chapter 58

24.2K 386 23
                                    


***

"Kids matulog na kayo." Sabi ni Nam sa mga anak niya pagkatapos niyang ayusin ang higaan ng mga ito.

"Mom, kailan po pupunta si dad dito? Is he still busy?" Tanong ni uly. Ilang araw na din kasing hindi nagpapakita si Zeke sa mga bata.

"Yes." simpleng sagot niya. Ayaw niya nang ipaalam sa mga anak niya na may problema sila ni zeke ngayon. Alam niyang maapektuhan ang mga ito.

Naalala niya na naman ang ginawa nitong pag-alok ng kasal sa kanya. She understand what he felt but it seems that he can't understand her.

Mas mabuti na sigurong tinanggihan niya ang alok nito. Ayaw niyang dumating pa sa punto na magsisi ito at iwanan din siya ulit. Hindi niya na siguro kakayanin lalo na't masasaktan din ang mga anak nila.

Tama na yung sakit na naranasan niya noon. Mahal pa rin naman niya ito eh, hindi nawala iyon... hindi niya lang talaga kayang balikan ang sakit.

"Matulog na kayo ha, no more playing when I leave." Hinalikan niya sa noo ang mga anak bago lumabas ng kwarto nila.

Agad siyang dumiretso sa sariling silid at nag-ayos na para matulog. kailangan niya pa kasing pumasok ng maaga bukas para sa bagong deal na kailangan niyang masara.

Bago pa siya mahiga sa kama ay napansin niya ang phone niya. Kinuha niya iyon para tignan kung may reminders ang sekretarya niya.

She frowned when she saw zeke's name on the screen. May ilang missed calls ito at isang voicemail.

Agad niyan pinakinggan ang voicemail na iniwan ni zeke.

"Nam..." bumilis agad ang tibok ng puso niya ng marinig ang pangalan niya mula dito.

"I'm sorry about earlier... I-I did a worst proposal speech... I wanted to talk to you, please. Nam, I'm sorry about everything that I've done. you've probably already get tired hearing my 'sorry' but I won't get tired saying it to you." Rinig niya ang lalim ng paghinga nito sa kabilang linya. "I'm sorry nam. Let's make this work, not just for the kids... para din sa atin. I'm sorry for being stupid not realizing what I feel. If this is too late... I j-just want you to know that I love you. You heard it right, I lov---"

Biglang naputol ang sinasabi nito at nakarinig siya ng ilang ingay bago namatay ang linya.

Parang wala sa sarili na napatingin siya sa screen ng cellphone niya para ikumpirma kung si zeke nga ba talaga ang tumawag sa kanya, kung tama ba ang mga narinig niya.

Pinakinggang niya ulit ng isa pang beses, hanggang sa naging dalawa, tatlo... paulit ulit niyang pinakinggan kung tama nga ba ang pagkakarinig niya.

'I love you'

'I love you'

'I love you'

Naramdaman niya nalang ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. She didn't realize she was crying.

Totoo nga ang mga narinig niya? Totoo bang mahal na siya nito? Hindi niya alam kung totoo... pero naniniwala ang puso niya kahit na nagdadalawang isip ang isipan niya.

Nakita niya nalang ang sarili niyang tinatawagan ang numero ni zeke.

Cannot be reach.

Sinubukan niya ulit pero naka-off ang phone nito.

Please, answer the phone. Bulong niya sa sarili.

Gusto niya itong makausap agad. She wanted to know if it's true. Hindi siya makakatulog kung ipapag-pabukas pa niya. Gusto niyang linawin ang mga sinabi nito sa kanya.

She was about to call him again nang mag ring ang cellphone niya.

Lavender calling...

"Hello?" Hindi niya alam kung bakit pero kinakabahan siya sa mga oras na iyon.

"Nam! Oh thank God you answered." Halata sa boses ng nasa kabilang linya ang pakabalisa. "Zeke, needs you."

"A-anong nangyare?"

"He's been in an accident. Pumunta ka na dito sa St.Luke."

Hindi agad nag-register sa isip ni nam ang mga narinig mula kay lavender.

"Nam, hello? Are you still there?" Tanong pa nito nang hindi siya sumagot.

"I-I.... please tell me his okay."

"I don't know what to say nam. Just come here. Zeke needs you right now."

***

Halos hindi magkanda ugaga si nam sa pagbyahe makarating lang agad sa hospital kung saan dinala si 9eke matapos ang pagka-bangga ng sinasakyan nito.

Bakit ngayon pa ito nangyari? kung kailan gusto niyang linawin na ang lahat sa kanila, kung kailan sinabi na nitong mahal na siya nito. Hindi ba pwedeng bigyan naman sila ng pagkakataon na maging masaya?

Ilang dasal na rin ang nabanggit niya para kay zeke, maging maayos lang ito. Wala na siyang pakealam kung hindi totoo ang sinabi nito basta mabuhay lang ito.

After all what happened. Mahalaga pa rin si zeke sa kanya. kahit anong pilit niyang pagtatago ay lalabas pa rin ang tunay niyang nararamdaman para kay Zeke.

Wala na siyang pakealam na halos pagtinginan siya ng mga tao pagkapasok niya hospital. She's still wearing her nightgown na pinatungan niya lang ng jacket. Parang wala kasi siya sa sarili nang umalis sa bahay at hindi na napansin ang suot. Mabuti nalang ay may jacket siyang naiwan sa kotse at naisuot.

Ang mahalaga lang sa kanya ay malaman ang kalagayan ni Zeke.

Agad siyang tinuro ng nurse na napagtanungan niya sa isang ward.

Nakita niya agad si Lavender at Zion na nakaupo sa isang sulok. Agad niyang nilapitan ang mga ito.

"Where is he?" Halos pumiyok na siya sa pagpipigil ng luha.

Nagkatinginan pa ang dalawa bago may tinuro si Lavender na isang hospital bed na natatakpan lamang ng kurtina na naghihiwalay sa ibang hospital bed.

Akmang hahakbang siya palapit doon ng pigilan siya ni Zion.

"Nam, I'm sorry." Halos pabulong na sabi nito.

Kunot noong napatingin siya kay Zion pati na rin kay lavender. Napayuko si lavender at nag-iwas ng tingin sa kanya. Lalo naman siyang kinabahan sa inasal ng dalawa.

"What do you mean?"

Umiling si Zion. Tumingala pa ito sa taas na parang nagpipigil maluha.

"Zion! Tell me where is he?" halos pasigaw na sabi niya.

Umiling ulit ito at malungkot na tumingin sa kanya. "I'm sorry, nam. H-hes gone. Zeke is dead, nam."

***

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon