Chapter 33: GOOD.....BYE

30 4 2
                                    

Chapter 33: GOOD.....BYE


Puting kisame ang bumulaga sa akin pag bukas ng mga mata ko. Nakaramdam din ako ng pamamanhid sa kamay at hita ko. Pero kumikirot ang bandang sintido ko.


"FRRRRIEEEEEND! Gising ka na!" yakap sa akin ni Sarah.

"A-aray ko" nasanggi niya kasi ang braso ko. At hindi ko alam bakit ito kumikirot.

"okay kanaba? Nako bhe, ang kutis mo! Plangak! Wasak na wasak!"

"H-ha?" doon ko lang naalala kung ano ang nangyari sa akin. Ang walanghiyang yun! "Asaan ang walanghiyang yun!"

"Sino?"

"Si Clyde! Argh! Ang hapdi ng muka ko!"

"Paanong di mahahapdi, halikan mo ba naman ang mga bubog sa sahig! At hoy! Bakit basag basag ang vase na nireaglo namin sayo!" sunod sunod na talak ang ginawa ni Sarah sa akin.

"Tinulak ako ng Clyde na iyon!"

"Weh?"

"Argh! Tawagin mo siya!"


Hindi ko alam pero hindi naman talaga ako galit. Naiinis ako oo. Kasalanan ko din naman. Alam ko naman ng nag-aaway sila, pumagitna pa ako.

Ilang sandali pa may pumasok na sa pintuan. Iniluwa nito si Ashton at Clyde na puro galos at pasa ang muka.

"P.A/Phyl"

Nung makita ko si Clyde, parang gusto ko siyang dambahin, hindi para saktan kundi para hawakan at gamutin ang sugat niya.

Bakit ba kahit nabibwisit ako sa kanya, hindi ko padin mapigilang lumambot ang puso pag nakikita ko na siya? Na kahit gaano pa ako masaktan ng dahil sa kanya. Ayos lang.

"LAYAS!" hindi ko din alam pero yun lang ang tanging lumabasa sa bibig ko.

"Ha? A-akala ko ba gutso mo akong m-makita?" kita kong kinakabahan siya at sinuri ang mga galos ko sa katawan. Lumapit pa siya sa akin pero pinigilan ko siya.

"Huwag mo lang ako malapit-lapitan ulopong ka!"

"P-pero—"

"AAAAAH! I SAID GET.OUT!!!!!!"

"P.A naman" nagsusumamo ang mga mata niya. ayan na naman ako e. Phyl, sinaktan ka niya. Paulit-ulit. Hindi ka pa ba magtitino? Aba, daig mo pa ang martir sa telenobela.

"PAG HINDI KA LUMABAS, SINASABI KO SAYO AKO ANG LALABAS!" napipilitan man ay nilisan niya ang kwartong iyon. Sakto namang pumasok din si Sarah bitbit ang isang plastic na hindi ko alam ang laman.

"Eksena? Akala ko ba gusto mo makita? Tas ngayon papalayasin? Gago lang?"'

Tnirikan ko siya ng mata kaya medyo nanahimik. Pero ayaw padin tumigil sa pambibwisit. "Temaarts ka masyado!" (maarte)


"Phyl" doon ko lang naalala na andun nga pala si Ashton "Phyl sorry. Ako talaga yung may kasalanan. Hindi ko nam'an kasi alam. Tska nadala ko ng emosyon, ikaw kaya biglang sugurin ng suntok. Di ka mangigil?"

Tama naman. Ramdam ko ang sinseridad niya dahil napapangiwi siya sa mga galos ko sa katawan. "Kung pwede ko lang akuin-"

Nanlaki ang mata niya sa inaabot ko sa kanya "Oh heto, kutsilyo. Gusto mo akuin diba?"

"H-ha?" napalunok siya at natatawa na ako sa itsura niya "S-sigurado ka?"

"Bakit? Sabi mo kung pwede. Eh pwede naman, sige go"

When he was my ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon