***
Napasulyap si zeke kay zion nang magsalita ito. Nasa may porch silang dalawa habang nagki-kwentuhan at umiinom ng wine.
"Well, three days off wasn't bad." Pahayag ng kaibigan niya.
"Any plans?" Tanong niya rito.
Pagkatapos kasi ng dalawang linggong walang pahinga sa trabaho ay ngayon lang sila nabigyan ng day off.
Sa tingin niya ay minamadali talaga ang pagtatayo ng resort para sa darating na bakasyon. For sure a lots of tourist will visit the place. Magaling talagang pumili ng lugar si Mr. Montoya.
"Mamamasyal nalang siguro ako sa bayan. Hassle lang kasi kung aalis pa ako, and I've heard there's a storm coming. How about you?"
Napakibit balikat siya. Sa totoo lang hindi naman siya na-excite ng malamang tatlong araw ang day-off nila. Sanay na kasi siyang magtrabaho na kaunti lang ang pahinga.
Isa pa, there's a lot reason for him to stay.
"I was actually planning not to take my off this week and make it on the day before my birthday." Pahayag niya dito.
"Oo nga pala malapit na ang birthday mo. so, any plans?"
Hindi niya mapigilang magduda sa kaibigan niya. "Why are you so eager to know my plans, anyway?"
Napangisi ito. "Why? Hindi ko na ba pwedeng malaman? I'm your best dude ever, remember?"
"Yeah, your my best dude, so I know you very well. Telling my plans to you also means letting you creating a plan to ruin my plans."
Napatawa ito at napasapo sa dibdib na animo ay tinamaan ng kung ano. "Ouch bro, you really think I'm like that?"
"No doubt your like that."
Lalong lumawak ang ngisi nito sa mukha. He sure knows zion. Maraming alam na kalokohan ito. At alam na alam niya kung kailan ito may pinaplano. Well, not all the times he knows, but still, he sometimes knows it.
"Hijo may naghahanap sa iyo."
Napalingon silang dalawa sa matandang caretaker ng bahay.
"Sino po?" tanong niya rito.
"Hindi pinasabi ang pangalan basta lang hinahanap ka."
Agad nilang tinungo ang bahay para tignan kung sino ang naghahanap sa kanya. He's not expecting anyone.
Nagulat siya ng makita ang taong naghahanap sa kanya. Of all the people, he was not expecting her.
"ZEKE!" tawag nito nang makita siya. Kausap nito si yeoji nang maabutan nila.
"Mandy." Sambit niya. Agad na nilapitan niya ito at niyakap. Hindi mapigilan ni zeke ang mapangiti nang maramdaman ang umbok ng tiyan nito. "What are you doing here? At sino ang kasama mo?"
She giggled. "I came here by myself... hi Zi." nilapitan din nito si zion at niyakap. "Hey don't give me that look." Napasimangot ito ng makita ang itsura niya.
"Mandy, your three months pregnant and your traveling with your own self? Paano kung may mangyari saiyo at sa bata?"
"Don't worry I can handle myself." Nameywang ito at pinakita pa ang umbok ng tiyan. "I'm fine and my baby is fine, so no need to worry. Besides, napadaan lang ako dito. Nalaman ko kasi kay zion na nandito kayo. Pauwi na rin ako ng manila."
"Zi." He gave a warning look to zion.
He just shrugged. "Hindi ko naman alam na pupunta siya dito."
BINABASA MO ANG
Bleeding Love [QS#1] COMPLETED
RomantizmQUARTET SERIES #1 Ezekiel John "Zeke" Aldeguer *** Nammie montoya loved zeke the moment she laid her eyes on him. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang binata kahit na madami siyang masaktan. She doesn't care what everyone think about her as long a...
![Bleeding Love [QS#1] COMPLETED](https://img.wattpad.com/cover/29605128-64-k171692.jpg)