***
Mag-iisang araw na matapos ang operasyon ni nammie pero hindi padin ito nagkakamalay. Hindi naman daw nauwi sa coma ang head injury nito at sinabi ng doctor sa kanila na magkaka-malay din ito. Kasama niya ngayon si eunice para dalawin ito.
"Sinong nagbabantay sa kanya ngayon?" tanong ni Eunice kay Zeke habang nasa byahe sila papunta sa hospital. Alam nadin nito ang nangyare sa dating kaibigan.
Napabuntong hininga si zeke bago sumagot. "Nandoon si yeoji."
"Ano na ngayon ang balak mo?"
"I don't know. her father asked me to leave her... but I can't leave her in this situation."
"Diba ito na ang pagkakataong hinihintay mo?"
Umiling siya. "I don't know Eun, Masyadong magulo ang nangyayare. Nang dahil sa hindi namin pagkaka-unawaan pati ang anak namin nawala. And it's all my fault."
Napabuntong hininga din si eunice at parang malalim ang iniisip. "Tell me zeke... are you starting to fall for her?"
Napatingin siya sa kambal niya na parang sinisigurado kung tama ang narinig niyang tanong dito. Seryoso namang nakatingin ito sa kanya. "I... I don't know."
binalik niya ang atensyon sa pagmamaneho at pinili nalang manahimik. Hindi din siya makapag-isip ng tamang gagawin dahil sa mga nangyari sa kanila ni nam. Ang gusto niya lang mangyari ngayon ay magkamalay na ito at mag-kausap sila.
Nagtaka siya ng pagkarating nila ay nasa labas si yeoji at kausap ang doctor na tumitingin kay nam. napahinto naman sa pag-uusap ang dalawa ng makita silang parating.
"Kamusta si Nam?" tanong niya ng makalapit sa mga ito.
"Nagising na siya." Yeoji said.
"T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Yes...she's still under observation." sagot ng doctor. Ipinaliwanag nito ang ilang importanteng bagay tungkol sa kalagayan ni nam.
"Alam na ba niya ang nangyari sa anak namin?" Tanong niya kay yeoji ng maka-alis na ang doctor.
"Yes. Pagkagising niya ay anak niya agad ang hinanap niya."
"Pwede na ba siyang puntahan?" tanong ni Eunice na nasa tabi nila.
"Pwede na daw sabi ng doctor. But I don't think she will talk to you both... pagkatapos niya kasing malaman ang nangyare sa anak niya ay wala na siyang kinausap at tulala lang siya."
Para namang nanlumo si zeke sa nalaman. Kung siya hindi kinaya ang pagkawala ng anak, sigurado siya na mas masakit kay nam ang nangyari.
Pagpasok nila ay naabutan nila ang isang nurse na nagpapakain dito. May benda ito sa ulo at ilang sugat at galos sa mga braso gawa ng aksidente.
Kagaya nga ng sabi ni yeoji ay tulala lang si nam. Parang wala ito sa sarili at malalim ang iniisip.
Napatakip ng bibig si Eunice para mapigilan ang maiyak pagkakita sa sinapit ng dating kaibigan. Ang kaibigan na tinalikuran niya pagkatapos ng ginawa nito sa kanila.
"A-ako na." Kinuha niya sa nurse ang pagkaen para siya na sana ang mag-asikaso dito. Napatingin lang sa kanya si nam na blangko ang expression pagkatapos ay nahiga ito at tumalikod sa kanila.
Ilang araw na sa hospital si nam at kagaya ng unang araw nito ay wala padin itong kinakausap na kahit kanino sa kanila. madalas itong tulala at nakatingin lang sa labas ng bintana. Kumuha nadin sila ng psychiatrist na susuri dito at napag-alaman nilang kaya ito nagkakaganito ay dahil sa trauma na natamo nito gawa ng aksidente.
"Kailan daw ang labas niya?" Tanong ni lavender. Nasa may couch silang dalawa sa private room ng hospital kung saan naka-confine si nam. Samantalang si yeoji naman ay nagpapakaen kay nam.
"Kapag lumabas na daw ang result ng CT scan niya para malaman walang matinding damage ang head injury niya."
"Kinausap ka na ba niya?"
Napabuntong hininga siya. "Wala pa siyang kinakausap, even yeoji. We tried to have a conversation with her... pero ganoon padin."
"Does her father know?"
"Out of the country si mr.montaya... but as soon as he return I will talk to him."
"Paano kung ituloy niya ang annulment? Lalo na ngayon na may nangyari pang ganito?"
"I don't know... to tell you honestly, gusto kong bumawi sa mga nagawa ko kay nam... pero magagawa ko lang iyon depende sa magiging desisyon ni nam. If she wants annulment then I will give it to her."
"Bro, mahirap ang sitwasyon mo... but if your planning to stay with her because of sympathy... I don't think that will work. Masasaktan lang siya lalo kung wala ka namang nararamdaman sa kanya."
"Sinusubukan ko naman na mahalin siya."
"Gumagana ba?"
Sasagot na sana siya ng bumukas ang pinto at may pumasok na isang lalake. Napatayo agad silang dalawa ni lavender.
"Keith? What are you doing here?" tanong ni lavender dito.
Hindi nito sinagot ang tanong ni lavender. Binigyan siya nito ng matalim na tingin bago pumunta sa kama ni nam. sumunod naman agad siya.
hindi niya kilala ito at marahil ay kamag-anak o kaibigan ni nam.
"Nam..." tawag nito kay nam. napahinto si yeoji sa ginagawa at nagtataka din itong napatingin sa lalake.
"K-keith?" Mahinang tawag ni nam dito. Unti-unting may namuong luha sa mga mata nito. "Keith!"
"Hey I'm here." nilapitan ito ni keith at umupo sa kama paharap dito.
Nagkatinginan silang tatlo na pawang nagtatanong kung sino ito sa buhay ni nam.
"Keith y-yung anak ko..." humahagulgol na ito. "W-wala na... wala na siya keith."
Niyakap ito ni keith at pinapataha. "Shhh... I'm sorry about what happened... nandito lang ako nam, hindi kita iiwan."
Patuloy padin sa pag-iyak si nam. How he wanted to be in his position right now. Gusto niyang siya ang dumamay kay nam at magpataha dito pero alam niyang tinanggal na niya ang karapatang iyon sa sarili simula nang saktan niya ito.
Niyaya sila ni yeoji na lumabas na muna at iwan ang dalawa.
"diba kaibigan mo yun?" Tanong ni yeoji kay lavender.
"Oo, si keith samaniego... pinakilala ko na siya dati sa inyo sa bar. Hindi ko alam na magkakilala pala sila ni nam."
"Wala naman siyang nababanggit na may kakilala siyang keith." Sabi niya sa mga ito.
"Paano niya mababanggit eh hindi ka naman intiresado alamin ang buhay niya." Yeoji added sarcastically.
Hindi nalang siya umimik. Sa kanilang apat ay si yeoji talaga ang mahirap kalabanin kapag nagsusungit na.
"Uwi na muna ako... tumatawag na si lolo eh." paalam ni lavender sa kanila.
Tinignan niya si yeoji at nagbabakasakali na baka gusto nadin nitong umuwi. Madalas kasi ito ang nagbabantay kay nam.
"Uuwi na muna ako. babalik nalang ako mamaya." Si yeoji.
Pag-kaalis ng dalawa ay naghintay muna siya ng ilang minuto bago bumalik sa kwarto nam. Naabutan niya si keith na nakaupo sa gilid ng kama at pinag-mamasdan si nam na mahimbing nang tulog.
Napatingin naman sa kanya ang lalake ng maramdaman ang presensya niya. Tumayo ito at nakahalukipkip na humarap sa kanya.
"What are you still doing here?" Tanong nito.
Hindi niya maiwasang mainis sa angas ng pananalita nito. "Hindi ba dapat ikaw muna ang tanungin ko? sino ka ba?"
Napangisi ito. "Your asking me who I am? I'm keith samaniego. The guy who stayed by her side when she need someone the most... and I'm the guy who will take her away from you."
***
BINABASA MO ANG
Bleeding Love [QS#1] COMPLETED
RomanceQUARTET SERIES #1 Ezekiel John "Zeke" Aldeguer *** Nammie montoya loved zeke the moment she laid her eyes on him. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang binata kahit na madami siyang masaktan. She doesn't care what everyone think about her as long a...
![Bleeding Love [QS#1] COMPLETED](https://img.wattpad.com/cover/29605128-64-k171692.jpg)