chapter 52

25.7K 426 24
                                        

***

Kung may pinakamasayang pangyayari na ata sa buhay ni Zeke yun ay ang pag-payag ni Nam na makita at makasama niya ang mga anak niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang saya. Being with his kids is the most amazing feeling he felt in his life.

Mahigit isang buwan na rin simula nang malaman ng mga anak niya ang totoo. Even if it takes him to the point of begging just to be with them, ay gagawin niya. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagpayag ni nam. Pumayag ito na makita niya ang mga anak niya dalawang beses sa isang linggo. Kuntento na siya sa lagay na iyon. Sa susunod nalang siguro siya magdedemand kapag nakapalagayan niya na rin ng loob si Nam. Sa ngayon ay susulitin niya ang mga binibigay nito na pagkakataon sa kanya.

Alam niya kahit hindi nito sabihin na may dinadamdam pa rin si nam sa kanya. After all, what he'd done is unforgivable. Sa tuwing pupunta siya sa mga anak niya ay tahimik lang madalas si nam. She never talk to him unless he talk first. Ramdam niya na may distansya pa rin sa pagitan nila.

"Anything else, sir?" Tanong sa kanya ng cashier ng toy shop. Binilhan niya na naman kasi ng mga laruan ang mga anak niya.

Even Nam already told her not to spoil their kids, he just can't help it. Gustong gusto niya pa rin pinapasaya ang mga anak niya.

"That's all." Napatingin siya sa phone niya ng mag-ring iyon. "Hello?"

"Baby, where are you?"

"Denise. I-uhm..."

"Don't tell me, pupunta ka na naman sa mga anak mo?" Halata ang iritasyon sa boses nito.

"This is my only time to be with them.alam mo yan."

"Oh come on zeke. Sa kanila may oras ka, Sa akin wala? If your not busy with them your busy with your work! I'm your girlfriend for Pete sake!"

"And they are my kids." Iritable na rin ang boses niya. Eto pa pala ang problemang hindi pa niya na-aayos. He's been planning to break up with her. Hindi ngalang siya makahanap ng tyempo dahil busy siya. Ayaw niya naman makipag-break dito through text or call. "Denise, can we just talk later."

"No. I want to meet you now."

"Denise---"

"Now, zeke!"

***

"You don't have to do this." Sabi niya kay denise na nasa passenger seat.

"What now? I can't meet your kids? If you don't have time for me anymore then I'll make time." Umirap pa ito.

Pinagpilitan kasi nitong sumama sa kanya para daw makilala ang mga anak niya. He's just not sure if it's a good idea though. Wala lang siyang magawa dahil mapilit ito.

"Nam, doesn't know your coming too.Baka hindi pumayag iyon."

"I don't care. Hindi naman siya ang pinunta natin doon."

"Bahay niya pa rin ang pupuntahan natin."

"Bakit ba ang dami mong dahilan?"

"It's not that I have reasons." He heaved a sigh. Sa totoo lang ay sumasakit na ang ulo niya kay Denise. "I told you that we'll just talk later."

"I want to be with you now."

Sinulyapan niya ito at nakita ang nakakunot nitong noo. Kung papairalin niya din ang inis niya dito tiyak na magkakainitan lang sila. Kailangan niya itong makausap ng maayos para madaling hiwalayan ito.

"Fine." Wala na siya nagawa. Sana nga lang ay ok lang kay Nam.

Nakarating na sila sa bahay ng mga Montoya at pagkababa palang nila ay sinalubong na agad siya ng anak niya.

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon