chapter 56

23.1K 438 17
                                        


***

Ilang beses nang kinalma ni nam ang sarili bago naisipang bumaba ng kotse.

Ilang araw din niyang pinag-isipan ang gagawin niya ngayon. Wala naman sigurong mawawala kung makikipag-kasundo siya kay zeke diba? He wants more time to be with their kids. At iyon ang ibibigay niya.

Hindi naman siya insensitive para hindi alam ang nararamdaman nito. After all naranasan niya na din kung papaano humingi ng oras at panahon sa taong mahalaga sa kanya. Come to think of it, darating pa rin pala siya sa punto na uunahin ang nararamdaman ni zeke kesa sa sarili niya.

Tama naman kasi si phoebe masusulusyunan lang nila ang problema kung mag-uusap sila ng maayos ni zeke.

"I'm looking for Mr. Ezekiel Aldeguer." Sabi niya sa receptionist ng naturang building pagkapasok niya.

"Do you have an appointment ma'am?" Tanong nito ng hindi siya nililingon dahil busy ito sa pagtipa sa keyboard.

"None. but this is important."

"I'm sorry pero hindi po tumatanggap ng bisita si sir. Ezekiel without appointment."

Who needs an appointment if your a 'Montoya'? yun sana ang gusto niyang isigaw sa babaeng nasa harap niya. Pero di bale na, wala siya sa mood makipag-tarayan. "Tell your boss 'Nammie Montoya' is looking for him."

Agad naman itong napa-angat ng tingin.

"M-montoya po?" Hindi makapaniwalang tanong ng receptionist sa kanya. Nagulat siguro ito. Isa pa, sila ang pinakamalaking kliyente ng YZ builders. dapat talaga kilala siya nito.

"Yes. And I really don't have time to wait."

"Ah y-yes ma'am, sorry po. I will just inform Mr Aldeguer. Akyat nalang po kayo sa 9th floor."

"Good." She said dismissively before turning her back. Agad na tinungo niya ang elevator. Hindi din nakaligtas sa kanya ang mga tingin na pinupukol sa kanya ng mga empleyado ng YZ.

Pagkarating sa palapag na sinabi ng receptionist ay hindi naman agad siya nahirapang hanapin ang opisina ni zeke dahil sa dulo lang ito ng hallway.

Tumayo agad ang secretary nito na nasa labas ang desk. Agad itong humarang sa may pinto bago pa siya makapasok. "Ma'am pasensya na po may kausap pa si sir eh."

"Pakisabi kailangan ko siyang makausap."

"Ahh ehh. Importante po ba?" Tanong nito.

Tinaasan niya agad ito ng kilay. "Kung importante man o hindi, wala ka nang pakealam doon."

"Pero ma'am."

"WHAT!"

Sabay pa silang napahinto ng makarinig ng sigaw mula sa loob ng opisina ni zeke.

Humkbang ulit siya pero humarang ang sekretarya nito sa daraanan niya kaya sinenyasan niya ito na tumabi.

"Ma'am baka po magalit si sir."

"Shut up." She hissed. Sigurado siyang boses ng babae ang narinig niya at mukhang may kaaway ito.

Lumapit siya ng kaunti sa pinto at inilapit ang mukha niya para mapakinggang mabuti ang sa loob. May siwang naman ng kaunti ang pinto kaya madali lang ang pakikinig niya. Out of curiosity kaya pinakinggan niya ang usapan ng mga nasa loob.

"I told you, Denise. It's over."

"What now? Dahil may mga anak ka na! Come on zeke! I don't care if you have kids. You said we're gonna get married."

Nagtaka siya sa narinig. Ito at si Denise may planong magpakasal? Bakit hindi kayang i-digest ng utak niya ang ideyang iyon?

"I was drunk when I said that! Why can't you just deal with it. I cannot continue our relationship anymore."

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon