chapter 29

24.3K 366 10
                                        


ZEKE'S POV

Napahaba ata ang tulog ko at pagkagising ko ay malakas na ang ulan sa labas. Agad kong naisip si nam na nasa labas ng bahay. Hindi ko na ininda ang ulan at agad na lumabas ng bahay.

"NAM!" tawag ko sa kanya ng hindi ko siya makita sa labas. Nakita ko ang nagkalat na pinamili niya sa harap ng gate namin. naglakad lakad ako nagbabakasakaling nasa paligid lang si nam pero nabigo ako.

Bumalik ako sa bahay ng basang basa at hindi man lang nakita si nam. Nasuntok ko ang pader sa sobrang inis sa sarili ko. Bakit ba wala na akong ginawang tama? Nawawala si nam ng dahil sa akin.

Hindi kaya may nangyari sa kanyang masama?

hindi ako halos pinatulog ng konsensya ko buong gabi.

Nagising ako kinabukasan na masama ang pakiramdam. Balak kong tawagan ang sekretarya ko para sabihing hindi ako makakapasok. kailangan ko pang mahanap si nam. Pagkakita ko sa cellphone ko ay bumungad sa akin ang ilang missed calls at text galing kay yeoji.

'Nammie is in my house right now. she's burning with fever. Kung concern ka sa asawa mo sunduin mo siya dito'

'Zeke? Why are you not answering my calls? Wala ka na ba talagang pakealam sa asawa mo?'

May ilang text pa si yeoji na hindi ko na binuksan. I'm just too tired to move and I really don't feel well.

Nakahinga din naman ako ng malamang nasa kanila yeoji lang naman pala siya. At least she's safer there. More safer than in our house.

Alam ko naman na mas maaalagaan siya doon. mas maaalagaan siya ni yeoji. I know yeoji. And I know what he feels for nam. Para saan pa ang pagiging magkaibigan namin ng mahabang panahon kung hindi ko alam ang nararamdaman niya?

Kung si yeoji kaya ang minahal ni nam 'matutuwa ba ako?

Siguro...

Apat na araw din akong hindi lumabas ng bahay. Ang mahirap kasi sa akin kapag nagkasakit ako ay matagal gumaling. Dagdagan pa na walang nag-aalaga sa akin. And I hate to admit but I wish nammie was here to take care of me.

Pupuntahan ko na sana si nammie ng gumaling na ako kaso nagka problema naman sa kumpanya. Tambak ang trabaho ko dagdagan pa na pinapatakbo ko din ang kumpanya nila nammie.

Dalawang araw pa bago lumuwang ang schedule ko kaya pinuntahan ko na agad si nammie sa kanila yeoji.

Inaasahan kong madatnan ang galit na mukha ni nam pero pagkarating ko ay ibang iba ang aura niya. Masaya siyang nakikipag laro sa kanila yeoji. I never saw her this happy since we got married. Ang masakit lang ay nawala lahat ng ngiti niya ng makita niya ako.

"Lets go nam. Uuwi na tayo."

Kita ko ang alin-langan sa mata niya. Gusto na ba niya dito?

Diba dapat matuwa ako dahil ito na ang hinihintay kong pagkakataon na aayawan niya na ako? Pero bakit may isang bahagi ng pagkatao ko na hindi gusto ang ideyang iyon?

Sumama pa rin sa akin si nam kahit alam kong nag-aalangan siya. Kita ko ang mga lungkot sa mga mata niya. Wala na akong nagawa kundi pasakitan siya.

"Nam..."

"May kailangan ka zeke?"

Umiling ako. I wanted to say sorry pero duwag ako. oo, duwag ako dahil natatakot akong ipakita ang kahinaan ko sa kanya. Natatakot ako na malaman kung ano ang nararamdaman ko. Natatakot ako na unti-unti nang tinitibag ni nammie ang pader na binuo ko sa pagitan namin. Na sa oras na bumigay ito ay masasayang lang ang pinag-hirapan ko, na baka masaktan ko lang lalo siya pati sarili ko.

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon