***
Gabi na ng maisipan nang matulog ni Nammie nang marinig niya pagbukas ng gate ng bahay. Nakaramdam agad siya ng kaba.
Sino naman kaya ang pupunta dito sa bahay niya ng ganitong oras? Unless...
Dahan dahan siyang bumaba ng hagdan takot na baka madulas dahil sa kanyang dinadala. Apat na buwan na rin kasi ang tiyan niya.
Naka-lock naman ang pinto ng bahay, pero kung si Zeke nga ang dumating ay may susi naman ito.
Malapit na sana siya sa pinto ng bumukas iyon. Sabay pa silang dalawa na napahinto ng tao sa harapan niya.
.
.
.
.
.
Si zeke nga!
Napatulala siya nang magtama ang mga paningin nila. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman ngayon. Halo-halo ang emosyon na bumabalot sa saril. Ano kayang dahilan nito at naisipan pa nitong umuwi samantalang ilang buwan na itong hindi nagpaparamdam sa kanya?
Nagkatitigan sila pero mukha namang wala itong balak magsalita kaya siya na ang bumasag ng katahimikan.
"Mabuti naman at alam mo pa ang address ng bahay ko at naisipan mong dumalaw." Sarkastiko niyang turan.
Nag-iwas naman ito ng tingin at napatingin sa umbok ng tiyan niya. His brows furrowed.
"Ano yan?" tanong nito na nakakunot ang noo niya.
Gustong gusto niyang sabihin dito na 'ito lang naman ang anak nito na balak pabayaan. But she chooses not to. Alam niya naman na ayaw nitong mabuntis siya at kahit pa sigurong malaman nitong anak nito ang dinadala niya ay wala rin siyang mapapala. Sa kaisipang iyon ay nasasaktan na siya para sa anak.
"Malamang anak ko ito." She answered sarcastically. "alam ko namang ayaw mong mag-kaanak sa akin, kaya wag kang mag-alala... hindi sa iyo ito." She lied.
"Sino ang ama niyan?"
"Bakit interesado ka pang malaman? Mahalaga ba iyon sayo ha?" Sinalubong niya ang mga matatalim na titig nitong pinupukol sa kanya.
"Si yeoji ba?" Madiin na tanong nito.
Si Yeoji? Bakit naman si yeoji ang naisip nito? Simula nang mag-away ang mga ito ay hindi na nagparamdam sa kanya si yeoji. Nahihiya rin siyang tawagan ito dahil baka ipamukha lang nito sa kanya na mali ang naging desisyon desisyon niya.
"Oo siya nga!" Hindi niya kung alam bakit iyon ang lumabas sa bibig niya.
His eyes narrowed. Napangisi din ito. "Wala na pa lang dahilan para magsama pa tayo... at least ngayon may dahilan na talaga akong tuluyang iwan ka."
Para siyang sinaksak sa sinabi nito. Hindi pa ba nito siya iniwan sa lagay na ito? Gusto niyang bawiin ang sinabi pero kung babawiin niya ba ay mananatili pa rin ito sa kanya?
Hindi. sigurado siyang hindi.
Hindi siya naka imik. Pinigilan niyang wag maiyak sa harap nito... bakit ba kasi napakadali rito na saktan siya?
Nilampasan siya nito at naglakad patungo sa kwarto. Agad niya itong sinundan.
"Anong gagawin mo ha?" Tanong niya rito.
Hindi ito sumagot at dumiretso sa kabinet nila at kinuha ang malaking maleta. Isa-isa nitong nilabas ang mga damit. Nung umalis kasi ito ay wala man lang itong dinalang mga damit.
BINABASA MO ANG
Bleeding Love [QS#1] COMPLETED
RomanceQUARTET SERIES #1 Ezekiel John "Zeke" Aldeguer *** Nammie montoya loved zeke the moment she laid her eyes on him. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang binata kahit na madami siyang masaktan. She doesn't care what everyone think about her as long a...
![Bleeding Love [QS#1] COMPLETED](https://img.wattpad.com/cover/29605128-64-k171692.jpg)