***
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni nammie bago buksan ang pinto ng portable cr kung nasaan siya. Pagkalabas niya ay si Zeke agad ang bumungad sa kanya. Nakatayo ito mismo sa harapan niya at nakahalukipkip.
"You done?" Tanong nito na matiim na nakatingin sa kanya.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. It's pretty obvious that everything he does still affects her. Kahit simpleng tingin nito ay iba ang dating sa kanya. He mentally shook her head.
Get a grip nam! Sigaw niya sa isip. Wag kang magpapa-apekto sa kanya. He's zeke, your nam. You two have history. Alam mo na ang mangyayari kapag naging mahina ka ulit.
"Obviously." She rolled her eyes. Nilampasan niya ito at naunang naglakad. Naramdaman niya naman ang pagsunod nito sa kanya.
Narinig niya ang pagtikhim nito bago nagsalita. "You still have those mannerisms of yours." Nasa tabi niya na ito habang naglalakad.
"Mannerisms?" Taas kilay na tanong niya.
"Yes. Like rolling your eyes when you're annoyed, raising your eyebrow when you talk... same old nam." Napailing pa ito at bahagyang nakangiti ang labi.
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil napapansin din pala nito ang mga gestures niya. But the thought of him that he thinks she's still the same old nam doesn't lighten what she felt.
Siguro tingin pa rin nito sa kanya ay ang dating Nammie, ang babaeng patay na patay sa kanya, ang babaeng gagawin ang lahat makuha lang siya. His ego is probably boosting up at this moment.
"You probably think I'm still the same old nam, but I'm not zeke. People change, and I've change." Madiin na sabi niya.
"Your still the same person to me." Seryosong sagot nito.
Napailing siya. Hindi na niya nagugustuhan ang paraan ng pagtitig nito sa kanya, na para bang binabasa nito ang iniisip niya. Tama nga ang sinabi niyang nagbabago ang mga tao sa tagal ng panahon. Dahil iba ang zeke na kaharap niya ngayon... the old zeke will never even look at her for the longest time.
Nag-iwas siya ng tingin. Kahit siguro subukan niyang makitungo dito ng normal ay may epekto pa rin ito sa kanya.
Hindi nalang muli siya nagsalita at nauna nang naglakad. Gusto niya na talagang maka-alis sa lugar na iyon or better na maka-uwi na siya sa bahay at makasama ulit ang mga anak.
"I hope you know where your going Ms. Montoya." Sabi ni zeke na sumusunod pa rin sa kanya sa paglalakad.
Bigla siyang napahinto at ngayon niya lang nga napagtanto na kanina pa pala siya naglalakad ng hindi alam kung saan pupunta. To think that zeke just let her lead the way. Inis na hinarap niya ito at hindi niya inaasahan makita ang mukha nito na nakangisi.
"Kanina pa ako naglalakad dito at ni hindi mo man lang sinabi kung saan ang daan pabalik."
He just shrugged. "I thought you know."
"Well as you can see Mr. Aldeguer I am not familiar with this place."
"Then maybe you should let me lead the way?" Nakataas ang isang kilay nito na tanong sa kanya.
She crossed her arms. "Go ahead."
Nakita niya ang pag-ngisi nito bago lampasan siya at naunang maglakad. She don't really understand what is zeke trying to do. Is he trying to be friendly to her? nakikita niya kasi ang dating ugali nito, ang ugali nito bago naging mag-asawa sila.
Hindi pa sila nakakalayo nang may tumawag sa pangalan ni zeke.
"ZEKE!"
Sabay pa silang napalingon sa lalaking tumawag. Lumapit ang lalake sa kanila. Base sa itsura nito ay palagay siyang trahabador ito nila. Naka-takip ang mukha nito ng mask at may suot na helmet, naka-topless lang din ito at di katulad ng ibang trahabador doon ay may sinabi ito sa ganda ng katawan.
BINABASA MO ANG
Bleeding Love [QS#1] COMPLETED
Roman d'amourQUARTET SERIES #1 Ezekiel John "Zeke" Aldeguer *** Nammie montoya loved zeke the moment she laid her eyes on him. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang binata kahit na madami siyang masaktan. She doesn't care what everyone think about her as long a...
![Bleeding Love [QS#1] COMPLETED](https://img.wattpad.com/cover/29605128-64-k171692.jpg)