chapter 38

25.8K 387 9
                                    

***

"This is going to be your office." Sabi ni Haru pagka-pasok nila sa office ng daddy niya.

"Cool. Akala ko hindi ako papayagan ni daddy na gamitin itong office niya. You know, since 'acting CEO' lang ang drama ko ngayon."

Umupo siya sa swivel chair ng daddy niya. Binuksan niya agad ang drawer sa desk para tignan ang mga laman niyon. But to her dismay, walang laman ang mga iyon na importante tanging office materials lang katulad ng ballpen at kung ano-ano pa.

"Malay mo, gawin ka nang permanente ni tito dito. Balita ko aalis daw siya para magbakasyon."

"What? Bakit hindi ko alam yan? At ako? Gagawing permanente? No freaking way. Ngayon palang nga pinag-sisisihan ko nang pumayag ako kay daddy na mamahala pansamantala sa kumpanya." Napaismid siya.

"Stop acting like a spoiled brat Nam. Tatlo na anak mo, ganyan ka pa rin. Pagbigyan mo naman ang daddy mo." Naupo ito sa harap ng desk niya. "By the way... we are leaving next week to go to the site. Sabi ni tito kailangan nating maging hands-on sa first project mo."

"Huh? Pero kuya, hindi ako pwede. sino mag-aalaga sa tatlo? No, I'm not going. Ikaw nalang tutal mas marami kang alam doon." Tutol agad niya.

Eto na nga ba ang kina-aawayan niya eh. Masyadong matrabaho sa office. Mas gusto niya talaga sa bahay at inaalagaan ang mga anak niya.

"But tito said---"

"I know what dad said." Putol niya sa sasabihin nito." But as I've said, I'm not going. Hindi ko kayang iwan ang mga anak ko."

Bago pa makapag-salita si haru ay bumukas ang pinto at pumasok ang taong pinag-uusapan nila.

"Tito." bati ni haru dito at naki-pag shake hands pa.

"So have you told her already?" Tanong ng daddy niya dito at tumingin sa kanya.

"Dad, I'm not going."

"Nam... you must. We made a deal remember? Hindi mo ba pagbibigyan ang daddy mo?"

May usapan kasi silang dalawa na kung pumayag siya maging acting CEO at kapag naging successful ang first project niya ay hindi na siya nito pipilitin i-take over ang kumpanya. Hihintayin nalang nilang maging legal ang edad ng mga anak niya at ang mga ito na ang papalit sa daddy niya.

"Pero dad, hindi ko pwedeng iwan ang mga bata. Alam mo naman kung gaano kakulit ang mga iyon. And besides, I'm pretty sure na matatagalan ang pag-punta namin doon kung sakali."

"Yun nga ang gusto kong mangyari." Simpleng sagot ng daddy niya.

"Ano?"

"You know I'm too tired from working in here, give your old man a break. Gusto ko naman maka-sama ang mga apo ko."

"What do you mean?"

"Isasama ko sila sa france for vacation. Ngayon lang ako hihiling na maka-bonding ang mga apo ko, hindi mo ba ako pag-bibigyan?"

Pakiramdam niya kulang nalang ay mag-puppy eyes ang daddy niya para lang mapapayag siya. "Ok lang naman sa akin, ang ayaw ko lang ay mahiwalay ako sa mga anak ko. Bakit hindi niyo nalang ako isama?"

"My purpose is to have a 'grandpa and grandsons' bonding moments. Masisira iyon kung kasama ka."

"Why do I have this feeling that you don't really want me to come with you?" She raised her eyebrow.

"Because you need to go to the site. Once na matapos na itong project mo ay babalik na ulit ako sa posisyon ko. at kagaya ng napag-usapan ay hindi na kita pipilitin mamahala ng mga kumpanya natin. So therefore, kailangan mo ayusin ang trabaho mo." Nakangisi ang ama niya. "Am I right haru?" tanong nito sa pinsan niya na kanina pa nana-nahimik.

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon