Paris' POV
"PARIS, unfortunately puno na ang special section ng 3rd year at ang may natitirang slots na lang ay ang last section which is Class 4. Okay lang ba sayo yun? If not, I can arrange or remove a student who has the lowest general average sa special section," turan ng principal sa akin. He's asking for my opinion first before making a decision. He was like walking on a thin ice.
I have nothing against being in a last section. Either the special class or the bottom class, it will be the same thing. Hindi naman maganda na may mapapaalis sa special section para lang makapasok ako.
"Ayos lang sa akin ang last section," tugon ko naman sa kanya.
"Good. I'll inform your class advisor para alam niya na may bagong siyang estudyante. For now, go back to the registrar's office para sa school uniform mo. We provide ready made uniforms kaya ngayon lunes, mag uniform ka na." Utos naman sa akin ng principal.
"Thanks, Sir." Paalam ko naman sa kanya at tsaka tumayo na ako mula sa inuupuan ko at lumabas na sa kanyang office.
Tinahak ko ulit ang daan pabalik sa registrar's office at nadatnan ko si Mrs. Baston na abala sa pagtitipa sa kanyang computer.
"Ms. de Luca, you need to give this to the cashier para sa pagprocess ng tuition fee mo. You can choose to pay in installment in every exam or you can pay it in full right now. You can also apply for full scholarship dito sa school dahil may outstanding grades ka at na perfect mo rin ang entrance examination. You're the first one who did it," turan niya sa akin at ibinigay niya ang papel na kailangan kong ibigay sa cashier.
Scholarship is nice. Pero limited lang ang slots ng scholarship bawat school. Paano kung meron pang mga late enrollees na mas kailangan iyon? I have no issue financially kaya hindi ko kailangan ang scholarship for now. They are best for people who needs them.
"Babayaran ko lang to sa cashier." Paalam ko naman dito. Magkatabi lang ang registrar's office at ang cashier's office. Kaya ilang hakbang ko lang pakaliwa ay kaharap ko na ang cashier.
Binayaran ko in full payment ang tuition ko para wala na akong iisipin tuwing exam. Pagkakuha ko sa resibo ay bumalik naman ako sa registrar. Tiningnan ko sandali ang resibo, kasama na doon ang 3 sets of uniforms sa binayaran no. Dalawang set ng regular uniform at isang set ng P.E uniform.
Ibinigay ko na kay Mrs. Baston ang resibo at may tinipa na naman siya sa kanyang computer.
"Anong size mo?" Tanong niya sa akin.
"Small sa t-shirt. 22 naman kung sa skirt." This is not America that I can tell size 2. They don't know what exactly is size 2 means.
"I'll get your uniforms." Paalam niya at tsaka siya tumayo para kunin ang uniform ko.
Hindi naman siya nagtagal dahil agad siyang nakabalik. Ibinigay na niya sa akin ang aking uniform at tsaka nagpaalam na rin ako na umalis. Hindi ko na muna tiningnan iyon dahil alam ko naman na kakasya sa akin. I may have a larger bust than my petite frame but it will still fit dahil ganoon pag design ang mga uniform sa high school. Unlike sa grade school na walang bust line.
Bumaba na ako sa hagdanan at may mga nakasalubong naman akong tila mga estudyante. Naka civilian clothes sila pero mga halos kaedad ko lang sila kaya malamang, mga estudyante dito.
They were looking at me like they saw someone pre-historic. Nailang ako bigla yaka yumuko ako at mabilis akong pumunta sa kotse at pumasok.
Nilagay ko na ang mga dala ko sa katabing upuan ko.
"Saan po tayo Miss Paris?" Tanong ni Juancho sa akin.
"Hanapan mo ako ng magandang salon," tugon ko sa kanya. Ipapakulot ko na itong buhok ko.
BINABASA MO ANG
Eternal King |The Eternal Series One|
Fantasy|COMPLETE| Paris has never thought that fate is cruel to her. She was a genius and a giver. After her mother's death, the de Lucas-her mother's family took her in. For her to be welcomed and accepted, she did not hesitate to share her crafts and mad...