King 🔸 30

9.9K 804 38
                                    

Paris' POV

"SOLVE this on the board," Saad ni Mr. Donovan sa amin.

Mathematics class na. Wala gaanong ginawa sa Literature kundi ang basahin ang mga linya ng historical poem ng mga sikat na manunulat dito sa Imperial State.

"I'll try, Mr. Donovan." Presenta ni Yuri at tumayo ito para magsolve sa whiteboard.

Kinuha nito ang whiteboard pen at nagsimulang magsolve. It was only an easy question. Nakita ko na matagal bago nasolve ito ni Yuri. Tama ang kanyang sagot ngunit masyadong mabagal ito para sa isang simpleng equation lang. But as long as it's correct ot doesn't matter. Hindi naman pabilisan yung pagsagot dito. But it will be a problem for her during the exam dahil may time limit iyon.

"Good..this is how it is done..." pinaliwanag ni Mr. Donovan ang equation and solution.

Nakikinig naman ang lahat. Sa totoo lang, hindi ako sanay na kahit yung mga mukhang siga dito ay nakikinig nang mataman sa klase. Sa US, yung mga siga, hindi nakikinig. Kaya ang ending, laging kulelat sa klase hanggang sa laging umuulit ito taon taon. Wala din pakialam ang mga teachers kung hindi nakikinig. Minsan ka lang makakakita ng teacher na concern sa estudyante doon.

Totoo nga na binabasehan dito sa Academy ay ang iyong scholastic records. Hindi sila magpapapasok ng dahil mapera kaya okay lang kahit hindi maganda yung grades. They are strict when it comes to accepting students.

Kahit ako, sinubukan pa akong i-recommend sa Imperial Academy dahil lagi nilang binabasehan ang kakayanan ng estudyante at kung anong school nararapat.

"Alright, get a sheet of paper. We will have a short quiz." Deklara ni Mr. Donovan sa amin.

Agad na kumuha ako ng isang pirasong papel at tsaka ballpen. Nagsulat naman si Mr. Donovan ng problems sa whiteboard. He put 10 problems that are slightly different from his examples earlier. Pero ganoon pa rin ang rule, may mga process lang na madadagdag.

Nagsimula kaagad akong sumagot. Hindi gaanong maganda ang sulat kamay ko dahil mabilis akong magsulat. Lumipas lang ang limang minuto ay natapos na ako sa pinagawa niyang quiz.

Hindi ko muna ipinasa yung papel. Hinintay ko na kolektahin na iyon ni Mr. Donovan. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Ang tinging nakikita ko ay mga nagtatasang building sa malayo. Mainit tingnan sa labas ngunit medyo malamig ang temperatura. Though, this is still warmer than the US.

"Paris? Tapos ka na?" Puna sa akin ni Mr. Donovan. Tumango naman ako sa kanya. "Pwede mo nang ipasa ang answer sheet mo then you can go and take your lunch," saad nito sa akin.

Pwede pala yun. Kung alam ko lang, kanina ko pa sana ipinasa yung papel ko. Tumayo naman ako at dinala ko na ang backpack ko at tsaka iPad.

"Tapos na din ako Mr. Donovan." Tumayo naman si Hannah at bitbit ang kanyang mga gamit.

"Kami din!" Habol naman ni Logan.

Naglakad na ako para ipasa kay Mr. Donovan ang papel ko. Sumabay naman sa akin si Hannah sa pagpasa. Hindi na nagkomento pa si Mr. Donovan.

"Sabay na tayo maglunch. I'm sure hindi mo pa alam kung saan ang cafeteria," masayang saad naman ni Hannah sa akin. She's still chirpy like a bird.

"Sige." Sangayon ko naman. Hindi sa mahihirapan akong hanapin ang Cafeteria, ngunit mas comfortable na may kasama ako sa pagkain ng tanghalian. It will also be less awkward if I have people around me.

"Sasabay na din kami sa inyo." Habol naman ni Logan at ng mga kaibigan niya.

Lumingon naman si Hannah. "Di ba sa rooftop kayo namamalagi kapag lunch?"

Eternal King |The Eternal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon