***
"Mom, parating na po ba si dad?" Tanong ni july habang tumutulong sa kanya sa pag-mimix ng chocolate syrup para sa cake na ibi-bake nila.
"Siguro." simpleng sagot niya. Alam niya namang darating si zeke ngayon dahil nag-text ito kagabi pa sa kanya.
This past few weeks ay normal naman ang pakikitungo nila ni zeke sa isa't-isa. Siguro pareho nilang naisip na pakitunguhan ang isa alang-alang sa mga anak nila. Ginagawa niya lang ito para sa mga anak niya. Tama... para lang sa mga anak niya. Kahit alam niya na may posibilidad na sumuko na namang muli ang puso niya para kay zeke.
For the sake of her kids she would sacrifice what she felt.
Nagpapasalamat na rin siya at maayos na ang pagkakaibigan nila ni Eunice. From time to time ay dumadalaw din ito para makapag bonding din sila.
"Mom, bakit hindi nalang tumira si dad dito?" Tanong ni August na siyang nag-mimix ng dry ingredients.
Napahinto siya sa ginagawa at tinignan ang mga anak. Their eyes is full of hopes. Ilang beses na rin tinanong sa kanya iyon ng mga bata.
"He can't."
"Why?"
"Uhmm... your dad is a busy man, hindi niya pwedeng pabayaan ang work niya dahil para rin iyon sa inyo pag lumaki kayo." Of course it's a lie. Tinanggihan niya kasi ang suportang gusto nitong ibigay para sa mga bata. Alam naman ng lahat na mayaman siya at hindi na niya kailangan ang suporta nito. Mabuti na nga lang at sinusunod lahat ni Zeke ang mga kundisyon niya makita lang nito ang mga anak.
"He's choosing his work over us?" Tanong ni June.
"No baby. That's not what I mean. Your father and I need to work for your future. Kagaya ng pagtatrabaho ni grandpa niyo para sa atin."
"Eh bakit hindi nalang po siya dito tumira?" Tanong pa nito. Bumabalik na naman sa umpisa ang usapan nila.
Mabuti nalang ay pumasok ang katulong nila bago pa mangulit ang mga ito.
"Ma'am andyan na po si sir."
"Okay. Just tell him to wait for us, may ginagawa pa kami kamo."
Bumaba agad si June sa upuan at patakbong tinungo ang sala. Tiyak na kukulitin na naman nito ang ama. Mayamaya pa ay bumalik na ito pero hila-hila na nito sa kamay si Zeke.
"Dad look, we're preparing something for you."
"Really?" Nakangiting tanong ni zeke. Tumingin ito sa kanya at nag-iwas agad siya ng tingin ng magtama ang mga mata nila. Nagkunwari siyang abala sa ginagawa.
"Hindi pa kami tapos." Sabi niya dito ng hindi nililingon.
"Napa-aga ata ang dating ko." Binuhat nito ang anak at lumapit sa kanila. "Can I help?"
"Of course." Sagot ni August at iniabot kay Zeke ang ginagawa nito. "Can you help me dad? My arm hurts."
"Sure kiddo." Umupo ito sa upuan malapit sa kanya. Sinimulan nitong haluin ang ginagawa ng anak. "Hindi pa ba ilalagay yan dito?" Turo nito sa wet ingredients na hinahalo niya kanina pa.
Sa sobra atang pagpapanggap niya na abala eh nakalimutan niya na kailangan na palang ihalo ang mga ingredients.
"A-akin na." Kinuha niya dito ang mix at hinalo na ang chocolate mix.
"Mom can I taste it?" Tanong ni June.
She dip her pinky finger in the mix, bago pinatikim sa anak. Nakasanayan niya na kasi gawin iyon tuwing nagluluto sila.
BINABASA MO ANG
Bleeding Love [QS#1] COMPLETED
RomanceQUARTET SERIES #1 Ezekiel John "Zeke" Aldeguer *** Nammie montoya loved zeke the moment she laid her eyes on him. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang binata kahit na madami siyang masaktan. She doesn't care what everyone think about her as long a...
![Bleeding Love [QS#1] COMPLETED](https://img.wattpad.com/cover/29605128-64-k171692.jpg)