Vote*comment*fan :)
***
"Ang pangit naman ng movie na to, Eunice, change it." Utos niya sa katabi niya. Pareho silang naka higa sa kama habang nakatutok ang mga mata sa tv na nasa harapan nila. Napilit niya rin si Eunice na mag movie marathon sa bahay nito. Siya pa? lahat ata ng gusto niya ay nakukuha niya. After all, she's a Montoya.
"Wow ha? Kung makapag utos para akong katulong dito. Pasalamat ka birthday mo." Naiinis na sabi nito at bumaba sa kama.
"Thank you, sis." She smiled at her. Irap lang naman ang sagot nito. Mag bestfriend talaga sila dahil parehong mataray... mas malala nga lang siya.
"What movie?"
"Anything that is not boring." Dumampot siya ng snack na nasa tabi niya saka isinubo.
"Psh. Bold gusto mo?"
"Talaga? sige!"
"Gaga! joke lang yun. Gustong gusto mo naman."
Binato niya ng unan si eunice. Panira e. Hindi naman siya inosente sa mga ganoong bagay. Pero take note; virgin pa siya. Wala naman siyang balak ibigay ang sarili niya sa kung sino maliban kay zeke. She love him.
Nagsalang ng iba si eunice. '3idiots'. Maganda naman. may sense.
"Eunice hindi pa ba umuuwi si zeke?" Tanong niya rito. Hindi pa kasi niya ito nakikita simula kaninang pumunta siya dito. Ito lang naman ang pakay niya kaya naisipan niyang dito mag celebrate ng birthday sa bahay ni Eunice. Naalala niya tuloy ang ginawa niyang kalokohan kanina.
She touched her lips. Damn! She can still remember how his lips felt against hers. Gusto niya ulit matikman iyon.
"Malay ko dun." Eunice shrugged.
Parang wala talagang pakealam ito sa kakambal. Tsk
"Text ko kaya?" Kinuha niya agad ang cellphone at tinext si zeke kung nasaan ito. She knows very well that zeke hates if someone is calling him. Emergency lang dapat pwede itong tawagan. Kaya naman hanggat maaari ay text lang ang ginagawa niya.
"Hindi mag rereply yan." Bulong ni eunice sa tabi niya pero narinig naman niya.
"Why is that?"
"Nagapalit na ng number yun. pati nga ako hindi ko alam."
"WHAT?!" bulalas niya. "Bakit?" Nag palit ito ng hindi niya nalalaman? Paano na yan?
"Obvious naman diba? Ayaw niyang kinukulit mo. kaya nga hindi binigay sa akin kasi alam niyang kukulitin mo ako." Napasimangot si eunice.
"Pero paano ko siya matetext?" Napasalampak siya ng higa sa kama. Nakakainis naman si zeke!
"Yun nga yung point nam, ang hindi mo siya ma text. And I'm sure galit sa iyo yun. sa ginawa mo ba naman kanina..." tinignan siya ni Eunibe ng seryoso. "kung ako sayo nam, tigilan mo na si zeke. wala kang mapapala doon."
"Ilang beses mo na bang sinabi sa akin iyan?" She asked irritated. hindi lang naman kasi ito ang unang pagkakataon na binawalan siya nito. Madaming bese na, makulit lang talaga siya.
"Madami na at dadami pa hanggat hindi ka makikinig sa akin. Pareho lang kayo nahihirapan e, lalo na si zeke. Can't you see he's inlove with her? Your turning my brother's life miserable, pati na rin sarili mo kinakawawa mo."
Bumigat yung pakiramdam niya sa sinasabi ni eunice. As much as possible ay ayaw niyang i-accept ang katotohanan na inlove si zeke sa iba. She can't accept that. Not now nor never. Unless it is her.
BINABASA MO ANG
Bleeding Love [QS#1] COMPLETED
RomanceQUARTET SERIES #1 Ezekiel John "Zeke" Aldeguer *** Nammie montoya loved zeke the moment she laid her eyes on him. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang binata kahit na madami siyang masaktan. She doesn't care what everyone think about her as long a...
![Bleeding Love [QS#1] COMPLETED](https://img.wattpad.com/cover/29605128-64-k171692.jpg)