Paris' POV
NAKAAKYAT na ako sa presidential suite. Hindi ko na rin pinagtuunan ng pansin sina Cassandra. She was no longer talking when her friend compared her to me. Alam ko na nagpipigil lang ito ng galit at lalabas iyon oras na mag-isa na lang siya. She will rant and throw things. Her real attitude will show.
It's fun to make Cassandra feel like this even though I did not start anything yet.
Pumasok na ako sa presidential suite. It is a very spacious room ngunit mas na-a-attract ako sa kwarto ko sa Metropolitan. I like renaissance and this room doesn't have any renaissance style. This is a modern room with marbled walls and floor. May living room na may mahabang white sofa at coffee table. May veranda din. The room has a private infinity pool.
"..." I'm speechless at how grandiose is this room.
Imbes na isipin ko ang kwarto ko, inilabas ko na lang ang cellphone ko at tinawagan ko si Art.
"Hello?" Sagot nito.
Hindi ko pa siya natatawagan kaya hindi niya alam ang numero ko.
"Art, where are you?" Tanong ko sa kanya.
"Paris?" Agad naman niyang nakilala ang boses ko.
"Answer my question," ulit ko.
"Nasa Imperial City ako. May kailangan ka ba?" Nagtatakang tanong niya. Hindi siya sanay na tumatawag ako kapag may kailangan.
"Nandito ako ngayon sa Imperial City. I would like to visit IRI," ani ko na naging dahilan at biglang nagkadagulo-gulo yung tunog sa kabilang linya. Tila nahulog yung cellphone niya.
"Hello?! Hello?! Naririnig mo pa ba ako, Paris?" Nagmamadaling tanong nito pagkatapos ng magulong tunog,
"Oo," maikling tugon ko sa kanya.
"Salamat naman. Akala ko nasira na dahil nahulog yung cellphone ko dahil sa sinabi mo. Pero nandito ka talaga ngayon sa Imperial City? Hindi ka nagbibiro?" Gulat na saad nito sa akin.
"No. Nagkataon na may inasikaso ako dito. If you're busy then I won't disturb you," akmang papatayin ko na sana yung tawag ngunit sumisigaw naman itong si Art sa kabilang linya.
"Sandali! Sandali! Nagtatanong lang yung tao. Syempre may oras ako. Sasamahan kita sa IRI," aniya na kahit hindi ko siya nakikita ay alam ko na nakangisi na ito.
"Okay," tugon ko at tsaka ibinaba ko na ang tawag.
I haven't eaten yet. Nawala yung gutom ko dahil na rin sa baho sa room ni Uncle Ali. Who on earth will think about food at that time? Kaya nakalimutan ko na hindi pa ako nagtatanghalian.
Nagtext na lang ako kay Art na magdala siya ng take out dahil gutom ako. Hindi na muna ako bababa dahil tatawag naman si Art kung nasa baba na siya.
Ngunit bago pa man ako makapagpahinga ay tumunog na naman yung cellphone ko. It's a different number. Napakunot noo ako dahil wala akong naaalala na numero na hindi ko kilala.
Ngunit kahit unregistered yung number, sinagot ko pa rin ngunit hindi ako nagsalita. Pinakinggan ko ang kabilang linya.
"Paris? Hello? Are you there?" Kilala ko ang boses nito. It's Victor and he's using a different phone because I blocked him temporarily. I did not answer right away. I am thinking if I will drop the call or not. "Oh shit, is my phone broken? I can't hear anything." Reklamo nito sa kabila.
"..." I was speechless at how pathetic Victor sounded. "I can hear you," sagot ko na lang dahil naawa ako kahit naiinis ako sa kanya.
"Oh! Finally! Why did you block me?" Agad na tanong niya sa akin. Mukhang nagtatampo pa ito at walang ka-ideya-ideya kung bakit ko siya nablock.
![](https://img.wattpad.com/cover/259879766-288-k415107.jpg)
BINABASA MO ANG
Eternal King |The Eternal Series One|
Fantasy|COMPLETE| Paris has never thought that fate is cruel to her. She was a genius and a giver. After her mother's death, the de Lucas-her mother's family took her in. For her to be welcomed and accepted, she did not hesitate to share her crafts and mad...