chapter 22

21.9K 377 21
                                    

***

Isang tanong ang paulit ulit na pumapasok sa isipan ni Nammie simula nang iuwi siya ni Zeka sa bahay nila. Inuwi lang ba siya nito para lang iwan? Inuwi ba siya nito dahil ayaw nito na maging masaya siya?

Simula nang gabing umalis ito ay hindi na ito bumalik. Dalawang araw na rin pero para sa kanya ay napakatagal na.

Sana pala hinayaan na lang siya nito sa kanila Yeoji. Dahil kahit papano sa kanila Yeoji, pakiramdam niya ay espesyal siya. At sana hindi na lang ito nagpakita ng kaunting pagpapahalaga sa kanya bago ito umalis dahil ito na naman siya, umaasa. Pakiramdam nga niya ay drain na drain na ang luha at utak niya ng dahil kay zeke.

Magluluto na sana siya ng dinner ng may marinig siyang sasakyan sa labas. dali-dali siyang lumabas at nakita ang sasakyan ni zeke na papasok ng gate. Mabuti naman at naisipan na nitong umuwi.

Sasalubungin niya na sana ito ng magulat siya dahil babae ang lumabas sa driverseat ng kotse ni zeke. Napahinto siya sa paglalakad. Umikot ang babae sa kabila at binuksan ang pinto at lumabas si zeke doon at agad na inakbayan ang babae. Kitang kita niya ang pagtawa ng babae ng bahagyang ilapit ni zeke ang mukha nito sa leeg ng babae na parang may binubulong.

Nakadama agad siya ng galit sa nasaksihan. ano ito? Ngayon lang ito uuwi at magdadala pa ng babae? Wala ba talaga itong pakealam sa mararamdaman niya?

Agad siyang humarang sa daraanan ng mga ito at mukhang ngayon lang siguro nila siya napansin dahil kanina pa ang mga itn naglalandian sa harap niya pa mismo. The girl looked at her from head to foot. She can't help to raised her eyebrow at her. Ang kapal naman nito para tignan siya ng ganoon. Hindi porke't naka sweatshirt at palda lang siya at dress na kinulang sa tela ang suot nito ay may karapatan na itong pasadahan siya ng nakakainsultong tingin.

"Don't mind her." Sabi ni zeke sa babae. Ngayon niya lang napansin na namumula ang mukha nito na parang nakainom. Akmang lalampasan siya ng mga ng humarang siya ulit para hindi makapasok ang mga ito sa bahay.

"Excuse me, dadaan kami." Mataray na sabi ng babaeng impakta na nasa harapan niya.

Lalong nag-init ang ulo niya dahil sa babae. "Ano ito ha?" Galit na tanong niya kay zeke at hindi pinansin ang babae sa harapan.

"Nam I don't have time for this." Sabi ni Zeke. Hahakbang na sana ito ng magsalita siya

"Subukan mo lang patapakin ang babaeng yan dito sa pamamahay ko Zeke, magkakasubukan tayo." Banta niya dito.

Tumalim ang tingin nito sa kanya at nagdilim ang anyo nito. But she didn't feel scared.

"Pwede ba miss, wag ka nang humarang sa da---"

Hindi niya na pinatapos magsalita ang babae at sinampal ito ng malakas. "Don't you dare talk because I'm not talking to you!"

Sapo nito ang mukha at halata ang pagkagulat sa ginawa niya. "How dare you slap m---"

Sinampal niya ulit ito. How she wanted to do more. "FVCKING SHUT UP!" damn! Lahat ata ng frustration at inis niya ay binubuhos niya sa babaeng ito.

"Stop it nam!" Madiin na utos ni zeke na halatang nagpipigil ng galit.

"Stop it? hah! P*tang ina naman zeke! Anong gusto mong gawin ko? Tumunganga at hayaan kayo ng p*tang inang babaeng ito..." dinuro niya ang babae sa harapan. "...na maglandian sa harap ko, at dito pa sa pamamahay ko? ganoon ba ang gusto mong gawin ko zeke? huh? tell me!"

She saw his jaw clenched.

"Sino ka ba ha?" singhal ng babae sa harap niya.

Ang kapal talaga nito makisali sa usapan nila! "I'M HIS WIFE YOU IDIOT!" akmang sasampalin niya ulit ito ng pigilan siya ni zeke.

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon