King 🔸 54

10.3K 986 160
                                    

Paris' POV

"WHERE are you?" Tanong ni Zach sa akin.

Kausap ko siya ngayon sa cellphone. Tumawag siya sa akin umagang-umaga at hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit siya tumatawag.

"Why are you calling?" Tanong ko. Nakahiga pa ako dito sa higaan ko sa Hotel. Ngayon araw ako uuwi sa Metropolitan City.

"..." Hindi kaagad ito sumagot mula sa kabilang linya. Mukhang pinag-iisipan nito kung ano ang sasabihin. "Be free on Tuesday," aniya at pagkatapos ay pinatay ang tawag.

"..." Ako naman ngayon ang hindi makapagsalita. Tinanggal ko mula sa pagkakadikit yung cellphone ko sa tenga ko at tiningnan iyon. He called me asking where am I and telling me to be free on Tuesday. Hindi man lang ako nakapagtanong kung anong meron sa Martes at gusto niyang bakante ako.

I'm not free on Tuesday because it is a weekday. Pagkatapos ng klase ko ay pupunta pa ako IRI para ipagpatuloy ko ang ginagawa ko. Halatang ayaw nitong tumanggi ako kaya binabaan kaagad ako ng tawag.

Kahit gusto kong magtanong ay hindi ko na ginawa. Bumangon na lang ako dahil pupunta na ako ng airport para sumakay pabalik sa Metropolitan City.

Naligo kaagad ako at isinuot ko ang isang denim shorts at isang white t-shirt na may print ng isang panda. Isinuot ko na din ang black runners ko. Sa bahay na lang ako kakain dahil tinatamad akong bumili dito.

Pagkalabas ko sa Hotel ay nakaabang na kaagad ang sasakyan ng mga De'Longhi. Nagulat ako nang lumabas doon ay hindi si Grandpa kundi si Uncle Ali. He's wearing a casual white long-sleeve polo and gray slacks. He's very tall though quite shorter than Zach, but he's tall. Hindi halata sa mukha nito na may edad na siya. Mukhang nakarecover na siya mula kahapon.

"Uncle Ali? Bakit po kayo nandito?" Hindi ko mapigilan na tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin. "I just want to see you go safely. Hindi makakarating si Papa dahil maagang binulabog siya ni Master Moretti," anito.

He's referring to Grandpa Tavo. "Sige po," tugon ko.

Sumakay na ako sa sasakyan at magkatabi kami ni uncle Ali sa loob. Malaki ang espasyo sa loob kaya komportable kaming dalawa sa likod. Tumakbo na din ang sasakyan papuntang airport.

"Paris may itatanong sana ako sayo kung ayos lang sa iyo," aniya. Mukhang seryoso si uncle Ali ngunit hindi ko naman mahulaan ang kanyang iniisip.

I don't read minds kaya natural na mahirap yun para sa akin. Ni hindi ko napansin na nasa ibaba pala siya naghihintay dahil hindi ito nagsasalita at hindi ko siya narinig.

"Ano po yun?" Tanong ko naman. Maraming bagay ang pwede niyang itanong sa akin kaya nag-iisip na ako sa mga posibleng tanong niya.

"Are you by chance...the same Paris Sereia Asherah de Luca? The new shareholder of De'Longhi Conglomerate?" Tanong niya sa akin.

Hindi na ako nagulat nang itanong niya sa akin yun. I used my real name in the contract and not S.A. Light. Delikado kung bilang S.A Light ang gagamitin ko sa kontrata. I don't want them to have an idea who is S.A. Light.

Tumango naman ako sa kanya. "Bakit po?"

Ngumiti siya sa akin. "Nagulat ako noon malaman ko na underage yung bagong holder ng shares. Hindi ko rin inasahan na magkukrus yung landas natin sa ganitong kaaga," aniya. Nakatanaw ito sa harap ngayon na tila kay lamim ng iniisip.

Ngumiti naman ako. "Ako din po. Hindi ko rin inaasahan na makakadaupang palad kayo. Hindi ko alam ang background ni Grandpa Jandro noon nagkakilala kami. I just came from the US that time at hindi pa ako pamilyar sa mga tao dito. Kung hindi niya ako sinundo sa bahay kahapon, hindi ko malalaman na siya ang Patriarch ng mga De'Longhi. They seem to like pretending to be ordinary people when they are not in Imperial City," tugon ko sa kanya. Tumawa ako ng bahagya. I don't want him to think that I am only helping them because they are De'Longhi.

Eternal King |The Eternal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon