***
Unti unting imunulat ni zeke ang mata pero agad ding ipinikit iyon nang makaramdam ng pagsakit ng ulo. Nasapo niya ang ulo sa sobrang sakit nito na parang binibiyak. Nagsisisi tuloy siya na nagpakalasing pa kagabi.
Fvck!
Parang bigla ding nawala ang atensyon niya sa pananakit ng ulo nang mapagtanto niyang nakahiga na siya sa kama. Hindi niya matandaan na nakauwi siya sa bahay. Bahagya niyang ginalaw ang comforter na nakabalot sa katawan niya at ganun na ngalang ang panlalamig ng katawan niya na mapagtantong wala siya ni isang saplot na suot. Napabangon siya ng wala sa oras. pero agad din siyang napa pikit ng maramdaman na naman ang matinding kirot ng kanyang ulo.
Tang ina! Ugh!
Idinilat niya ang kanyang mata at pinilit libutin ang paningin. Wala siya sa sariling kwarto!! Alam niyang nasa ibang lugar siya pero ang tanong ay kanino? at bakit wala siya ni isang saplot? Wala siyang matandaan sa mga huling nangyari sa kanya kagabi.
Bumilis ang tibok ng puso niya ng makarinig siya ng ungol sa kanyang tabi. Nanlalaki ang mga mata niya ng makita ang isang babae na nakatalikod sa kanya at halatang wala din itong mga saplot dahil kita niya ang kalahati ng katawan nito na walang pang itaas.
Napatayo agad siya at halos muntikan pang matumba dahil sa taranta sa pagkakita sa babae. Nanlumo siya bigla at nakaramdam ng inis sa sarili. Ano itong gulong ginawa niya? Parang gusto niyang sapakin ang sarili sa katangahang ginawa niya. Gusto niya lang mag pakalasing kagabi para kahit papaano ay mawala saglit ang problema pero eto siya ngayon ay napasok sa panibagong problema na naman.
Bahagyang gumalaw ang babae at hinila nito ang comforter para itakip sa katawan. Lumakas lalo ang tibok ng puso niya ng mahawi ang comforter at makita niya ang bakas ng dugo sa kama. napamura ulit siya sa sarili. virgin pa ang nakatalik niya. Kinabahan siya sa pwedeng mangyari.
Wala sa sarili na pinulot niya ang nagkalat na damit. Nasa gitna na siya ng pagbibihis ng makarinig siya ng boses. At parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang makilala ang boses na iyon.
"Zeke? Where are you going?"
Unti unti siyang napalingon at halos kapusin siya ng hininga ng makumpirma ang hinala niya. "N-nam?" Hinang hina na banggit niya ng pangalan nito.
Parang may mabigat na bato na dumagan sa kanya sa mga oras na iyon. Hindi niya alam ang nararamdaman. pero isa lang ang nangingibabaw. GALIT. galit sa taong nasa harapan niya. napakuyom ang mga kamao niya at halos manginig ang kalamnan niya sa tindi ng galit na nararamdaman niya.
"What am I doing here?" Mahina ngunit mababakas ang galit sa boses niya. Pinipigilan niya ang nararamdaman at baka ano pa ang magawa niya sa mga oras na ito kapag hindi siya nakapag timpi. Nakita niyang binalot ng dalaga ang katawan ng comforter at tumayo akmang lalapitan siya.
"Don't you dare. Wag na wag kang lalapit sakin." Banta niya rito. "How did I end up here? Is this one of your schemes nam?"
"Zeke, don't you remember---"
"I CAN'T FVCKING REMEMBER ANYTHING!!" di niya napigilang bulyaw na siyang dahilan ng pag atras ng babae. Blangko lang ang expresyon nito at hindi mababahiran ng takot kaya mas lalo siyang nang galaiti sa galit. "EXPLAIN TO ME NAM!"
"You saw me at the bar last night... you were badly drunk kaya naman nagprisinta akong ihatid ka," tila natigilan ito na parang nag isip. "I told you na iuuwi na kita sa inyo pero tumanggi ka. y-you said you need someone to talk to kaya dinala kita dito zeke. I didn't plan this thing to happened. Ikaw ang nagpumilit sa akin kagabi. You said you need me. I love you zeke kaya ibinigay ko ang sarili ko. I lo---"
BINABASA MO ANG
Bleeding Love [QS#1] COMPLETED
RomanceQUARTET SERIES #1 Ezekiel John "Zeke" Aldeguer *** Nammie montoya loved zeke the moment she laid her eyes on him. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang binata kahit na madami siyang masaktan. She doesn't care what everyone think about her as long a...
![Bleeding Love [QS#1] COMPLETED](https://img.wattpad.com/cover/29605128-64-k171692.jpg)