***
Sumulyap ulit si Zeke sa may pintuan ng kusina, nagbabakasakaling lalabas na ang dalawa. But damn. they are taking so long. Kanina pa nasa loob ang dalawa.
Hindi siya mapakali sa kinauupuan sa isipang mag-kasama si keith at si Nam. That guy, hindi talaga siya komportable na nasa paligid ito. At sa nakikita pa niya ay mukhang malapit ito kay Nam at sa mga bata. And that idea pisses him.
Istorbo na nga ito kanina mukhang sagabal pa ito sa buhay niya at sa kanila ni nam.
Naalala niya na naman ang ginawa niya kanina. Damn! He was about to kiss her. hindi niya din alam kung bakit naisipan niyang gawin iyon. He was just drowned with emotions when he met her gaze. Parang hinihigop ni nam ang kaluluwa niya. At may kung anong nagdidikta sa kanya na gawin iyon.
Sh!t.
He doesn't know what to do or feel anymore. Alam niya ang limitasyon na binigay sa kanya ni nam. But damn it, hindi na niya kaya pang i-control ang sitwasyon at ang nararamdaman niya.
"Dad, you okay?" Tanong ni July ng mapansin atang kanina pa siya tahimik.
Nginitian niya ito. "Of course. laro tayo?" Hindi pa nakakasagot ang anak niya nang may umeksena.
"Hey kids!" tawag ni keith na nauna na palang lumabas. "Who wants to play?"
Nakuha nito ang atensyon ng tatlong bata. "Me!" Sigaw ni June at agad na lumapit dito.
Parang si santaclaus si keith kung pagkaguluhan ito ng mga anak niya, samantalang parang na-baliwala naman siya ng ganun na lang dahil dito.
Napamura ulit siya sa isipan. This should be his time with his kids, tapos umeksena lang itong si keith ay nawala na siya sa eksena.
"Tatay, diba sabi mo pag-umuwi ka na tatapusin na natin yung tree house?" Tanong ni june dito.
"Did I say that?"
"Yup. You promised."
Napasapo ng ulo si keith. "Oww... I think I forgot that one."
Napanguso lalo si june. "But you promised."
Ginulo ni keith ang buhok ni june. "Hey I'm just kidding young man. Of course I remember it. Tara na?" Kinindatan pa nito si june.
"Yey!"
Nauna na ang tatlo sa labas at sumunod dito si keith. hindi nakaligtas kanya ang mapang-asar na tinging ibinigay nito sa kanya ng daanan siya.
Nanatili lamang siya sa kinauupuan niya at tila ba hindi alam ang gagawin.
"Where are they?" Tanong ni Nam nang lumabas ng kitchen.
"Nasa labas." Simpleng sagot niya. Gusto niya sanang sundan ang mga ito kaya lang na kay keith ang atensyon ng mga anak niya.
"Can you help me bring the food outside?" Tanong ni nam.
"Sure." Ang kaninang excited na mood niya ay parang naging-matamlay. sumunod siya dito sa kusina.
She's busy preparing their snacks while he just stood there watching her. Halatang sanay na sanay na ito sa kusina. He remembered before where she can't even cooked properly. Those where the times he treat her like a slave. Kahit sigurong ilang beses niyang sisihin ang sarili niya sa mga nangyari ay wala din naman siyang magagawa sa sitwasyon niya.
"Pakidala nalang ito." Inabot nito sa kanya ang tray at sumunod dito.
naabutan nila ang mga anak sa bakuran kasama si keith. May mga inaayos na kahoy ang mga ito na siyang gagawing tree house.
BINABASA MO ANG
Bleeding Love [QS#1] COMPLETED
Любовные романыQUARTET SERIES #1 Ezekiel John "Zeke" Aldeguer *** Nammie montoya loved zeke the moment she laid her eyes on him. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang binata kahit na madami siyang masaktan. She doesn't care what everyone think about her as long a...