Chapter 24: First Date
Nakarating kami ng Star City ng pagod na pagod. Oo pagod ako dahil ang sakit ng panga ko kakatawa at kahit may aircon, sobrang pinapawisan padin ako. At oo Star City, ilang oras kami bumyahe, dito lang pala ang bagsak. Pwede namang sa mga malalapit nalang! Punyeta, buti nalang pinag lunch ako. Kasi kung hindi, baka liparin ko ang Manila to Palawan. Seryoso ako, ipapatawag ko talaga ang private plane namin kung nagkataon.
“Kupal!” tawag ko sa kanya, may hinahalukay kasi sa kotse niya e.
“Huwag mo nga akong tawagin na ganyan!” ay galit. “Si Jeron lang ang kupal sa aming dalawa”
“Hoy, don’t kupal my bes—I mean my Boyfriend!”
“Tsk!” nginisihan niya lang ako at inilock na yung kotse. Akala ko ba effective ang sinabi ni Jeron? Sinasabi ko na nga ba e! Pinapasa lang ako nun.
Dinaanan na namin ang Star Flyer, Roler coaster, Subway Surf pero wala padin kaming hinihintuan. “Hoy, ano to malling? Wala ka man lang balak sumakay? Para saan yang ride-all-you-can ticket mo?”
Tinignan ko yung muka niya. Parang litong-lito siya. “Umuwe na nga lang tayo” pinigilan kong maging malungkot yung boses ko, hindi dahil sa wala kaming masakyan, kundi dahil unang beses kaming nakapunta dito ng kaming dalawa lang, ganito pa.
Oo, unang bese kaming nagpunta sa amusement park. Usually na kasama ko kasi si Emmar, oh di kaya yung mga kaibigan ko nung Highschool na sina Lovejoy, Angie, Shiela, Estela, Sarah at Kristine. Ngayon kasi busy na sila sa mga career nila. Huling kita naming sa isa’t-isa last year pa.
“S-sorry” nagiwas siya ng tingin sa akin. Parang frustrate na frustrate siya. “F-first time ko kasing nakapunta dito, hindi ko alam yung gagawin ko” nashock ako sa sinabi niya. Oo nga pala! Hindi niya alam to. Puro kasi business ang iniintinDi dati e. Ayan tuloy!
Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya. Gusto ko sanang ituloy ang pang-aasar sa kanya at plano ni Jeron, parang mas gusto kong gawin na memorable yung unang tapak niya dito. Eh kung iwan ko kaya siya? Ayun, for sure memorable talaga yun. Hahaha. Syempre joke lang. Kahit pano naman, may pinagsamhan pa kami.
“Pinagsamahan nga ba? Mahal mo lang e” dukutin ko kaya utak ko? Nang hindi nakakasabat sa eksena? Psh.
Nauna siyang maglakad kesa sa akin. Tignan mo to! Aarte pa. nakakaasar. “Hoy! Teka nga!” Hinabol ko pa ang gago. Ang bilis lumakad! “Pag hindi ka huminto, papakasalan ko si Jeron!”
Puta! Bakit ko ba iyon sinabi! Tangina. As if may pakielam siya! Argh!
Nakit ko siyang napahinto kaya naman bago pa siya humarap, ako na mismo yung tumalikod at tumakbo palayo.
“Gaga ka talaga Phyl! Napakatanga mo! Nakakahiya ka. Ano nalang iisipin niya? na hinahabol mo siya?ARRGH! Bakit ko ba kasi sinabi yun!!
“P.A! Sandali!” palakas ng palakas yung dinig ko sa sigaw niya kaya alam kong palapit na siya ng palapit sa akin.
Minsan gusto kong sisihin lahat ng scientist e. Bago man lang sana mamatay isa sa kanila, gumawa ng machine pang teleport, o di kaya invisible machine. Argh!
“Teka nga!” medyo hinihingal nako, pero siya parang walang nararamdaman! “Bakit kaba tumatakbo?”
BINABASA MO ANG
When he was my Man
Romance-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...