King 🔸 46

11.9K 922 95
                                    

Paris' POV

NAKAUWI din kami ng araw na yon pabalik sa Metropolitan City. Gusto sana nila na doon ako matulog dahil gagabihin na ako sa pag-uwi ngunit wala sa plano ko ang matulog doon. Maybe, next time.

May mga bagay pa akong gagawin na kailangan ko din atupagin. Kaya sa araw ng lingo hindi ko na magawang magjogging sa labas. Ginamit ko na lang yung treadmill ko. Pagkatapos kong mag-ehersisyo at kumain ay humarap na ako sa laptop.

Binuksan ko ang hackers organization app. Tiningnan ko ang email at nakita ko doon ang email ni Joker. May attachment iyon na isang kontrata. There's no need for me to print out the contract. Virtual signing lang ang kailangan dito.

Tiningnan ko naman ang kontrata at hindi naman marami ang pages. It stated there that I am a platinum member with a minimum transaction payment of $20 Billion EMP. Walang hidden clause na maaaring mabaon ako. They better be, because I will destroy the organization if they will try to trick me.

Kaya naman ay pinirmahan ko na iyon at sinumite. After submitting it, an App was sent to me at dinownload ko na iyon sa cellphone ko. It's an App from U-13, kung saan ay doon namin marereceive ang mga orders. It's a private App at hindi namin makikita ang request sa iba. It's an App that only works for each person. The App's icon is black and has a gold leaf that looks like a maple leaf.

Binuksan ko na ang App at madali lang iyon gamitin. Sinet ko naman ang account ko. I still use Ghost and set up some security measures. I locked the App para kung sakaling may ibang makahawak ng cellphone ko at macurious sila sa App, it will open but it will only show a blank page na aakalain nila na sira yung App.

Pagkatapos kong mag set, ang alam ko ay malalaman ng buong U-13 organization na kasali na ako sa grupo. I was given access to the U-13 website at nakita ko na mga doon ang pangalan ko in flashing bold letters.

Pagkatapos kong makita iyon ay isinarado ko na ito. I will get a notification on the App if someone would like to hire me. Tatayo na sana ako mula sa kinauupuan ko ngunit tumunog naman ang FaceTime notification ko. Victor is calling again.

Sinagot ko na iyon gamit ang laptop dahil connected naman ang dalawa. Pagkasagot ko ay lumabas naman ang mukha ni Victor.

"Paris, Gideon will call you right now. They already created a branch in Metropolitan. I just wanna give you a heads up," saad nito sa akin.

"Alright—" tumunog na nga ang cellphone ko at may unregistered phone number sa screen na nakalagay. "I think he's calling now. I'll hang up." Paalam ko kay Victor at pinatay ko na ang tawag niya sa FaceTime bago ko sinagot ang tawag sa cellphone. "Hello?"

"Hi! This is Gideon Armstrong from Imperial City Research Institute, am I reaching Paris de Luca?" Bungad nito.

"Yes, Mr. Armstrong," tugon ko.

"Oh great! Is it possible for you to visit the site right now? This is near your area," usal ni Gideon. His voice is more chirpy than before. What I only remember is he's bickering with Victor.

Tama nga ang sinabi ni Victor. Gideon is excited to show me the new branch of IRI. Linggo ngayon at ang karamihan ay day off o kaya ay nagbabakasyon. Ngunit siya, nandito sa Metropolitan at inaasikaso ang branch.

"Sure, ibigay mo na lang sa akin ang address," tugon ko naman sa kanya. I don't want to break his heart just because I don't feel like going outside.

"Itetext ko sa iyo. Pupunta ka ba ngayon din?" Excited niyang tanong. Naririnig ko naman sa background na tila may inaayos ito.

"Yes," tugon ko dahil natapos na din ang ginagawa ko. I am supposed to go somewhere but it is not important at kaya ko pa iyon ipagpaliban.

"Alright! We will wait here," tugon nito at tsaka ibinaba na ang tawag.

Eternal King |The Eternal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon