan. Pero Paris hija, ano yung ipinainom sa akin? Sa palagay ko ay yun ang dahilan kung bakit mas bumuti ang aking kalagayan," masayang saad sa akin ni Grandpa Tavo. Ngunit hindi nito maiiwasan na magtanong tungkol sa gamot na ipinainom ko sa kanya.
"Grandpa, isang espesyal na medesina yung ibinigay ko sa inyo. Kaya po nun palakasin ang katawan niyo at kung may dinaramdam kayo ay mapapawi yun," tugon ko sa kanya.
"Ganoon ka espesyal? Bakit wala akong naririnig tungkol sa medesina na ito?" Nagtatakang tanong niya ulit.
"Dahil po hindi ito galing sa siyensya. Natural medicine po siya at nagkataon lang po na tinulungan ko yun gumagawa ng gamot na ito kaya bilang utang na loob ay binibigyan niya ako ng gamot na ibinigay ko sa inyo. Hindi po ito ibinebenta dahil sa masyadong mababa ang production ng gamot." Paliwanag ko naman sa kanya. I already prepared the story of creating this medicine para hindi nila mahuli na magsisinungaling ako.
"Nakakamangha naman. Mukhang epektibo talaga ang gamot dahil nakita ko kung paanong nakarecover kaagad itong si Tavo," saad naman ni Grandpa Jandro.
Ngumiti ako sa kanya. "Hindi po ako gagamit ng gamot na masama at hindi epektibo."
![](https://img.wattpad.com/cover/259879766-288-k415107.jpg)
BINABASA MO ANG
Eternal King |The Eternal Series One|
Fantasy|COMPLETE| Paris has never thought that fate is cruel to her. She was a genius and a giver. After her mother's death, the de Lucas-her mother's family took her in. For her to be welcomed and accepted, she did not hesitate to share her crafts and mad...