***
'I'm sorry nam'
That was the last thing he told her.
Nung marinig ni Nammie kay Zeke ang salitang iyon ay naguluhan siya kung para saan ang sorry nito. Para ba sa mga nagawa nito sa kanya o nag so-sorry ito dahil hindi siya nito kayang mahalin?
Pero ngayon malinaw na malinaw na kung para saan ang sorry nito. He's sorry because he finally decided to leave her.
Three months.
Three months have passed since he left without bidding goodbye. Alam niya naman eh. Alam niya naman na darating talaga ang panahon na tuluyan siya nitong iiwan. Pinaghandaan niya na nga noon pa.
Pero kahit pinaghandaan niya na ay masakit pa rin pala talaga kapag nangyari na.
Alam niyo kung ano pa yung mas masakit? Yung sa kahuli-hulihang pagsasama nila ay pinakitaan pa siya nito ng kaunting pagmamahal, ng pagpapahalaga. The way he hugged her that night she felt like he really cared for her. Yung tangang puso niya naman umasa eh, naniwala sa pinakita nito. Tapos ayun nga iiwan lang naman pala siya.
Agad na napatakbo siya sa banyo ng maramdaman na naman ang pag-baliktad ng sikmura. Nag-suka na naman siya kahit wala naman siyang nilalabas na ano.
Damn. I really hate morning sickness.
Bumalik din siya sa kusina para ituloy ang niluluto niya ng mahimasmasan na siya.
Eto pa yung magandang parte ng nangyayari sa buhay niya. Aalis nalang ito may iniwan pa talagang souvenir.
She's pregnant.
Hindi niya na regular na nainom ang pills na binigay sa kanya ni zeke simula nang pumunta siya sa birthday party ng kaibigan nito kaya naman nabuntis siya.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng malaman niyang buntis siya. Magulo ang isip niya lalo na ng iwan siya ni zeke. But she knows she have to be strong, For her and for her baby.
Naalala niya tuloy yung sinabi ni Zeke na hinding hindi nito matatanggap ang magiging anak niya dahil siya ang ina. Ngayon pa lang nasasaktan na siya para sa magiging anak niya dahil hindi ito matatanggap ng sariling ama.
Hinimas niya ang maliit na baby bump na nahahalata na sa kanya.
"Wag kang mag-alala baby... hindi ka papabayaan ni mommy." Kausap niya sa anak. Lagi niya na tong ginagawa simula ng malaman niyang buntis siya.
Nakaka-inggit nga yung mga nakakasabay niya sa mga check-ups kasi todo alalay sa kanila ang mga asawa nila samantalang siya ay kinakaya ang lahat ng mag-isa. Yung bang pag nagugutom siya at may hinahanap na pagkaen ay kailangan siya lahat ang kumilos. Wala siyang inaasahan at ayaw rin niyang umasa.
Kung sa totoo lang pwedeng pwede naman siyang bumalik sa poder ng daddy niya. But she choose not to. Gusto niyang matuto sa buhay sa paraang alam niya. hanggat kaya niya pa, hindi siya aasa sa iba.
Hindi na rin siyang umaasa na babalikan pa siya ni zeke. Aasa pa ba siya kung alam niya naman kung nasaan at sino ang kasama nito ngayon?
Ilang araw na siyang nag-susuka at madalas mahilo. May kutob siya kung bakit siya nagkakaganito kaya naman naisipan niyang pumunta sa mall para bumili ng pregnancy kit.
She knows the symptoms of pregnancy kaya malakas talaga ang kutob niya na baka buntis siya.
Pagkagaling niya sa watson para bumili ng pregnancy test ay naisipan niya munang mamili ng mga kailangan sa bahay.
Nagbabakasakali din na makita niya si zeke by chance. Ilang linggo na kasi itong hindi umuuwi at lumalakas na ang kutob niya na baka iniwan na nga siya nito.
Pauwi na sana siya ng maisipan niyang kumain na lang din dito sa mall para hindi na niya kailangan pang magluto sa bahay.
Sa paborito niyang restaurant siya pumunta. Naging paburito niya lang naman ito kasi dito madalas kumaen sila Zeke sa tuwing sinusundan niya ito kapag nakikipag ito dati.
Napapa-iling nalang siya kapag naaalala ang pagiging stalker niya noon.
Dumiretso agad siya sa loob at umupo sa paborito niyang pwesto. Dito kasi siya lagi naka-upo noon para hindi siya makita nila Zeke dahil medyo sa dulo ang upuan na ito.
Habang hinihintay niya ang order ay napako ang tingin niya sa kakapasok lang na tao... ganoon na lamang ang pagka-gulat niya ng makita si zeke na pumasok sa restaurant. Mag-isa lang ito na umupo sa isang sulok ng kainan. Panay ang tingin nito sa cellphone na para bang may hinihintay.
Hindi agad siya naka-kilos. Parang na-estatwa siya sa kinauupuan niya. Hindi niya akalain na makikita niya ito ngayon dito. Gustong gusto niya na itong puntahan at yakapin pero bago pa niya magawa iyon ay siya namang pagdating ng di niya inaasahang tao.
si mandy.
Namanhid siya bigla at parang nawalan ng lakas sa nakikita niya.
At mas nagulat siya ng mapadako ang tingin niya sa tiyan nito... she have a small baby bump. mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya at nanlamig din ang mga kamay niya na nakapatong sa lamesa.
She's pregnant? Pero... how come? Nung huling kita nila sa party ay hindi naman halata ang tiyan nito... or hindi niya lang napansin dahil hindi naman fitted ang suot nito?
Agad na sinalubong ito ni zeke at inalalayang umupo sa tabi nito. Halos madurog ang puso niya ng makita si Zeke kung paano nito hawakan ang tiyan ni mandy.
They were smiling to each other like a love sick couple. Hinawakan ni Zeke ang kamay ni mandy at hinalikan iyon.
Wala nang mas sasakit pa sa nakikita niya ngayon.
Malinaw na malinaw na sa kanya ang dahilan kung bakit siya nito tuluyang iniwan, kung bakit hindi siya nito kayang mahalin. Si mandy pa rin talaga. At ngayon mukhang madadagdagan pa ang taong mamahalin nito. Mag-kaka anak na sila.
Napahawak siya sa tiyan niya. What if she's pregnant too?
She smiled bitterly.
Wag ka nang umasa Nam. Masasaktan ka lang lalo. Sermon niya sa sarili.
Ano nga bang laban niya kay Mandy? Walang wala siya kung ikukumpara kay Mandy pag si Zeke na ang usapan. Zeke loves Mandy while he hates her.
"Ma'am ok lang po kayo?"
Napatingin siya sa waiter na kanina pa pala sa tabi niya dala ang order niya. Nilapag nito ang mga inorder niya at saka siya inabutan ng tissue.
"Maganda pa rin po kayo ma'am kahit umiiyak... pero sana po wag na kayong umiyak."
Napahawak siya sa pisngi at nakumpirma na umiiyak nga siya.
"S-salamat." Inabot niya ang tissue at pinunasan ang luha sa mga mata. Tinignan niya ang name plate nito na nakalagay sa may kaliwang didib. "Salamat jaspher."
"Walang ano man po. Wag na po kayong umiyak ma'am ha?" Yun lang at tuluyan na itong umalis.
Bumalik ulit ang tingin niya sa kanila Zeke. Daig niya pa ang nanunuod ng romantic movie ng live sa kanilang dalawa.
Napahawak ulit siya sa tiyan.
"Kung meron mang nabubuo sa tiyan ko... pasensya na anak... I'm sorry if I will not be able to give you a complete family. I'm sorry kung hindi kita mabibigyan ng isang ama. It will be just you and me for now on... just you and me."
***
A/N: 'Jaspher' from one of the characters in my other story "Here Comes Trouble"
BINABASA MO ANG
Bleeding Love [QS#1] COMPLETED
RomanceQUARTET SERIES #1 Ezekiel John "Zeke" Aldeguer *** Nammie montoya loved zeke the moment she laid her eyes on him. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang binata kahit na madami siyang masaktan. She doesn't care what everyone think about her as long a...
![Bleeding Love [QS#1] COMPLETED](https://img.wattpad.com/cover/29605128-64-k171692.jpg)