HOLA! eto na ang pangako kong special chapter slash epilogue na rin. At puro kalandian lang po ito. haha. Enjoy!
***
Hindi mapigilang mapangiti ni nam habang naka-tingin sa daliri niya na kung saan nakasuot ang kanyang wedding ring. It's been months after their wedding. Pero pakiramdam niya ay bagong kasal pa rin sila at kahapon lang nangyari ang lahat.
After all the the trials they've encountered. The pain in the past, sa simbahan pa rin pala talaga ang tuloy.
Sa ikalawang pagkakataon na ikasal sila, masasabi niyang sulit ang lahat ng paghihirap niya. This time they say their vows with full of love. No more lies, no more hate, just pure love from both of them.
Wala na siyang mahihiling pa sa pagkakataong ito sa buhay niya, dahil kumpleto na siya. Kumpleto na sila.
"Are you excited?" Tanong ni zeke habang nagmamaneho. Nasa backseat ang tatlong bata at nagkukulitan.
Sumulyap si zeke sa kanya bago kinuha ang kaliwang kamay niya at hinalikan ang likod ng palad niya.
"A little." Sagot niya na nakangiti.
"A little? Hon naman, I've been putting all my efforts to build your dream house, tapos 'a little' lang?" Ngumuso ito na tila batang nagtatampo. Natawa tuloy siya sa inasal nito.
Ngayon palang kasi natapos ang bahay na pinagawa ni Zeke. All the details of the house is single-handled by him. Gusto daw kasi nito maipagmalaki ng mga anak na ito ang gumawa ng bahay nila.
Napangiti lalo siya. Simula nang magkabalikan sila ay malaki na talaga ang pinag-bago ni zeke. He's still the same man she fell in-love with. But without the hatred. Only an extra caring, sweet loving husband.
"Oo na. I'm really excited. Especially the kids. But you know, kahit naman saang bahay basta kasama kayo, I can still call it my dream home."
Pinisil nito ang kamay niya bago itinabi ang kotse. Malapad na rin ang pagkakangiti nito. "We're here."
"WOAH!" sabay na sabi ng tatlo ng makita ang 3-storey house na bahay na may kulay asul na gate. Bumukas ang gate at may bumati sa kanilang katulong.
Kung tutuusin ay hindi malaki ang bahay kumpara sa bahay ng daddy niya. But she was fascinated by the exterior of the house. Sa may garden palang ay makikita ang isang fountain na may angel sa gitna at napapalibutan ng ibat-ibang klaseng bulaklak.
"Dad, eto na po ba yung bagong bahay natin?" Tanong ni August.
"Yes. What do you guys think?"
"Awesome!"
"You guys can explore, but be careful okay? Yaya, paki bantayan ang mga bata."
"Yes, sir."
Nauna na ang tatlo at ang katulong ng mga ito na pumasok sa loob ng bahay. Naiwan silang dalawa sa labas habang pinagmamasdan niya pa rin ang bahay. Ginagap nito ang kamay niya at hinila siya palapit bago siniil ng halik sa labi.
Hindi niya mapigilang mapangiti habang gumaganti ng halik dito.
"Kaya pala pinauna mo ang mga bata sa loob, huh?" Tinaasan niya ito ng kilay matapos mag-hiwalay ang mga labi nila.
"I'm innocent." he gave her a peck. "Let's go inside? I'll be giving you a personal tour." Kumindat pa ito na siyang nakapag-papula ng kanyang mga pisngi.
hindi pa rin talaga pumapalya sa pagpapakilig sa kanya ang asawa.
"I love the concept." kumento niya ng makita ang kabuuan ng sala. Homey ang ambiance ng bahay. Dagdagan pa ang green at blue concept nito na siyang nakakapag-kalma sa taong titingin.
BINABASA MO ANG
Bleeding Love [QS#1] COMPLETED
RomanceQUARTET SERIES #1 Ezekiel John "Zeke" Aldeguer *** Nammie montoya loved zeke the moment she laid her eyes on him. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang binata kahit na madami siyang masaktan. She doesn't care what everyone think about her as long a...
![Bleeding Love [QS#1] COMPLETED](https://img.wattpad.com/cover/29605128-64-k171692.jpg)