***
"Make sure to check everything, okay?"
"Yes, yes. No need to worry about me, kaya ko naman." Napailing siya ng marinig ang matinding pag-aalala sa boses nito.
"Uuwi din naman kami agad next week. Wag ka munang manganganak." He chuckled.
"Keith... no need to worry ok? Two weeks pa naman sabi ng doctor diba?"
"Nag-aalala lang ako. Kung hindi naman talaga emergency, hindi ako aalis"
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. "Basta ingat kayo ni kier ha? Naku' mamimiss ko si kier."
"Si kier lang?" Kunwaring pagtatampo nito.
"Oo na, pati na ikaw. "
Tumawa ulit ito. "Sige nam, tinawag na yung flight number namin. Ingat ka diyan ha? Bye."
"Bye, ingat din kayo."
Pagkatapos ng usapan nila ni keith ay naisipan niyang bumaba muna. nagugutom na naman kasi siya. Ang hirap talaga pag nagbubuntis, Laging nakakaramdam ng gutom.
Two weeks na lang at due date niya na sabi ng OB. Buti nalang laging naka-alalay sa kanya si keith. Simula kasi ng magkita ulit sila ay naging malapit silang magkaibigan. Siguro dahil pareho sila ng sitwasyon kaya nag-kakaintindihan sila.
They are just friends and nothing more. Mahilig lang talaga mag-lambing si keith. Pero alam niya namang mahal na mahal pa rin nito ang nanay ng anak. Kagaya niya, mahal niya pa rin ang tatay ng anak niya.
Kahit na alam niyang wala na talagang balak bumalik si Zeke sa buhay niya. Mahirap talaga na alisin ito sa puso niya.
Pababa na siya sa kusina ng may maamoy siya. Amoy pamilyar. Polo blue; ang pabango ni Zeke.
Hindi niya alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso niya. pumunta siya sa pinto para silipin ang labas pero wala namang tao.
Napailing siya. Sa kakaisip ata rito pati pabango nito pakiramdam niya ay naaamoy niya.
Pinatay niya na lang ang ilaw sa sala at sa kusina lang ang pina-andar. Alas-otso pa lang naman ng gabi pero nasanay na siyang natutulog ng maaga dahil madalas siyang antukin.
Dumiretso siya sa kusina para kumuha ng snacks. Milk at tinapay na lang kamatis ang palaman. Ewan niya ba, trip niya laging kumaen nito.
Umupo siya sa upuan at nag-umpisang kumaen ng maramdaman ang paggalaw ng tiyan niya.
"Baby, wag ka munang lalabas ha? Umalis si tito keith mo eh, walang mag-aalaga sa ating dalawa." Kausap niya sa anak habang hinihimas ang tiyan.
"Alam mo, sabi ni tito keith mo gusto daw niya na maging boyfriend mo si baby keir..." napangiti siya. "Pero alam mo anak, kahit gustong gusto ko na magkatuluyan kayo ni keir, gusto ko pa rin na ikaw ang pipili ng mamahalin mo... kung may mamahalin ka man, dapat siguraduhin mong mahal ka rin niya ha? Wag kang gagaya sa akin..."
Hindi niya na napigilan ang pagbagsak ng luha. "Ayokong matulad ka sa akin... I'm sorry baby. Hindi man kita mapapakilala sa ama mo, sisiguraduhin ko naman na hindi magkukulang ang pagmamahal ko sayo."
Naramdaman niya ang pagsipa nito kaya hindi niya mapigilang mapangiti kahit na lumuluha siya. "You can hear me don't you? Sorry baby ha? iyakin si mommy." Agad niyang pinunasan ang mga luha. "Naku... baka lumabas kang nakasimangot niyan."
Pagkatapos niyang kumaen ay agad na siyang bumalik sa kwarto para matulog na. Hindi na siya makapag-hintay sa araw na manganganak siya. It would be another start for life.
Pakiramdam niya tuloy pagkatapos lahat ng pinag-daanan niya na hirap at pasakit ay makakamit niya na ang premyo niya. And that prize is her child.
Nasa ganoon siyang pag-iisip hanggang sa makatulog na siya.
***
'I'm sorry nam'
Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinalikan.
Napabalikwas siya ng bangon ng may maramdaman na kung ano. Pero pagtingin niya sa paligid ay wala naman siyang makita.
Yung panaginip niya. pakiramdam niya ay totoong totoo. Hanggang sa panaginip ba naman ay si zeke pa rin? Haay. Kailan ba ito mawawala sa isip at puso niya?
Napahawak siya sa tiyan ng maramdaman niya ang paghilab nito. Agad niyang kinuha ang cellphone sa nightstand para tignan ang orasan.
1:26 am.
Shit. Sumakit na naman!
Oh no! Don't tell me ngayon na? Please wag naman sana!
"Ahh!" Napahiyaw na siya ng tumindi ang sakit. "Please... wag muna baby." Sinubukan niyang kalmahin ang sarili para hindi siya mag panic.
Pero patindi ng patindi ang sakit na nararamdaman niya sa katawan.
She think It's really happening! bakit ngayon pa?! Hindi niya alam ang gagawin niya.
keith...
Nag-iinit na ang sulok ng mga mata niya. No! She can't be weak right now!
Hirap man ay tumayo siya sa pagkakahiga. Hawak niya ang cellphone at agad na kinalkal ang drawer para kunin ang car key.
She need to be strong! Para sa anak niya. Hindi nixma mahihingan ng tulong si keith dahil ka-aalis lang nito.
She just found herself dialing someone's number.
"Yeoji... please a-answer the phone. Ahh!" Sunod sunod na ang patak ng luha niya dahil sa walang tigil na pag-hilab ng tiyan niya. "Please...please."
'The subscriber cannot be re---"
She dialled his number again.
'The subscriber ca---'
She dialed many times. Wala na siyang alam na pwedeng mahingan ng tulong sa mga oras na ito. Nang wala pa rin ay pinag-mabuti niya nalang na bumaba na. Pinilit niyang maglakad kahit na parang gusto nang bumagsak ng katawan.
Habang papunta sa gate para buksan iyon ay nag-dial ulit siya.
Please... I need you now.
Halos lumundag ang puso niya ng marinig niya ang pag-ring niyon.
"Zeke... answer it... please." Muntikan na siyang matumba dahil nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa luha. Ring lang ng ring ang cellphone ni zeke pero walang sumasagot. "Zeke, kailangan kita."
humagulgol na siya ng walang sumasagot sa kabilang linya.
"Baby... please. Kapit ka lang. K-kaya natin to baby." Sumakay agad siya ng kotse.
She need to be strong. Kung magiging mahina siya ngayon ay baka mawala sa kanya ang anak.
"Baby... we can do it okay... stay strong for mommy. Stay strong please."
She maneuvered the car towards the driveway. Mahigpit ang hawak niya sa manubela na para bang dito naka salalay ang buhay nilang dalawa ng anak.
"Kapit lang anak."
"Ahh!"
Nanginginig na ang katawan niya pero pinilit niyang mag concentrate sa pagmamaneho.
"AHHHH!" napahiyaw na siya sakit. naramdaman niya na rin ang pag-agos ng likido sa gitna ng hita niya. Her water bag just broke.
"Kaunting tiis nalang. Please anak kapit lang." Pakiusap niya sa anak niya.
Nang makaramdam ulit siya ng matinding sakit ay napabitaw siya sa manibela.
Huli na para makontrol niya ang takbo ng sasakyan.
Sa sobrang bilis ng pangyayare ay hindi niya nagawang makagalaw agad. Isang malakas na tunog ang huli niyang narinig bago tuluyang nagdilim ang paligid.
***
BINABASA MO ANG
Bleeding Love [QS#1] COMPLETED
RomansaQUARTET SERIES #1 Ezekiel John "Zeke" Aldeguer *** Nammie montoya loved zeke the moment she laid her eyes on him. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang binata kahit na madami siyang masaktan. She doesn't care what everyone think about her as long a...
![Bleeding Love [QS#1] COMPLETED](https://img.wattpad.com/cover/29605128-64-k171692.jpg)