chapter 59 (last chapter)

31.6K 505 36
                                        

***

Ilang beses napa-kurap si nam bago mag sink-in sa isip niya ang sinabi ni Zion.

He's dead.

"No." Halos pabulong na sabi niya. Napaatras siya at napatakip ng bibig para pigilan ang pag-buhos ng emosyon nia. Sunod sunod ang ginawa niyang pag iling. "Your lying."
"I'm sorry, nam." Mahinang sabi ni Zion sa kanya at hindi man lang tumitingin sa mata niya. "Gusto ka sana niyang puntahan, pero naaksidente siya. He just wanted to fix everything."

"Your lying... why are you lying to me? Hindi pa patay si zeke!" Sigaw niya. Nagbagsakan na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

Lumingon siya kung saan ang tinuro ni Zion at agad na pinuntahan iyon. nakita niya ang isang katawan na nakalatag sa hospital bed at balot ng kumot ang buong katawan pati ang mukha. May mga bakas din ng dugo ang puting tela na nakabalot dito.

"Z-zeke." Tawag niya dito. "Please, no. Wake up... please." Humahagulgol na wika niya.

Bakit ngayon pa kailangan mangyari ito? Bakit nagawa sila nitong iwan? Kung kailan nito inaming mahal siya ay saka pa ito nawala. Ano nalang ang sasabihin niya sa mga anak niya? Bata pa ang mga anak nila para mawalan ng ama. kung kailan malapit na ang loob ng mga bata sa ama nila ay saka pa mangyayari ito.

Akala ba niya gusto nitong ayusin ang pamilya nila? Inalok pa nga siya nito ng kasal na siyang tinanggihan niya. Kung tinanggap ba niya iyon ay masaya na kaya sila ngayon? Kung tinanggap ba niya iyon ay hindi ito mangyayare?

"I'm sorry, zeke... I'm so sorry. Kasalan ko to, naging matigas ang puso ko para sa iyo... if only I've given you chance, hindi mangyayari ito. I'm so sorry..."

Niyugyog niya ang wala nang buhay na katawan nito. "W-wake up, zeke... please, wag mo kaming iwan ng mga anak mo. Kailangan ka nila... kailangan k-kita... I'll say yes to you just come back... I don't care if you don't really love me...tatanggapin kita zeke, kasi mahal pa rin kita... naririnig mo ba ako? Mahal pa rin kita. Pilit ko lang tinatanggi sa sarili ko pero ang totoo ay mahal pa rin kita, ayoko lang masaktan ulit... pero doble ang sakit ngayon na nararamdaman ko Zeke, bakit mo kami iniwan?"

Halos nanlalabo na ang paningin niya dahil sa mga luha na umaagos sa mata niya. Yakap niya ang walang buhay na katawan ni zeke. Ayaw niyang bitawan ito. Hindi niya matanggap na wala na nga ito.

"Nam..."

"NO!" sigaw niya ng may pilit humihila sa kanya palayo kay Zeke.

"Nam, let go."

"Leave me alone! I won't leave him."

Hinila siya nito palayo kay Zeke at niyakap. "Shhh... don't cry, please don't cry."

"No... no." Pinagtutulak niya ito para bitawan siya. Gusto niyang yakapin ulit si zeke, kahit sa huling pagkakataon.

Lalo siyang naluha nang maamoy ang pamilyar na pabango ni Zeke.

Nasa huli talaga ang pagsisisi. kung kailan sinabi na nitong mahal siya ay saka pa ito nawala, kung kailan kaya niya nang tanggapin ulit ito ay wala na ito.

"Please don't cry, Nam. I don't want to see you crying again." Iniangat nito ang mukha niya at kasunod niyon ay naramdaman niya nalang ang paglapat ng malambot na bagay sa labi niya.

The guy is kissing him.

Sa pagkagulat ay agad niya itong tinulak at sinampal ng malakas.

"Aww." Ngiwi nito na napahawak sa pisngi na may mga galos pa at namumula dahil sa lakas ng sampal niya.

Pinunasan niya ang mga luha sa mata niya at saka lang luminaw sa paningin niya ang mukha ng taong nasa harapan niya.

"Z-zeke?"

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon