chapter 18

21.8K 367 22
                                    

***

Unti-unting iminulat ni Nammie ang mga mata ngunit agad din ipinikit iyon ng maramdaman ang pagsakit ng ulo at ng katawan. Pakiramdam niya lahat ng parte ng katawan niya ay masakit. Ramdam niya rin ang pamamaga ng mga mata.

Sh!t.

Napahawak siya sa ulo ko at ngayon niya lang napansin na nasa kama siya at nakabalot ng kumot. Wait! She can't remember going to bed last night. Huling naalala niya lang ay nasa banyo siya. Wait... Is it possible that...

She felt something warm in her heart. Si zeke ba ang nagdala sa kanya rito? Parang gusto niyang maiyak ulit dahil sa posibilidad na si Zeke nga angnagdala sa kanya rito.

Grabe, ganoon na ba siya kababaw at simpleng bagay na ginawa nito ay malaking epekto na sa kanya. Siguro nga.

Pinakiramdaman niya ang sarili at Napatingin sa loob ng kumot. tama nga ang hinala niya. wala pa rin siyang saplot sa katawan.

Napapikit siya. The bed is just too inviting. Parang ayaw siyang paalisin. Hindi niya napansin na nakatulog ulit siya marahil sa sobrang pagod.

Nagising nalang siya ng maramdaman ang gutom. Anong oras na ba? Napatingin siya sa wall clock at nakitang alas dos na ng hapon, ganoon ba kahaba ang tulog niya?

Tumayo na siya at sinuot ang damit na hinanda niya para sana kagabi. masakit pa rinn ang buong katawan niya pati ang mukha. Bumaba siya sa kusina. Siguradong wala si zeke dahil may pasok ito.

She suddenly have this urge to see him. Bakit? Dahil lang sa binuhat siya nito papuntang kama? Ang babaw nga talaga niya siguro. Pero nakaramdam siy ng saya kahit papaano sa simpleng bagay na iyon. Ganito na ba talaga siya kasabik sa atensyon nito?

Pagkatapos niyang nagluto at kumaen ay ginamot niya ang mga sugat sa katawan. Daig pa niya ang nakipagbugbugan sa dami ng pasa at sugat sa katawan. Like her usually routine pumunta siya sa paint room slash gallery room niya. Gusto niyang magtanggal kahit papaano ng stress nitong mga nakaraang araw. At ito lang ang paraan niya para mabawasan iyon.

hindi niya alam kung ano ang susunod na plano or kung may plano nga ba talaga siy. After what she heard about zeke's plan. Alam niya na gagawin talaga ni zeke iyon, sa galit ba naman nito sa kanya. But a part of her have this little hope that he won't do it. Hindi ganoong tao si zeke. saksi siya sa paglaki nito at alam niya ang ugali nito. Alam niyang magbabago ang isip nito. She's hoping. hindi siya bibitaw. tanga na kung tanga.

Napatingin siya sa mga paint nang mapansin na paubos na ang kulay black. Eto pa naman ang pinaka-importante. Mukhang kailangan niya nang bumili ng bago.

Pero teka, hindi siya pwedeng lumabas ng bahay dahil tiyak na magagalit si zeke sa kanya. Napatingin siya sa orasan at alas kwatro na nang hapon. Eight pa naman ng gabi ang uwi nito. kung aalis agad siya ay makakauwi siya ng maaga ng hindi mapapansin ni Zeke na umalis siya.

Agad na nag-ayos siya ng sarili. Masakit pa rin ang katawan niya pero hindi niya na pinansin. Mas mararamdaman niya kasi ang sakit kapag pinapansin niya.

Nagsuot siya ng longsleeve at palda na lampas tuhod para kahit papaano ay matakpan ang mga pasa at sugat niya. Nag apply din siya ng make-up para matakpan ang ilang pasa sa mukha.

Sa pinaka-malapit na mall na lang pumunta para mas mapadali ang uwi dahil mag cocommute lang siya. May sarili siyang credit card na ang daddy niya mismo naglalagay ng pera. Kung tutuusin pwede niya pa rinn gawin ang mga luho niya kagaya ng dati pero sa sitwasyon niya ngayon ay wala na ang focus niya sa sarili kundi na kay Zeke na.

Mabuti nalang at hindi ganoon kadami ang tao sa bookstore kung saan siya namili. Nahirapan lang talaga siya sa paghahanap ng materials na gagamitin. Bumili na rin siya ng iba pa na pwede niyang magamit. Nang mapadaan siya sa supermarket ay naisipan niyang mamili ng pagkaen para mamaya.

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon