chapter 57

24K 403 22
                                        


***

"Stop it denise!" Sigaw ni zeke kay denise nang makitang tinapon nito ang mga gamit sa bookshelve.

Napahawak siya sa sentido. He wanted to make this easier--breaking up with her-- but it seems that she's making it harder than he thought.

Ayaw na niyang pahirapan pa ang sitwasyon. If nam won't make a decision, he will just make a move before it's too late again. At inuumpisahan na niya ito ngayon.

"No! After all I've done for you! Ganito lang ang gagawin mo sa akin?! Bakit dahil ba nandyan si nam? Ano, siya ang papakasalan mo dahil may mga anak kayo? Tell me!"

"I'm doing this for my kids."

"Fvck it, zeke! magpapakasal ka lang dahil sa mga anak mo? Kay nam? nahihibang ka na ba?" Bakas sa mukha nito ang nagbabadyang pag-iyak.

"YES! maybe I'm crazy! Para sa mga anak ko gagawin ko ang lahat, even tying myself to someone... is that what you want to hear from me? Then be it! I tell you what I want and I don't need to explain myself to you. My decision is final Denise, I'm breaking up with you and I'm fixing my family." nasabi niya na ang gusto niyang sabihin dito. Kahit na hindi ito pumayag sa gusto niyang mangyari ay wala na itong magagawa.

Ang pagkakamali niya lang ay ngayon lang niya naisipan gawin ang mga bagay na ito. He's a coward, kung hindi pa siguro dumating sa eksena si keith ay hindi pa niya marerealize ang maaaring mawala sa kanya kung hindi siya gagawa ng paraan. He could lose his kids or her.

Umalis si denise nang umiiyak pero hindi niya inaasahan na makita si nam sa office niya. Sa totoo lang hindi pa siya handa na harapin ito. He wanted to regain composure before talking to her again. Baka kasi kung ano na naman ang masabi niya at lalo lang gumulo ang lahat.

Pero mukhang wala na siyang choice na sabihin dito ang plano niya.

"This is my solution to our situation, nam." Kinakabahang kinuha niya ang singsing na binili niya para kay nam. "Let's get married, nam. Marry me. Aayusin natin ulit ito."

Sh!t. Calm down zeke! Sigaw niya sa sarili.

Ang lakas ng kaba niya. Kung hindi pa niya kakalmahin ang sarili baka himatayin nalang siya dito ng wala sa oras.

"Don't do something you will regret soon. Ang kailangan mo lang naman ay ang mga anak mo diba? If it's the time you need, I'm giving it to you. You can see them anytime you want without limitations. Just don't do this."

Ang akala niya ay mapapa-payag niya ito pero nagkamali siya. Hindi niya din maintindihan kung bakit 'sakit' ang nakikita niya sa mga mata nito. Marahil ay napakalaki nga ng kasalanan na nagawa niya kay nam noon kaya hindi siya nito matanggap.

Natulala lang siya hanggang sa maka-alis na si nam. He stood there unable to figure out what went wrong. She just rejected him.

He thought she would say 'yes'. Matagal niya nading pinag-isipang mabuti ito. Gusto niyang ayusin ang pamilya niya, alam niyang ito ang tama at ayaw niya nang pahirapan pa sila. But why did she rejected him? Dahil ba sa mga nagawa niya? O dahil wala na talaga.

Her feelings for you is not the same anymore. Bulong ng isang bahagi ng isip niya.

Right. May magagawa ba siya kung ayaw na talaga ni nam? Pero pumayag na itong tanggalin ang limitasyon niya sa mga anak.

But that's not enough.

He needs them, he needs her... he wants to complete his family.

***

"You did what?" Tanong ni yeoji sa kanya. Dumating kasi ito kasama si zion sa condo niya nang imbitahin niya ang mga ito. Gusto niya lang ng makakausap ngayon. baka mabaliw na siya sa kakaisip kung wala siyang mapagsasabihan ng problema.

"I asked her to marry me."

"Then she rejected you?" Tanong naman ni Zion.

Tumango siya bilang sagot. Lumagok ulit siya ng alak bago napa-buntong hininga. "I don't know what to do anymore." pag-amin niya. "She rejected me."

Nakakatawang isipin na nasasaktan siya sa pag-reject nito sa kanyang alok na kasal pero mas malala pa ang ginawa niyang pag-rereject kay nam noon. Her pain is probably worst than what he felt right now.

And he felt like a fvcking as*hole.

"Bakit naman kasi bigla-bigla ka nalang nag-aalok ng kasal. Niligawan mo man lang sana." Umiling pa si zion.

"Yun ang naisip kong paraan para hindi na kami mahirapan pa. I want to be with them."

"Bakit daw ba ayaw niya?" usisa pa ni Zion.

"Wag na daw namin ulitin ang nagawa naming pagkakamali noon." sagot niya.

"That's it." Napa-pitik pa sa ere si zion. "I get her, she doesn't want to marry the same man again. May kasabihan ngang 'once is enough. Just respect her decision."

Napa-iling si yeoji bago bumaling sa kanya. "She already gave you the permission to see your kids without limitation right? So why bothering to marry her? Do you even love her?"

Napahinto siya sa tanong ni yeoji. Tiim lang itong nakatingin sa kanya at hinihintay ang sagot niya.

"I-I want to be with them... I want to fix my family---"

"The question is 'do you love her?" Tanong ulit nito.

"I don't want to lose her again."

"Do you love her?" Nakataas na ang kilay ni yeoji.

Ilang segundo din siyang hindi nakasagot. He's trying to digest what he really felt. He fell in-love before but it seems that this feeling is new to him again.

He felt bad for what happened before, he wanted to apologize to her over and over again, he wanted to be with them, he can't afford to see her and his kids happy with this other guy. He can't afford to lose her again.

Is he in-love with nam?

"Tell me, zeke. Do you love her now?"

Napa-buntong hininga siya bago tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Zion nang maglakad siya patungo sa pinto.

"I'm just going to get my ex-wife back. And this time I will do it right... and please, yeoji. Don't give me that look... this time I will make sure to tell her that 'I love her'."

***

"Sh!t." Napamura ulit si zeke nang hindi pa rin gumagalaw ang mga sasakyan sa harap niya. Kung kailan naman nag-mamadali siyang makarating sa kanila Nam ay na stuck pa siya sa traffic.

Voicemail ulit ang sumagot sa kanya ng tawagan niya ang cellphone ni nam.

Gustong gusto na niyang makita ito. Gusto niyang linawin dito ang lahat, ang nararamdaman niya... but if she rejected him again, he will try again. Hindi sumuko si nam sa kanya noon. This time, siya naman ang hindi susuko makuha ang pamilya niya, kahit paulit-ulit siyang ipag-tabuyan nito.

Umusad nang kaunti ang mga sasakyan. Kaya ng maka-kita siya ng isang intersection ay lumiko na siya doon. kesa ma-tagalan siya sa traffic ay hahanap nalang siya ng ibang ruta.

"Nam..." voicemail ulit kaya nag-iwan siya ng mensahe. "I'm sorry about earlier... I-I did the worst proposal speech... I wanted to talk to you, please. Nam, I'm sorry about everything that I've done. you've probably already get tired hearing my 'sorry' but I won't get tired saying it to you... I'm sorry nam. Let's make this work, not just for the kids... para din sa atin. I'm sorry for being stupid not realizing what I really feel. If this is too late... I j-just want you to know that I love you. You heard it right, I lov---"

Hindi na naituloy ni zeke ang sasabihin ng may sumulpot na sasakyan sa harapan niya. Napa-preno siya ng malakas pero huli na ang lahat ng sumalpok ang sinasakyan niya sa kotse.

He didn't even know what happened. Malakas na tunog lang ang narinig niya bago unti-unting nagdilim ang paningin niya.

Bago pa dumilim ang paligid niya ay si nam at ang mga anak nila ang pumasok sa isip niya.

He just wanted to fix his family, to be with them. to tell them how much he loves them.

***

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon