chapter 19

21K 389 20
                                        

***

Pagkamulat ng mga mata ni Nammie ay dama niya agad ang bigat ng pakiramdam. Damn. Kailan ba siya gigising ng walang nararamdaman na masakit sa katawan? Pero teka, hindi pamilyar sa kanya ang silid kung nasaan siya.

"Kuya! gising na siya!"

Napatingin siya sa batang babae na nasa tabi ng kamang hinihigaan. Ang lakas kasi ng sigaw nito. Sino naman ito? Ngayon niya lang kasi nakita ito.

"Sino ka? nasaan ako?" tanong niya habang sinusubukan umupo.

"Ow em gi! Do you have amnesia?" Tanong nito at nanlalaki ang mga mata. Lumapit ito sa kanya at pinakatitigan siya kaya nakaramdam siya ng pagkailang.

"Hoy Yoshi! tigilan mo nga si ate Nam. Walang amnesia yan. hindi lang talaga tayo kilala. Tsk." Sabi ng lalaking kakapasok lang na may dalang tray.

Sino ang mga ito at bakit siya kilala? Tsaka bakit nandito siya? Tatayo sana siya nang makaramdam ng pagkahilo kaya napaupo ulit siya sa kama.

"Ate are you ok now?" Tanong ng babae na nagngangalang yoshi.

The guy looks familiar though. "Kilala ko ba kayo?" Bago pa sumagot ulit si yoshi ay may pumasok sa kwarto. si yeoji? "Yeoji?"

"Yoshi, Yuuto labas muna kayo para makapag pahinga si Nam." utos nito sa dalawa.

"Hmp. Di pwedeng dito nalang ako kuya?" Tanong ni yoshi habang nakanguso.

"Hoy tara na. lagot tayo kay kuya, Moment daw nila to." Tawag ni yuuto sa kapatid.

Sinamaan lang ni yeoji ng tingin ang dalawa. Though he looks cute when he's doing that. Lalo kasing sumisingkit ang mata nito.

"Fine! Bye ate nam. Pagaling ka ha?... kuya yeoji alagaan mo si ate ah? Chance mo na to. Ayieeee." Tumawa pa ito bago nagmamadaling lumabas.

"Tsk." Napa-iling nalang si yeoji bago may kinuha sa tray at iniabot sa kanya. "Here drink this."

kinuha niya ang gamot at tubig na bigay nito.

"Thankyou...ang cute ng mga kapatid mo." Komento niya. "How come I don't know them?" Sa tagal ba naman niyang kilala si yeoji ngayon niya lang nalaman may mga kapatid pala ito.

"They live in Japan before...besides you never ask anything about me." Kinuha nito ang bowl ng soup at umupo sa kama sa tabi niya. "Eat."

"No yeoji, Ako na." Akmang susubuan susubuan siya nito ng pigilan niya.

"I said eat." He said sternly kaya wala na siyang nagawa ng subuan siya nito. Nagugutom na rin naman siya tsaka nanghihina din ang katawan niya para kumilos ng maayos.

"Sorry." She said.

"For what?"

"Because I don't know anything about you." Hindi naman ito kumibo at patuloy lang sa pagsubo ng pagkaen sa kanya. "Masyado ka kasing seryoso kaya nakaka-ilang kang kausapin."

Napahinto ito sa ginagawa at tinaasan siya ng kilay.

"Tsaka try mo kayang mag smile minsan. Ganito oh." Lumapit siya rito at inunat ang mukha nito na para bang naka-ngiti. "Oh diba. You really look so cute." Hindi niya mapigilang panggigilan ang mukha nito.

She just grab this chance to do this to him. naku minsan lang ito na mahawakan niya si yeoji. Di niya mapigilang matawa sa mukha nito na sobra nang nakakunot. Hinawakan nito ang kamay niya para tanggalin pero hindi din naman nito agad binitawan iyon. She frowned. Kinabahan siya ng mapatingin ito sa mga sugat at pasa niya.

Shit. Naka-tshirt lang pala siya kaya kita ang mga ito. "Ah, paano nga pala ako napunta dito?" She tried to divert the situation. Binawi niyaang kamay at tinago sa comforter.

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon