King 🔸 15

10.3K 831 25
                                    

Paris' POV

NAKARATING na kami sa Logan International Airport at agad na maraming tao ang nasa labas at loob. Pinagsuot nila ako ng sunglasses para maiwasan na ma-identify ako ng mga paparazzi. Marami akong kasamang escort kaya nagiging kwestyonable ang aking identity. This is some sort of prevention na din sakaling may makakuha ng picture sa akin.

It's easy to remove my traces online, pero kapag nakita na ito ng iba, imposibleng mawala din ang memorya nila. Lalo na ngayon na matunog ang pangalan na S.A Light sa balita at kahit saan dyaryo at kahit sino ay pwede nilang pagdudahan.

Pumasok na kami at dumaan kami sa security check kagaya ng karamihan. Kahit presidente ay dadaan din sa security check. Walang exception kapag lilipad ka kahit na private plane pa sasakyan at hindi ang sa mga karaniwang pasahero.

Pagkatapos namin dumaan sa security check ay naglakad na kami sa daan patungo sa private plane gate. Sasakay kami ng sasakyan para ihatid sa private jet since hindi ito kagaya ng normal na eroplano na may sariling departure gate. We have to go there either by foot or by transportation.

Hindi naman nagtagal at narating na namin yun. It was smaller than a regular plane na sinasakyan ng karamihan. Kulay grey ito at may simbolo iyon ng American Flag.

Nakababa ang hagdanan ng private jet mula sa pintuan at nakatayo doon ang isang babaeng flight attendant na nakangiti sa akin. Umakyat na ako at sumunod naman ang escort team.

Agad na inalalayan ako ng flight attendant at iginiya kung saan ako uupo. The interior is far different from a regular plane. Iilan beses lang ako nakasakay ng eroplano noon at isang beses na nakasakay sa first class, ngunit mas maganda pa rin ito.

Walo lang ang upuan at bawat apat ay magkaharap at may lamesa sa gitna. Reclinable din ang upuan at sa likod naman ay may long sofa. Sa harap naman ay ang kitchen at nakikita kung paano i-prepare ang pagkain.

Umupo sa kabila si Conrad at ang iba naman ay doon na umupo sa long sofa. Sinadya ito para hindi ako mabagot at kung may tanong ako ay masasagot kaagad ni Conrad.

Nagsimula nang lumipad ang private jet na sinasakyan ko. Mataas ang lipad ng private jet na kagaya din sa mga regular na pampareherong eroplano. I like my seat next to the window kasi natatanaw ko ang labas. Kung gaano kaliwanag ang sinag ng araw at ang mga ulap sa ibaba. Ang bansa na kahit nasa itaas na ako ay nakikita ko na magkahalong buildings at mga greens sa ibaba. Ngunit mas dominant ang mga buildings. Massachusetts is indeed a very big state.

Ngunit napakaliit ng mga ito na tila mga laruan lang ang nasa ibaba.

"Why are they making a sudden test?" Tanong ko kay Conrad. Normal lang na magkaroon ng test sa bagong produkto ngunit hindi ganitong agaran. They did not even set an appointment. Paano na lang kung hindi pala ako pwede?

Ngunit hindi na rin bago ang biglaang mga pangyayari na wala sa plano. Ngunit gusto ko pa rin malaman ang dahilan.

"I cannot answer your question, Miss Paris," tugon ni Conrad sa akin.

Kahit gusto kong malaman ang dahilan, hindi na ako nagpumilit pa. Dahil kung gusto kong alamin, malalaman ko sa iilang pitik lang ng aking daliri gamit ang computer. But I don't want to make the world too boring. Life is boring if everything is too simple.

"How am I gonna enter there? My identity is confidential and even the high-ranking officers in Pentagon should not be knowing my face, age, or gender," tanong ko sa kanya. May iba din sa gobyerno na inaabuso ang kanilang kapangyarihan at dahil sa gusto nilang malaman kung sino si S.A Light, hahanap sila ng paraan.

Hindi na bago na may gustong gumawa ng personal connection sa mga high profiled individuals para sa kanilang advantage. I don't want that and if someone will do that, I might be rude.

Eternal King |The Eternal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon