Chapter 4: Type
“Bikoy, iho” Unang bumati sakanya si Lola Bebz. Yung mga titig ko sakanya, hindi ko mapigilan.
“Have a seat baby, andito na sila Tita Tin mo” si Tita Jin naman, at itinuro ang upuan sa tapat ko.
“Siya naba si Bikoy Bessy? Ang gwapo ha”
“Oo Bessy, saan paba magmamana? Oh by the way, bago natin makalimutan ang sadya, Bikoy, this is Phyl. Phyl this is my son, Bikoy”
Hindi ko alam kung pano ko ba siya titignan. Kung kanina nakapako ang mga mata ko sakanya, ngayon naman napako ang mata ko sa plato ko. At parang gusto kong iluwa lahat ng kinain ko kanina.
“Nice to finally meet you, my fiancé” at dun na ako nag-angat ng tingin.
One word…
“Sarcastic”
“Same here” walang kagana gana kong sagot.
“Ayeeeeh! Bagay kayo!” Sabay ni Mommy at Tita Jin
“Aba iho. Mukhang may maipapakilala ka na sa akin ha. Pero wag ka magalala. Boto ako sakanya at kilala ko na siya” Sumabay naman si Lola Bebz.
Habang kumakain kami, actually sila. Dahil tapos na ako at nawalan na ako ng gana. Punyeta. Bakit ba kasi nauso ang mga pagkaing desert? Hinihintay pa tuloy maserve. Feeling ko ang sikip ng atmosphere ko dito.
“Iha apo, wala kaba talagang nobyo na naiwan sa Maynila?” tanong ni Lola Bebz. At hindi ko alam kung paano ko sasagutin.
“Nako tita Bebz, yan pa? Eh masyado ngang-“
“Actually Lola, meron po. Ang kaso..” hindi ko tinuloy ang sinasabi ko dahil umakto akong nalungkot at yumuko.
“kaso?”
“PATAY napo e. Pinatay ko na”
“acccck!”
Sige, mamatay ka sana at lumala sana yang pagkabilaok mo.
Sumeryoso ang mukha ng tatlong babae sa harap ko, kaya natawa naman ako.
“Kayo naman po, di mabiro. Joke lang”
--
Sa wakas, dumating nadin ang fruit salad. Kahit gusting gusto ko tong desert na to, eh bumabaliktad padin ang sikmura ko sa mga titig na binabato niya sa akin. Pero bakit bako papa-apekto?
“Iha, anong tipo mo sa lalaki?” ayaw talaga akong tantanan ni Lola Bebz, parang gusto ko na sanang bawiin yung sinabi ko na magaan ang loob ko sakanya.
“Lola naman, typical na babae lang ako. Kung ano yung kadalasang sabihin, syempre dun din ako” Nakakawala talaga ng gana. Pero sige lang Phyl. Wag ka papaapekto. Diyan ka magaling diba? Pretend pa.
“Ikaw naman, sige na tell us. Para alam ng anak ko ang gagawin niya”
“Ma, hindi ko ugaling magpalit ng attitude para sa iba”
Hard.
“Hmm. Syempre po yung GWAPO” sabay tingin ko sakanya.
“Yung…Mapagkakatiwalaan. Yung kaya akong PAG-KA-TI-WA-LA-AN” as in bawat words eh dinidiin ko ang pagbigkas.
“Yung may PANININDIGAN. Yung hindi ako iiwan at tutuparin yung mga pangakong BI-NI-TA-WAN”
At syempre..
“yung kaya akong ipakilala sa mga MAGULANG”
“Perfect!”
“Bravo!”
“Anak nga kita”
Kung wala lang sa harapan koi tong lalaking ito, baka natauwa na ako sa mga reaksyon nila. Pero bakit ganito? Bakit parang gusto na namang magunahan ng mga luha ko? Diba sila napagod noon? Ilang beses na silang nanalo sa karerahan ah.
“I-ikaw B-bikoy? What type of a girl do you prefer?” matapang na tanong ko sakanya. Pero parang nagsisis agad ako sa sagot na binitiwan niya.
“Yung simple lang, yung hindi MALANDI, yung AKO lang. At yung BIRHEN.
BINABASA MO ANG
When he was my Man
Romance-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...