chapter 36

23.7K 386 12
                                    


***

Nagtama ang kanilang mga mata ni Zeke. Pakiramdam ni Nam ay sasabog na ang dibdib niya dahil sa kabang nararamdaman niya ngayon nang muling masilayan ang taong may malaking parte ng kanyang nakaraan.

Ang taong matagal na niyang tinataguan, ang taong pilit niyang kinalimutan ay narito sa harapan niya ngayon.

Her mind snapped back to reality when she heard someone cleared his throat.

"Mr. Aldeguer?" Tawag ng pinsan niya kay zeke na katulad niya ay parang nawala rin sa huwisyo.

Umiwas siya ng tingin at ibinalik ulit ang atensyon sa monitor na nasa harap niya.

Calm your nerves nam! Utos niya sa sarili.

Zeke cleared his throat and continue his discussion about their project.

Sa totoo lang ay wala siyang naiintindihan sa mga pinag-uusapan ng mga tao sa paligid niya. Her mind seemed to wonder somewhere else.

What are the odds? Sa dinami dami ba naman ng lugar na pagtatagpuin sila, ay dito pa sa kumpanya ng daddy niya?

Naalala niya pa ang dating kumpanya na pinabagsak ni zeke. nagtagumpay nga ito dahil nagsara ang naturang kumpanya. But of course, his father is a business tycoon. Dahil hindi siya interesado sa business nila ay huli niya lang din nalaman na napakarami palang kumpanya ng daddy niya na pinapatakbo. Patapon na nga daw ang kumpanya na binigay nito kay zeke. kaya pala ang lakas ng loob ng daddy niya na ipamigay ang kumpanya ng hindi nag-aalinlangan.

Nawala lang siya sa malalim na pag-iisip ng may marinig siyang mag-ring. Napaangat siya ng tingin at nakitang sa kanya lahat nakatingin ang mga tao sa silid.

Napataas ang kilay niya bago tinignan ang bag niya kung nasaan ang cellphone niya na nag ri-ring.

"Ms. montoya." Her cousin warned her. "Your in a important meeting."

Yun na nga eh. wala namang tatawag sa kanya lalo na nasa meeting siya. unless...

Agad niyang sinilip ang caller.

'Yaya #31 Calling...'

Napakunot ang noo niya ng makita ang tumatawag. Without minding the people in the room, she stood up.

"Nam!" tawag sa kanya ni haru.

"It's an emergency ok?" She snapped. "Just continue your discussion without me, sasagutin ko lang ito."

Lumabas agad siya ng silid. Nakikita niya sa labas ang reaksyon ng mga nasa meeting room dahil glass wall ang disenyo ng meeting room. Nakasimangot na ang kuya niya, halatang hindi nagustuhan ang ginawa niya. Samantalang ang iba ay napailing naman. Hindi niya na sinulyapan si Zeke dahil hindi niya gusto ang pakiramdam na nakatingin ito sa kanya.

Sinenyasan niya ang pinsan niya ng 'sandali lang' bago sinagot ang tawag.

"This better be important or else..." her brows furrowed. "WHAT?! Ano ba naman yan... my God! You can't leave!... ano? Ok ok... tsk, wag ka munang umalis, wait till I get home. Tatawagan ko ang agency mo."

Napahawak siya sa sintido pagkatapos i-off ang tawag. Sumasakit na naman ang ulo niya. Bakit ba naman kasi walang tumatagal na katulong sa kanila?

Napailing nalang siya bago bumalik sa meeting room. Kung kanina hindi siya makapag concentrate, mas lalo na ngayon. Gustong gusto na niyang umuwi ng bahay.

Bakas sa mukha ng pinsan niya ang pag-aalala ng makita ang mukha niya. Sinenyasan niya lang ito na ok lang siya.

The meeting went on. Hindi naman kailangan talaga ang opinyon niya sa ngayon dahil baguhan palang siya at acting CEO lang. Ang pirma lang naman niya ang kailangan para sa kontrata.

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon