chapter 39

23.6K 393 19
                                        

***

Napabalikwas ng bangon si Nam nang marinig niya ang katok sa pinto. Pakiramdam niya ay mabibiyak ang kanyang ulo sa sakit gawa ng hindi maayos na tulog kagabi.

Makakatulog ba naman siya ng maayos kung alam niyang nasa iisang bahay lang sila ni zeke? Bakit naman kasi sa dinami dami ng kumpanyang kukunin ng daddy niya para maging partners sa itatayo nilang resort ay ang 'YZ builders' pa? Madami naman diyan na iba.

Napatingin siya sa pinto ng may kumatok ulit.

"Ma'am nammie, kailangan niyo na pong gumising. maaga po ang alis natin ngayon. naghahanda na po sila sir." Rinig niyang sabi ng nasa labas.

Bumalik siya sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot. Gustong gusto niyang matulog ulit. Lalong lumakas ang katok sa pinto niya nang hindi pa siya sumasagot.

Maya-maya pa ay narinig na niya ang boses ng pinsan niyang si Haru.

"Nam I swear, if your not going to open this damn door within a second I'm going to kick it and dragged you out of your bed!"

She groaned and lazily stood up. Sa totoo lang, ang isa din sa mga dahilan niya kung bakit ayaw niya pang lumabas ay dahil makikita niya na naman si Zeke. She remembered last night dinner was all awkward... or maybe it's just for her.

"ALRIGHT I'M UP! JUST LET ME TAKE A SHOWER FIRST!" Sigaw niya habang papasok ng banyo.

"Hurry up! Ikaw nalang ang hinihintay!"

Napairap siya bago binuksan ang shower. binilisan niya na ang paliligo dahil baka pagalitan na naman siya ng pinsan niya at magsumbong sa daddy niya na hindi niya inaayos ang trabaho niya.

Pagkatapos niyang makapag-ayos ay agad na siyang bumaba at naabutan niya sila yeoji na nasa sala. May kung anong pinag-uusapan ang mga ito at hula niya ay tungkol sa resort na itatayo dahil may mga blueprints na nagkalat.

"Ako nalang ba ang hinihintay?" Tanong niya sa mga ito.

"Yes." sagot ng pinsan niya. "You should eat first before we leave."

Umiling siya. "I'm not hungry. let's go." Yaya niya sa mga ito.

"Nam." He gave her a warning tone.

Inirapan niya ito. "I said let's go."

Wala nang nagawa ang pinsan niya at sumunod nalang sa kanya. Siya ang naunang sumakay sa van na gagamitin nila papunta sa site. Sa pinaka-likod siya umupo at sumunod sa kanya ang sekretarya niya.

Nagtaka pa siya ng may-iabot ito na sandwich na nakalagay sa paper bag.

"I said I'm not hungry." Totoo naman kasi na wala siyang ganang kumaen.

"Ahh ma'am pinabibigay lang po ni sir Yeoji. baka daw gutumin ka."

Napatigil siya sa ginagawang pagtipa sa cellphone niya ng marinig ang sinabi ng sekretarya niya.

"Si yeoji ang may bigay?" tanong niya dito.

Tumango lang ang sekretarya niya at kinuha niya ang sandwich.

Namalayan niya nalang ang sarili niyang napapangiti. Hindi pa rin pala nagbabago si yeoji. Still thoughtful and caring. Gusto niya tuloy i-approach ito at kamustahin. Hindi niya nga lang alam kung papaano. Aaminin niya, nahihiya siya rito.

Napa-ayos siya ng upo ng sumakay na ang iba sa van. Mabuti nalang at si Zion ang nasa harapan nila at hindi si Zeke. Hindi kasi siya mapalagay pag malapit si zeke sa kanya.

Tahimik lang ang buong biyahe at mabuti naman ay hindi ganoon kalayo ang lokasyon.

Napahanga siya sa ganda ng lugar lalo na ng beach. Halatang hindi pa gaanong dinarayo ng mga tao dahil wala pa halos mga establishment na nakatayo. Magaling talaga pumili ng lugar ang daddy niya na mapapagtayuan.

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon