King 🔸 34

9.2K 871 94
                                    

Paris' POV

"UNCLE, nakauwi na ako sa bahay." Tawag ko kay Juancho. Wala pa rin sila ni Mama dito pagkauwi ko.

"Miss? Nagcommute kayo pauwi?" Tanong nito sa akin mula sa kabilang linya.

"No. Inihatid ako ng kakilala ko," tugon ko sa kanya. "Anong oras kayo uuwi ni Mom?"

"Pauwi na po kami ni Ma'am, Miss Paris. Natraffic lang po kami," tugon niya sa akin.

"Okay. Mag-ingat kayo sa pagdadrive, uncle," tugon ko at tsaka ibinaba ko na ang tawag.

Binuksan ko naman ang aking lumang laptop. May mga gagawin ako ngayon. Hindi ko na nabubuksan ang Hacker Organization. I need to earn more money. Madali lang maubos ang pera lalo na at mahal ang cost of living dito sa Imperial State. I cannot be complacent.

Kaya naman ay nag-log in ako sa Hacker Organization.

Welcome back, Ghost!

Yun ang nakalagay sa screen. S class badge din ang sa akin kaya qualified akong kumuha ng trabaho na may pinakamataas na halaga.

Dito sa Hacker Organization, para din itong isang guild na pinamumugaran ng mga hackers sa buong mundo. Nagrarank up ang isang hacker base na rin sa mga accomplishment at difficulty ng trabaho. Iilan lang ang nasa S rank at madalas ay nasa class A, B, at C. Class S rank can take any level of the job. Walang restriction ang class S. While ang A, allowed ito na kumuha ng class S job, pero kapag hindi nito nafulfill ang trabaho, bababa ito ng isang rank. While ang B naman, hanggang A lang ang pwedeng kunin nito. Same with other ranks. They can take 1 level higher and anything lower than that.

Tiningnan ko naman ang mga trabaho na available sa S rank. Nakita ko doon ang offer tungkol sa kay S. Binasa ko naman ang mga comment sa ibaba ng job offer.

X: Impossible job.
C: suicide.
Y: My computer was blown up.
L: for curious people, do not take this job if you value your life.

Maraming comment na nagsasabi na huwag kunin ang trabaho na related may S. Napangiti naman ako. Ilang computers na kaya ang nasira ni S? Sa ibaba naman nito ay nakita ko na meron na naman offer para kunin ang trade secrets ng main family dito sa Imperial State.

Napakunot noo naman ako. I fixed this trouble before and it seems like U-13 will no longer accept jobs related to this kaya na nandito ito ngayon sa Hacker Organization. Kung may kukuha nito, siguradong ma-iinvolve na naman ang BRI.

Dumilim ang ekspresyon ko at mabilis akong tumipa sa keyboard. Maraming naglabasan na mga black prompts. I am hacking the hacking system. Kaagad kong binura ang request at maglagay ako ng bug na kapag may magpopost tungkol sa mga trade secrets o kahit anong trabaho para pabagsakin ang sino man sa Imperial State, automatic na madedelete ito sa system.

I withdraw my attack after I finished what I need to do. Sa pangatlong job offer, isang wanted person ang nakalagay doon. Pinapahanap ang lokasyon ng isang mass murderer na pinaghahanap ngayon ng mga otoridad.

I have a feeling that this request is from the Interpol. The reward money is $2 Billion. Mukhang palaki ng palaki ang reward nito lalo na at isang dalawang buwan na ang offer na ito at hindi pa natatapos.

"This is good..." usal ko at kinuha ko ang trabaho. Agad itong nag grey at may nakalagay na taken by Ghost.

Kaagad na kinontact ko via chat yung nagpost nito. May communication naman sa Hacker Organization at tanging chat lang ang komunikasyon.

BlueWaters. Yan ang pangalan ng account. Online ito ngayon kaya sinimulan ko na ang pagchachat.

Ghost: I took the job. Are you ready to capture the wanted criminal?

Eternal King |The Eternal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon