chapter 17

20.6K 378 25
                                        

***

Nammie was expecting to see zeke worried face when she opened the door but to her dismay his face was angry. iika-ika siyang naglakad papasok sa bahay at hinarang agad siya nito.

"Where the fvck have you been? Bakit bigla bigla ka nalang nawawala?..."

Sasagot na sana agad siya ng magsalita ulit ito.

"Kung aalis ka man lang, sana nagsabi ka. You just wasted my fvcking time looking for you."

Napatungo siya at itinago ang mukha rito. She thought he finally feel concerned about her... guess she was wrong. Siguro naabala niya ang pagsasama nito at ni mandy kaya galit ito.

She smiled bitterly. "Bakit zeke? Nabitin ba kayo ni mandy?" Tanong niya bago muling hinarap ito at walang bakas ng anumang emosyon sa mukha.

He frowned.

"You think I didn't know? Tsk. I'm not that stupid zeke, alam kong magkasama kayo ng kabit mo." She saw his eyes darkened. But she's mad too and hurt at the same time. pathetic? Siguro. Eto lang ang alam niyang paraan para makaganti kay zeke.

She laughed bitterly.

"Grabe, akalain mo yun? Ang anghel na kagaya ni mandy kayang maging kabit mo? Did you fvck her too? So how good is she in bed? Does she like fvcking you hard?"

Hindi niya inaasahan ang pagsampal nito sa kanya kaya napa-atras siya ng kaunti. Funny she didn't feel hurt when he slapped her. Nasobrahan na ata siya kanina sa sampal kaya namanhid na ang mukha niya.

"DON'T YOU DARE TALK TO HER LIKE THAT! HINDI GANOONG KLASENG BABAE SI MANDY! I RESPECT HER! AND IF IT WASN'T FOR YOU KAMI ANG MAG-ASAWA NI MANDY NGAYON! DAHIL SIYA LANG ANG MAHAL KO, AT MAMAHALIN KO!"

Stop. That's what she wanted to tell him. To stop. To stop telling her that in her face. He respect mandy but he can't respect her. His own wife. He love mandy, and he can't love her. It's always Mandy.

Hinang hina na siya pero gusto niya pang lumaban. Mahal niya pa rin ito kahit sobra na siyang nasasaktan.

"Wala ka nang magagawa zeke. Dahil kahit anong sabihin mo, ako ang asawa mo at kabit lang si mandy. kabit la---"

Isang malakas na sampal ulit ang pinadapo nito sa pisngi niya. Kitang kita niya ang galit sa mga mata nito na sa kanya lang ipinaparamdam. She felt her eyes heating up.

Wag ngayon please! Ayokong umiyak sa harap niya.

She tried to smirked but felt the pain in her face. "Yun na yun zeke? Yun lang ang kaya mo? Grabe..." naramdaman niya na ang pagtulo ng mga luha na kanina pa niya pinipigilan.

Agad niya itong pinalis. "Ang hina naman ng sampal mo. Akala ko malakas ang mga binibigay mong sampal sa akin noon eh. Nagkamali ako..." pumiyok ang boses niya pero sinubukan niyang pigilan bumuhos ang emosyon. "Walang wala kasi yung mga sampal mo sa sampal na pinaranas sa akin kanina ng lalaking muntik nang g-gumahasa sa akin."

This time her tears won't stop falling when she remembered what happened a while ago. kahit na anong punas niya ay walang silbi. The horror of what happened playing flashback in her mind.

Nakita niyang natigilan ito at ngayon lang napatingin sa kabuuan niya. Her eyes are blurry to even see his emotion. Pero para saan pa? Para masaktan lang siya kapag nakita na wala itong pakealam sa kanya?

"Oh wait. Is that disappointment on your face zeke?" Patuloy niya. Wala naman talaga siyang mabasa sa mukha nito, naging blangko ang mukha nito. Kahit awa lang sana ang makita niya kay zeke, kahit iyon lang ay ayos na sa kanya. Hindi siya humihikbi pero patuloy lang ang pag-agos ng luha niya na parang bukas na gripo. "Nadismaya ka ba na hindi natuloy?... sayang no zeke? Wag kang mag-alala, next na may nagtangka ulit hindi na ako lalaban." She tried to laugh but failed. May kung anong bara sa kanyang lalamunan.

Ramdam niya na ang pagod. Physically and emotionally. She just wanted to rest. kaya bago pa siya mag breakdown sa harap nito ay naglakad na siya paakyat. Napahinto lang siya nang hawakan nito ang brasok niya. She winced in pain before looking at him. Mababakas sa mukha nito ang galit. Maybe he's still mad at her to even care.

"Bakit zeke may kailangan ka? Ahh." She laughed bitterly. "hindi talaga ako nag-iisip. Nabitin ka kay mandy kanina? Gusto mo akong gamitin?" Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kanya kaya napangiwi siya. Agad din lumuwang ang hawak nito sa braso niya. His face suddenly became blank again.

"Pwedeng maligo muna ako zeke? Nakakahiya naman kasi sayo...napakarumi ko samantalang napakalinis mo." Nanghihinang tinanggal niya ang hawak nito. Mabuti nalang at inalis din nito. Hindi niya na kasi alam kung makakaya pa niyang lumaban sa mga oras na ito.

Hindi na ito nagsalita kaya iniwan na niya ito at tumuloy sa kwarto nila. She grabbed some clothes before heading to their guestroom. hindi niya kasi alam kung kakayanin pa niyang magpakatatag kapag nasa paligid si zeke.

Hinubad niya ang saplot bago pumasok sa banyo. Binuksan niya ang shower at hinayaan na mabasa ang katawan. That's when she lost it. She break down. Nanghihinang napaupo siya sa tiles ng banyo. She wailed in pain. Ramdam na ramdam niya lahat ng sakit. Sa katawan at sa puso niya. They all came down rushing to her.

Pakiramdam niya ay napaka walang kwentang tao niya. Wala siyang masandalan at mahingan ng tulong. Eto siguro ang resulta ng pagiging matapang niya. Walang nag-aabala na tumulong dahil alam nilang kaya mo. Kaya ayaw niyang maging mahina. Pilit hinaharap ng bagay na sarili lang ang sandalan.

Pero hindi niya na alam kung kaya pa ba niya. Gustuhin niya man iwan si zeke ay hindi niya magawa. Si zeke lang ang meron siya. Kapag sumuko siya ay parang sinuko niya na rin ang  lahat ng pinaghirapan. All her life she's been dying to get in this position. But now here she is, but she's still lost.

Hindi niya alam kung gaano na siya katagal sa banyo. nakasandal lang siya sa pader habang yakap ang sarili. Hindi na rin siya umiiyak. Pinagmamasdan niya lang ang tubig na umaagos sa naka bukas na shower.

She's too tired to move. Kahit ngayon lang magiging mahina muna siya. kahit ngayon lang.

her eyes beginning to get heavy. unti unti na siyang hinihila ng antok at pagod. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya sa kanyang pwesto.

****

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon