chapter 53

24.2K 429 15
                                    

***

Napakagaan ng pakiramdam ni nam habang natutulog, she never felt this comfortable like before. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang pag-galaw ng kama niya. She moaned a little. Inaantok pa siya kaya hinayaan niya nalang. Marahil ang anak niya na si July. Mahilig kasi itong tumabi sa kanya kapag gabi.

Unti-unti na ulit siyang dinadalaw ng antok nang may maramdaman siyang kamay na yumakap sa kanya mula sa likuran. Napadilat agad siya ng mata at ang ikinagulat niya ay hindi kamay ng bata iyon kundi kamay ng isang lalake. Magpapanic na sana siya ng hilain siya nito at dumikit ang likod niya sa malapad na katawan. She can feel his breath fanning in her nape.

Narinig niyang umungol ang taong nasa likod niya at lalong isiniksik ang katawan nito sa kanya.

Her heart started beating fast. Daig pa niya ang nakikipagkarera sa lakas ng tibok ng puso niya. Hinawakan niya ang kamay ng taong nakayakap sa kanya para alisin at dahan dahan niyang nilingon ang tao sa likod niya.

She felt her world stop when she saw who the person is. Si zeke lang naman ang katabi niyang nakayakap sa kanya. Pero paanong nandito ito sa tabi niya natutulog?

He groaned again and wrapped his arm around her. Pakiramdam niya ay aatakihin siya ng lalo nitong siniksik ang sarili sa kanya, dagdagan pa na nasa leeg niya ang mukha nito. Alam niyang tulog na tulog ito kaya naman hindi niya malaman ang gagawin kung gigisingin niya ba ito o hindi pa.

But she can't stand in this position with him. Iba kasi ang pakiramdam niya at may nararamdaman pa siyang iba. His freaking boner!

Napakagat labi siya ng maramdaman ang pagdikit ng labi nito sa leeg niya. Damn! Bakit ba kasi nandito si Zeke sa tabi niya?

She tried to calm her nerves and counted one to ten. Nang sa tingin niya ay kalmado na ang sarili niya ay inalog niya ito ng bahagya sa balikat. "Z-zeke." She stuttered.

Umungol ulit ito at lalong humigpit ang yakap sa kanya. Not to close zeke! not to close. Sigurado siyang dinaig pa niya ang kamatis sa pula ng mukha. For Pete sake, gumising na sana ito.

"Zeke." tawag niya ulit dito. This time tinapik niya na ang pisngi nito. "Zeke, wake up." Napabuntong hininga siya at inalog ito. "Zeke!"

Tila naman nagulat ito ng sumigaw na siya at agad napabalikwas ng bangon samantalang siya ay parang nabato sa kinahihigaan.

"Sh!t." He cursed silently. nagulat pa ito nang makita siya. "N-nam?"

Agad na umupo rin siya at pinandilatan ito ng mata. "What the heck are you doing here in my room and in my bed?"

"I ah... I ahm." Napalunok pa ito at bumaba ang tingin sa kanya.

Ngayon niya lang naalala na naka-night gown lang pala siya kaya kitang kita ang hubog ng dibdib niya. Lalong nag-init ang mukha niya at agad na tinakpan ng kumot ang katawan niya.

"Sorry." Paumanhin nito. hindi ngalang siya sigurado kung para saan. Sa pagtulog ba nito sa tabi niya o sa pagtingin sa katawan niya.

"What are you doing here?" Tanong niya ulit. Pigil ang sarili na sigawan ito.

Hindi pa rin ito nakatingin sa kanya at napansin niyang nakatingin ito sa braso niya. Napatingin tuloy siya sa tinitignan nito. Agad na tinago niya ang mga kamay niya sa ilalim ng kumot ng malaman ang mga peklat niya pala ang tinitignan nito.

"Zeke." Tawag niya dito.

Napatingin ito sa mga mata niya. "I'm sorry." paumanhin ulit nito. "Nagpasama lang si July dito kagabi. I didn't notice I fell asleep."

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon