chapter 15

22.2K 373 18
                                        

***

Nawala ang atensyon ni Nammie sa ginagawa dahil sa pag-tunog ng cellphone niya. Tumatawag si zeke. Sino pa bang tatawag sa kanya maliban dito?

"Hello?" Sagot niya.

["Pauwi na ako. Prepare yourself may pupuntahan tayong party."] He said before hanging up.

Napabuntong hininga nalang siya at napatingin sa hawak na cellphone. It's been two days after the beatings happened. Daig pa nila ang hindi magkakilala na hindi nagpapansinan. To think na nasa iisang bahay lang sila. What does she expect? Their marriage is not normal.

Bago pa ito may masabi sa kanya ay nag-ayos na siya. She tried to find a right dress that can hide her bruises. Kaya ang kinuha niya ay isang white dress na may longsleeves at knee length ang haba. Sa mga braso, likod at hita niya lang naman ang mga sugat niya.

hindi niya rin naman alam kung anong klaseng party ang pupuntahan nila at hindi niya rin alam kung anong pumasok sa isip ni zeke at isasama siya nito sa party. Bahala na kung papapalit nito ang damit niya mamaya.

Pumasok na siya sa banyo. She can't help to feel pity looking at her reflection in the mirror. She looks like a sick person. Malaki ang pinayat niya dahil sa pagtatrabaho sa bahay at stress sa asawa. Maputla din ang mukha niya dagdagan pa ng eyebags na namuo sa ilalim ng mga mata niya. Malayong malayo sa imahe niya noon. She really look like a mess.

She was drying her hair when she heard the door closing outside. Nakauwi na si zeke? she wrapped her body with towel. Oh great. Naalala niya na naman ang unang beses na may nangyari sa kanila. The night where her nightmares started.

Lumabas na siya ng banyo ng makitang nasa harap ng closet si zeke at naghahanap ng damit. Umiwas siya ng tingin nang dumako ang paningin nito sa kanya. Agad niyang kinuha ang mga damit at bumalik sa banyo para doon magbihis.

Nag-ayos na rin siya ng sarili. She put a heavy make up to cover her tired face. Ayaw niyang makita ng mga tao ang mahinang siya. Ok na sa kanya na si zeke lang ang nakakakita sa kanya ng ganito. She still have her pride kahit ilang beses ng tinapak tapakan ni zeke iyon.

Lumabas na siya ng matapos at nakita si zeke na naka towel lang na naka-upo sa kama. mukhang hinihintay siya nitong matapos. Tumayo na ito at nilagpasan lang siya papuntang banyo.

She sighed heavily for the umpteenth time.

***

Tahimik lang ang naging buong byahe nila papunta sa dadaluhang party. Wala naman silang dapat pag-usapan. hindi na rin siya nagtanong kung saan o para saan ang party. She just feel exhausted and tired, physically and mentally.

Pero kahit tahimik lang ang katabi niya at seryosong nakatutok ang atensyon sa daan ay malaki pa rin ang epekto nito sa kanya. She can't help to admire his full beauty. Napaka-gwapo nito sa suot na black tuxedo. Kahit sino naman ata ang itapat kay zeke, si zeke pa rin ang gwapo para sa kanya. No one can beat him in her heart. Mahal niya  pa rin ito kahit kumokontra na ang isip niya.

Nakarating sila sa isang malaking bahay. A mansion to be exact. Hindi naman siya namangha dahil mas malaki namang ang bahay ng daddy niya dito. Maraming magagarang sasakyan din ang nakaparada sa tapat ng mismong bahay.

Bumaba na silang dalawa pagka park ng sasakyan. Wala pa rin silang imikan na dalawa. She just followed him inside. Dinala sila ng isang maid sa likod kung nasaan ang mga bisita. Malawak ang bakanteng likod na dinisenyuhan ng iba't ibang lanterns at may mini stage sa unahan.

Buti nalang at house party lang at hindi ganoon ka elegante ang event at hindi siya magmumukhang out of place sa dress na suot. birthday party ata dahil may banner sa harap na nakalagay na '18th'. A debut?

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon