"HUWAG KANG GAGALAW KUNG AYAW MONG MASAKTAN ANG MGA KAPATID MO."Tiningnan ni Nasaria ang dalawang nakababatang kapatid na natutulog sa tabi niya. Napakainosente ng 4 na taong gulang na si Noah at 6 na taong gulang na si Nash habang himbing sa pagtulog. Sinilip niya din ang ina na natutulog sa kama di kalayuan sa papag na tinutulugan nilang magkakapatid. Himbing din ito sa pagtulog dahil sa maghapon nitong pagtitinda sa palengke.
Binalingan niya ang amoy alak na lalaki na hawak ang magkabila niyang pulsuhan at nakapangibabaw sa kanya. Kitang-kita niya ang pagnanasa sa mga mata nito. Sa edad na labing-anim ay hindi maitatanggi ang malaking bulas niyang katawan. Kaya naman hindi nagkakalayo ang laki ng katawan nila ng amain.
Nagpupumiglas siya ngunit nahirapan siyang humugot ng lakas para manlaban dahil sa pagkakadagan nito.
"Huwag ka ng manlaban dahil wala ka din namang magagawa. Dalawa lang ang pagpipilian mo, ang sumunod sa pagbigyan ako o ang masaktan ang nanay at mga kapatid mo."
Amoy na amoy niya ang alak sa hininga nito. Ano ba kasi ang nagustuhan ng Nanay niya sa lasinggero na ito? Di hamak na mas matino pa si Mang Raul na tindero din sa palengke at may pagtingin din sa kanyang nanay kaysa sa lasenggo at sugarol na amain.
Matagal na niyang napapansin na may pagnanasa sa kanya ang amain ngunit dahil sa ina ay ipinagwalang bahala niya na lang ito. Inihanda niya ang sarilin sa ganitong sitwasyon. Lagi siyang mayroong nakatagong kutsilyo sa ilalim ng unan niya. Ngunit hindi niya ito makuha ngayon dahil sa pagkakahawak ng amain.
"Bitiwan niyo ako! Ano bang ginagawa niyo?" Ni hindi niya hininaan ang boses para mapukaw sa pagkakahimbing ang ina.
Ngunit pumihit lamang ito sa pagkakahiga at nanatiling tulog kaya naman tinakpan ng amain ang bibig niya. Nagkaroon siya ng pagkakataon para maikilos ang isang kamay at maitulak ito palayo sa kanya. Sinubukan niyang kunin ang kutsilyo ngunit nagningas ang mata ng amain sa galit. Hindi siya agad na nakakilos.
"Anak ng——"
*Pak!*
Isang sampal ang tumama sa pisngi niya dahilan para matulala siya. Sakit at pagkabigla ang naramdaman niya. Hindi siya nakakilos agad. Ngayon lamang siya nakatikim ng sampal dahil kahit ang tunay na ama ay hindi siya pinagbuhatan ng kamay. Nagsimulang tumulo ang luha niya.
"A-ate Aria..."
Napukaw ng maliit na tinig ang kanyang diwa. Tiningnan niya ang mga kapatid sa kanyang tabi. Nagising pala si Nash at Noah. Umiiyak ang mga ito habang nakatingin sa kanya.
Doon niya na napagtanto na inaalis na ng amain ang suot niyang pang-ibaba na pajama. Mabilis niyang hinagilap sa unan ang kutsilyo ngunit wala siyang makapa.
"Ito ba ang hinahanap mo?" Hawak ng amain ang kutsilyo na itinago niya.
Nabuhay ang takot sa kanyang dibdib.
"Patahimikin mo ang mga kapatid mo kung ayaw mong gamitin ko ito sa mga leeg nila." Tila demonyo ang nakita niya sa mukha ng amain. Mas lalo siyang natakot ng itapat nito sa leeg ni Noah ang kutsilyo habang ang isang kamay nito ay pinalalandas sa kanyang hita hanggang marating ang garter ng suot niyang cycling shorts. Mabuti na lamang nakacycling siya.
"A-Ate... m-masakit..."
Nakita niya ang pagguhit ng dugo sa leeg ng kapatid dahil dumidiin ang kutsilyo rito. Tahimik na umiiyak ang dalawa habang nakatingin sa kanya at tinitiis ang takot at sakit na nararamdaman.
"Tito Greg, tama na po... Parang awa niyo na. Huwag po.."
Pakiusap niya sa amain. Ngumisi lamang ito sa kanya at buong lakas na hinila pababa ang kanyang suot na cycling shorts. Naglikha ito ng ingay.

BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...