***
"Bakit sabi mo kay yeoji galing yung sandwich?" Tanong ni Nammie sa sekretarya niya.
Nasa may veranda sila ng bahay at kakatapos lang nilang mag-dinner.
Napakamot ito at napayuko. "Sabi po kasi ni Sir Zeke wag ko daw sabihin na sa kanya galing dahil baka hindi niyo po tanggapin." paliwanag nito.
Napabuntong hininga siya. What is he up to now? Alam niya namang mabait at maalahanin si Zeke... pero hindi sa kanya. Kailan man, simula nang gawin niya ang mga bagay na iyon ay alam niyang hindi na magiging mabait si zeke sa kanya.
"Next time na may sabihin siya sa iyo o ipagawa, ipaalam mo agad sa akin, ok?"
"Opo ma'am."
Umalis na ang sekretarya niya at nanatili lamang siya sa veranda. malalim ang iniisip. Hindi niya alam kung ano pa ang mga pwedeng mangyari sa mga susunod na araw. With zeke around, she probably won't last long. Baka umuwi siya ng maaga at sumuko sa deal ng daddy niya. pero kung mangyayari yun kailangan niya naman pamahalaanan ng mas matagal ang kumpanya nila, which is not what she want.
Tiis lang muna sa ngayon... tama! She need to endure his presence.
"Can't sleep too?"
Napalingon siya ng may mag-salita sa likuran niya. Ang hindi niya inaasahan ay ang makita si zeke na nakatayo sa likuran niya. May hawak ito na baso ng wine at nakasuot ng white t-shirt at sweat pants.
"Wine?" Alok nito sa kanya.
Umiling siya.
Kakasabi niya lang sa sarili na mag-tiis sa presensya ni Zeke, at mukhang sinusubukan nga siya ng pagkakataon.
"Aren't you suppose to be sleeping?" Tanong niya dito.
"I should ask the same question."
Nagkibit balikat siya. "Well I can't sleep... I miss my k---" napahinto siya ng ma-realized ang lumalabas sa bibig niya. She almost said it. "I mean, I miss my house. I'm not really used sleeping into another house."
Napatango ito at di niya inaasahan ang pagtabi nito sa kanya. Pareho silang nakadungaw sa veranda at tinatanaw ang langit. Panandaliang katahimikan din ang namayani sa kanila bago nagsalita si zeke.
"I can't believe it's been five years have passed. Five years after what happened to us."
Hindi niya inaasahan ang pagbubukas nito ng topic, at patungkol pa sa nakaraan nila. Na parehong sensitibong paksa para sa kanila. Despite her determination to steel her emotions against zeke, she couldn't stop her heart from twisting a little. This is probably one of the moments that she can count that zeke initiate the talking.
Hindi agad siya nakapag salita at hinayaan nalang si Zeke sa tabi niya.
"Can I ask you something?" Tanong nito.
Nilingon niya ito, at kahit madilim na sa bahaging iyon ay naaninag niya pa rin ang kabuuan nito gawa ng sinag ng buwan.
She can't help to admire his features. Years made him look more mature and manlier. Harder. Sexier.
She shook her head mentally. Ito na nga ba ang sinasabi niya, kaunting dikit lang kay zeke ay naapektuhan lahat ng hormones niya, pati utak niya.
Umurong siya ng kaunti palayo dito.
"What is it?" Tanong niya. Nagsisisi tuloy siya na tinanggihan niya ang alok nitong wine dahil pakiramdam niya ay tuyong-tuyo na ang lalamunan niya ng mga oras na iyon.
"After all the things you've done, why did you choose to leave?"
Parang namanhid ang buong katawan niya. She didn't expect that he would ask this question to her, at this moment.
BINABASA MO ANG
Bleeding Love [QS#1] COMPLETED
RomanceQUARTET SERIES #1 Ezekiel John "Zeke" Aldeguer *** Nammie montoya loved zeke the moment she laid her eyes on him. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang binata kahit na madami siyang masaktan. She doesn't care what everyone think about her as long a...
![Bleeding Love [QS#1] COMPLETED](https://img.wattpad.com/cover/29605128-64-k171692.jpg)