chapter 35

26.1K 400 18
                                        

***

years later...

"Sir, andito po si ma'am denise. Gusto raw po kayo makita." Anunsyo ng secretary ni Zeke nang bumukas ang pinto.

Napatingin si zeke sa pintuan kung saan nakatayo ang sekretarya niya. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan niya bago nagsalita.

"Ok, send her in."

Agad pumasok ang isang babae na nakasimangot ang mukha.

"Why does your secretary won't let me in? For Pete sake, I'm your girlfriend. Kailan pa ako naging bawal sa office mo?" Padabog na umupo ito sa upuan na nasa harapan ng office desk niya.

"I'm just busy. Sinabihan ko lang sila na wala munang iistorbo sa akin, unless it's important." Kalmadong tugon niya at ibinalik ulit ang atensyon sa trabaho.

"So are you saying I'm not important?" Nakataas ang kilay nito.

"That's not what I meant. All I'm saying is I'm just busy and I don't want to be disturb by ANYONE." Diniinan niya ang huling salita para maintindihan ng kasintahan.

Alam niya na ang ugali ni Denise. Kapag gusto nito ay ginagawa nito at hindi papapigil. They have been together for almost a year now. Hindi niya na nga matandaan kung papaano naging sila. It just happened. Mabait naman ito, matigas ngalang ang ulo minsan... parang si Nam.

He sighed deeply. naalala na naman niya si nam. It's almost five years since she left him. Wala siyang balita kahit ano dito simula noon. Halatang pinagtataguan siya.

Nang umalis si Nam ay pinuntahan niya agad ang ama nito. But as expected, bigo siyang makita si nam. Ayaw ipakita sa kanya ni Mr.Montoya ang anak nito at binantaan pa siya. After a month ay pinadala na sa kanya ang annulment paper. He left no choice but to sign it. Wala nang nangyaring court meeting at agad napawalang bisa ang kasal nila dahil sa impluwensya ni Mr. Montoya.

After all those years. Kahit gustuhin man niya ay wala na siyang nagawa. He started his life again. Siya na ang namamahala ng kumpanya nila at may isa pa siyang kumpanyang pinapatakbo kasama ang mga kaibigan niya.

His life was more successful now, much better... away from all the pain in the past. Pero kahit ganoon ay hindi niya pa rin makalimutan ang nakaraan. Umaasa pa rin siya na magkikita sila ni Nam at humingi muli ng kapatawaran dito.

Nawala siya sa malalim na pag-iisip ng may maramdaman siyang yumakap sa likod niya.

"I'm sorry baby... gusto lang naman kitang makita eh, miss na miss na kita."

Tinanggal niya ang pagkakayakap nito. "I understand... but you need to understand me too, ok?"

Tumango ito.

"By the way, mas maganda kung umuwi ka muna. I have a meeting at one. Hindi din ako magtatagal dito."

Sinimangutan siya nito. "Tsk... fine. pero sa condo mo ako matutulog mamaya."

Wala na siyang nagawa kundi sumang-ayon dito para hindi na ito magreklamo.

"Nga pala, dadaan ako sa kanila mandy. May gusto kang ipadala sa kanya?" tanong nito bago umalis.

Tumango siya. "I'll ask my secretary to buy her some blueberries... gusto niya yun kapag naglilihi. sasamahan ka nalang niya."

"Ok sige. Bye baby." hinalikan siya nito sa labi bago tuluyang lumabas.

Napailing nalang siya. He hate her endearment in him. Hindi niya lang makontra ang girlfriend dahil masakit sa ulo ito kapag nag-away sila. hindi naman siya under dito. Nag-kataon lang na ayaw niyang nakikipagtalo rito.

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon