ZENA for the official couple name for Zeke and Nammie. :)
***
'I don't know why she still chooses to be with you... but remember this zeke, hindi na ako papayag na may mangyari pa kay nam.'
Hindi niya pa rin makalimutan ang mga katagang binanggit sa kanya ni yeoji kahit nakauwi na sila ni Nam sa bahay nila. Pilit bumabagabag sa kanya ang mga binitiwang salita ni yeoji.
Napabuntong hininga siya bago tuluyang pumasok sa bahay nila. Ang bahay na saksi sa mga ginawa niya sa asawa niya.
Naalala niya ang huling punta niya dito, ang gabing kung kailan nawala sa kanila ang anak nila. Kung bang nangyaring hindi siya umalis ng oras na iyon ay buhay pa kaya ang anak nila?
Napailing na lamang siya. It happened already and they can't change it anymore. Siguro nga kung hindi pa nangyari iyon ay hindi pa siya matatauhan at hindi papasok sa isip niya na tuluyan nang ayusin ang relasyon na meron sila ni Nam.
Inalalayan niya sa paghiga si Nam sa kama nila. "Are you hungry? Magluluto ako." sabi niya rito.
Tumango lang ito bilang sagot.
Nagpapasalamat na lang siya at kahit papaano ay pinapansin na siya nito kahit simpleng tango at iling lang ang ginagawa nito.
Bumaba siya sa kusina para magluto ng pagkaen nilang dalawa. Ito ang unang pagkakataon na siya naman ang magsisilbi kay nam. Pagkatapos niyang magluto ay pinuntahan niya si nam sa kwarto para makakain na ito. Bakas pa rin sa mukha nito ang pagiging matamlay kaya as much as possible ay puro pahinga lang dapat ito hanggang sa maka-recover.
"Nam kumaen kana." Pinaupo niya ito para maka-kaen ito ng maayos. "You should eat a lot para bumalik ang lakas mo."
Sinubuan niya na ito. Every now and then he tried to catch her eyes. Kaso kahit anong tingin niya dito ay wala pa rin siyang makitang emosyon sa mga mata nito. She looks lifeless.
Umiling na ito nang makalahati ang kinakaen.
"Hindi mo pa nauubos ang pagkaen mo." sinubukan niya ulit na subuan ito pero umiling ulit ito. "Alright, magpahinga kana ok?"
Tumango ito at humiga na.
Lumipas ang ilang araw at kahit papaano ay may improvement naman siyang nakikita kay Nam. lumalabas naman ito paminsan minsan sa kwarto. Pero tahimik pa rin ito at madalang lang siyang kinakausap, kung hindi pa niya ito kakausapin ay wala talaga itong imik.
Gusto na niya kausapin ito tungkol sa sitwasyon nila pero humahanap lang siya ng tiyempo kung kailan handa na ito. At kung kailan malakas na ang loob niya. Alam niyang hindi niya pwedeng biglain ito lalo na't kagagaling lamang nito sa isang masakit na pangyayari. Ayaw niya nang saktan pa ito hanggat maaari.
"Nam?" Tawag niya ng makitang wala ito sa kama kung saan madalas niya itong maabutan kada umuuwi siya. Kagagaling niya lang sa trabaho at medyo late ang uwi niya dahil natatambakan siya dahil mas malaki pa ang nagugugol niyang oras sa pag-aalaga kay Nam.
Wala na siyang balita sa kumpanya nila ni nam na pinamamahalaan niya dati kaya nag fo-focus lang siya sa sariling kumpanya.
Agad siyang bumaba para hanapin si Nam sa labas pero wala ito sa kusina maging saang sulok ng bahay nila. Agad siyang nakaramdam ng kaba. He called her name again but no respond.
Pumanhik ulit siya sa kwarto nila para tignan ang mga gamit nito. Nakahinga naman siya ng maluwang ng makitang naroon pa rin ang mga damit ni nam.
Marahil ay nasa paligid lang si nam, o baka sa kwarto nito kung saan siya nagpipinta dati.
Come to think of it. Alam niyang doon nagpipinta si nam pero ni minsan ay hindi pa siya doon nakapasok man lang.
Lalabas na sana ulit siya ng silid ng marinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. Lumapit siya sa may pinto at nakumpirma nga niya na bukas ang shower ng banyo pero nakakapagtaka na nakapatay ang ilaw.
Binuksan niya iyon at sinindihan ang ilaw. laking gulat niya ng makita si nam na nakaupo sa tiled floor sa isang sulok ng shower room. nakayuko ito yakap ang sarili at nakapatong ang mukha sa tuhod. Wala itong saplot maski ano at basa rin ang buhok nito. Agad na pinatay niya ang shower at nilapitan ito.
"Nam what are you doing?" Inangat niya ang mukha nito. Hindi niya inaasahan makita ang mukha nito na halatang galing sa pag-iyak. "Magkakasakit ka sa ginagawa mo." Nag-aalalang turan niya dito.
Binuhat niya agad ito. Tahimik lang si nam hanggat mailapag niya ito sa kama. Hindi na niya alintana ang kahubaran nito.
Agad siyang kumuha ng tuwalya at pinunasan ang basang buhok at katawan nito. Hindi niya mapigilang makaramdam ng awa dito dahil sa ikinikilos nito. It's obvious that the accident had cause a big impact on her.
"Diyan ka lang, kukuha ako ng damit mo."
Tumayo siya at nagtungo sa cabinet nila para ikuha ito ng maisusuot.
Napahinto siya bigla sa ginagawa ng may maramdamang yumakap mula sa likuran niya.
"Nam?" nagtatakang tanong niya. lalong humigpit ang yakap nito mula sa likuran.
Kumabog ang dibdib niya ng maramdaman ang katawan nito sa likuran niya. Dagdagan pa na hubo't hubad ito. Hindi mapigilan ng katawan niya ng makaramdam ng init.
Damn!
He shook those thoughts away.
Hindi niya alam kung bakit siya niyayakap ni nam. Lilingunin na sana niya ito ng magsalita ito.
"Please make love to me zeke, please love me... kahit ngayon lang."
***
BINABASA MO ANG
Bleeding Love [QS#1] COMPLETED
RomansaQUARTET SERIES #1 Ezekiel John "Zeke" Aldeguer *** Nammie montoya loved zeke the moment she laid her eyes on him. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang binata kahit na madami siyang masaktan. She doesn't care what everyone think about her as long a...
![Bleeding Love [QS#1] COMPLETED](https://img.wattpad.com/cover/29605128-64-k171692.jpg)