***
"Dad! Dad! Si mommy!"
Ang kaninang mahimbing na tulog ni zeke ay nawala matapos magising sa sigaw ng kanyang anak. Napabalikwas agad siya ng bangon at hinarap ang anak na nasa higaan niya at nagtatatalon.
"June." Suway niya dito at pinatigil. "Why are you shouting?"
"Si mom!" Nakanguso pa ito habang nakatingin sa kanya.
Nataranta agad siya. "What? What happened to your mom?"
"She's in pain."
"WHAT!" mas lalo siyang kinabahan at walang ano ano'y binuhat ang anak at tumakbo pababa. Hindi na niya alintana na boxer lang ang suot niya. "Where is she?"
Tinuro ni June ang kusina at agad niya tinungo iyon. Natatarantang nilapitan niya si nam na nakatayo sa harap ng lababo.
"Hon! what happened? Are you okay? Lalabas na ba? We need to call the ambulance." Sunod sunod niyang tanong dito.
Kunot noong nilingon siya ni Nammie habang nakahawak sa malaking umbok ng tiyan.
"What ambulance?" takang tanong nito.
"Are you in pain? manganganak ka na ba?" Di pa rin mapakaling tanong niya dito.
"What pain?" napahinto ito saglit. "Oh, you mean this?" Pinakita nito ang hintuturo na may bandaid.
"What?" Naguguluhang tanong niya.
Napa iling si Nam. "Nasugatan lang ako habang naghihiwa, don't tell me, naisahan ka na naman ng mga anak mo?"
After realizing what she ment, napakamot na lang siya ng ulo. Tama ito. naisahan na naman siya ng mga anak niya.
Speaking of mga anak. Agad niyang hinanap ang mga ito at naabutan niyang nasa sala at nagtatawanan.
"I got him this time. one point for me." Pagmamayabang ni june sa mga kapatid.
Napa irap si August bago may nilista sa hawak na papel.
Napailing na lang siya. Hindi niya rin maintindihan kung ano ang trip ng mga anak niya. They've been playing this game... kung saan siya ang biktima. Gagawa ang mga ito ng kung ano anong mga kalokohan at kapag naisahan siya ay may katumbas na puntos. At first he thought it was cute and such... pero ngayon pakiramdam niya ay aatakihin na siya anumang oras dahil sa mga anak niya.
"Kids." Tawag niya sa mga ito.
Agad napatayo ang mga ito at kita pa niyang itinago ni August ang listahan nito ng mga scores.
"Oops." June said.
"I told you guys to stop making those jokes right?" Nakapameywang niyang hinarap ang mga ito.
Nagkatinginan pa ang tatlo na animo'y nag-uusap sa pamamagitan ng tingin.
"But dad, I'm not joking, mom is bleeding and she's in pain." katwiran ni June at lumabi pa, giving him also his puppy eyes look.
Ito na yung kahinaan niya eh. Kahit anong galit niya nawawala oras na gamitin na ng mga anak niya ang 'puppy eyes'.
Napabuntong hininga siya bago nilapitan ang mga ito.
"Kahit na, alam niyo namang nerbyoso ang daddy niyo. What if I panic too much and got into a accident, wala nang mag-aalaga kay mommy niyo at sa inyo. gusto niyo ba yun?"
Sabay na napailing ang tatlo. lumapit sa kanya si June at nagpakarga sa kanya.
"Sorry po dad."
humingi din ng tawad ang dalawa. Kahit naman papaano ay marunong mag sorry ang mga anak niya. Yun nga lang minsan ay kailangan mo pang kausapin ang mga ito para marealize nila ang mga mali. Still, bata pa naman sila. Madami pang panahon para gabayan nila ni nam ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Bleeding Love [QS#1] COMPLETED
RomanceQUARTET SERIES #1 Ezekiel John "Zeke" Aldeguer *** Nammie montoya loved zeke the moment she laid her eyes on him. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang binata kahit na madami siyang masaktan. She doesn't care what everyone think about her as long a...
![Bleeding Love [QS#1] COMPLETED](https://img.wattpad.com/cover/29605128-64-k171692.jpg)