Chapter 1: Bessy's

340 33 5
                                    

Chapter 1: Bessy’s

Napaudlot ako ng pagpasok sa bahay ng marinig kong may kausap si mommy sa loob. Naaninag ko na babae ito at halos matabunan na ng alahas ang buong katawan. Siya rin siguro yung may ari ng mamahaling sasakyan sa labas. Na halos matabunan na dahil sa dae ng body guards.

“Bestfriend, baka naman sumabit tayo jan sa anak mo ha? Alam mo naman itong unica hija ko, masyadong sensitive pagating sa mga ganitong bagay” So, ito yung laging ikinekwento ni Mommy na bestfriend niya? Yung bestfriend niya na halos pati pag-hinga, pag-ihi, pagdumi at lahat ng pag eh alam nila sa isa’t-isa?

“Oo naman Bessy.  Nakausap ko na din naman ang anak ko about that matter. And it seems like, wala naman siyang magagawa” Nakita ko pang pataas-taas ang kilay nitong si bessy, I mean. Sino nga ba tong bestfriend ni mama?

Mukhang alam ko na ang pinaguusapan nila. Pilit kase akong minamatch ni Mommy sa isa nitong anak. Akala ko nung una joke lang. Nasabi niya kasi sakin na after nila grumaduate ng collage e nagmigrate nadaw ang family nito sa states. And the rest is history.

“I’m home!” Bati ko sa kanila. Syempre kunyari patay malisya at wala akong alam. Mahirap na, baka andyan din pala yung anak nitong si bessy ni Mommy.

“Mommy, bumibili ka na naman ng jewelry? Sabi ko naman sayo diba. Sinasayang mo lang yung pera mo” Tuloy-tuloy kong sabe kay Mommy.

“Baby, ano bang sinasabe mo? Oh by the way, this is—“

“Ale, makakaalis napo kayo. Alam niyo po kase, masyado na kaming maraming alahas. Next time nalang ha?” Halos matawa ko sa reaction nilang dalawa. Pero kiber. Napataas pa ang kilay nung bessy ni Mommy sa akin. Tila ba pikon na pikon na.

“Phylbert! Sumosobra kana!” Sigaw sakin ni Mommy at pinanlakihan ako ng mata.

Actually, hindi naman talaga mukang supplier ng alahas tong bessy niya. Infact, ang cute nga ng mga accessories niya. Ang kaso, nasobrahan naman ata, pano ba naman, ilang layer na necklace ang suot in different colors pa. yung bracelet na kulang nalang umabot sa braso niya na my neon colors pa. Tapos yung earings niya na puro glitters. Maiintindihan ko sana kung nasa mid 20 pa siya. She looks cute. But not in her age.

“Why Mommy? If daddy is here, magagalit siya sa inyo. Sige na una na ko sa taas. Buh-bye” at kumaripas na ako ng takbo sa kwarto sabay wave pa ng kamay. Sige lang mainis kayo sa akin. Mwahahaha.

---

Pag-akyat ko sa taas, narinig ko na puro “Sorry bessy, Pasensiya kana kay phyl ko ha?, Bessy ako bahala sa kanya” Asa ka Mommy. Asa. Over my dead and sexy hot body.

Nagpalipas na lang ako ng halos tatlong oras sa kwarto ko. Tinodo ko pa yung music para lang hindi ako bulabugin ng Nanay ko. Dahil for sure, hindi lang kurot sa singit aabutin ko dun. Malilintikan pa ako.

Pag baba ko sa salas namin, halos mamilog ang mata ko dahil nakita ko pa din si bessy ni mommy. What the? For real? Ohmygosh! Barabas Hestas Bigas Mantomas!

“Phylbert! Come here, and don’t you dare speak again!” sigaw ni Mommy. Hilig talaga neto sumigaw e. umarte pa akong izinipper ko yung bibig ko. Ayun, halos mamula buong katawan nila. Hehe.

“Siya si—“

“Magaalahas?”

“Phylbert! I said don’t speak!”

“Okay, sorry. Peace.”

“This is your tita Jin. Yung madalas kong ikwento sayo noon. Remember?”

“Ah, yung nahulog sa kanal na may tae-tae tapos halos mamatay ka sa baho pero syempre dahil kaibigan mo siya tinulungan mo—“

“PHYLBERT ANGELLIE VILLANUEVA!!”

When he was my ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon