chapter 28

23.7K 322 7
                                        

A/N: this is the POV of Zeke from the previous chapters. Medyo magulo pero sana maintindihan niyo :)

ZEKE'S POV

"Zeke crush kita."

Nginitian ko lang si Nammie. Simula nang maging magkaibigan silang dalawa ng kambal ko ay naging friends na rin naman kami.

Alam kong may gusto siya sa akin dahil halos araw araw niya namang sinasabi na crush niya ako.

Natutuwa naman ako dahil kahit papaano ay crush ko iin siya. Not until we're both eleven years old.

"Bakit ba laging si yeoji ang kasama mo?! Paano naman ako?"

She started nagging me. She's not even my girlfriend but she acts like one. Pati si yeoji na bestfriend ko ay pinagseselosan niya na hindi naman dapat. Kaya lagi na akong lumalayo sa kanya eh. Nakakasakal na kasi ang ugali niya.

"Break na tayo! May girlfriend ka na pala tapos niligawan mo pa ako?!"

Pagkatapos akong sigawan ng first girlfriend ko ay sinampal pa niya ako sa harap ng maraming tao. At the age of seventeen I finally got a girlfriend. Pero ito ang nangyari. I don't even know what she's talking about. Pero nagka-ideya ako ng makita ko'ang naka-ngising mukha ni nammie sa di kalayuan.

"Anong sinabi mo sa kanya?" Tanong ko kay Nam na kampanteng nakaupo lang sa harapan ko.

"I just told her that I'm your girlfriend." Balewalang sagot nito.

Hindi lang doon natapos ang kalbaryo ko. Everytime I tried to court someone, inuunahan niya na akong siraan sa mga babae.

Yung inis ko sa kanya napapalitan ng galit. I still try to act civil towards her though she's pushing me to the limit.

"You fvcking know what i mean! Can't you see that I have a girlfriend? Wag mo nang pilitin ang sarili mo sa akin." I snapped at her.

"But zeke, I love yo---"

"Love?" Magsasalita pa sana siya ng sumabat na ako. "You don't love me. Your obsessed with me. Hindi pagmamahal ang ginagawa mo."

She's definitely obsessed with me. Kahit na may girlfriend na ako na si mandy ay nagawa niya pa rin akong landiin ng walang pakundangan. Nagpapasalamat na nga ako na naitaguyod ko ng isang taon mahigit ang relasyon namin ni mandy. Kaya hindi ako papayag na masisira niya lang ng basta basta iyon. Mahal ko si Mandy.

"Your lips taste sweet. just like the first time I kissed them."

Ayoko man pero iba ang naging epekto sa akin ng paghalik ni Nam. Iniisip ko nalang na dahil lalake ako kaya ako nagkakaganito.

"You gave it to me, kaya gagawin ko kung anong gusto ko."

Pinunit ko sa harap niya ang regalo niya sa akin kahit labag sa loob ko. Alam kong nasaktan ko siya pero kung hindi ko gagawin ito ay hindi siya titigil sa mga ginagawa niya.

Akala ko titigil na siya. Pero nagkamali ako. Mas hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa niya.

"You saw me at the bar last night... you were badly drunk kaya naman nagprisinta akong ihatid ka, I told you na iuuwi na kita sa inyo pero tumanggi ka. you said you need someone to talk to kaya dinala kita dito zeke. I didn't plan this thing to happened. Ikaw ang nagpumilit sa akin kagabi. You said you need me. I love you zeke kaya ibinigay ko ang sarili ko."

Galit ako kay Mam. Pero nadagdagan iyon ng pagkamuhi.

"They want you to marry her."

Parang bombang sumabog sa akin ang katagang binitiwan ng ama ko. Kilala ko si nam, alam ko ang mga kaya niyang gawin kapag hindi nasunod ang gusto niya.

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon