Chapter 9: Throwback
“Mar, ano ba talagang problema mo?” napansin ko kasi na parang lagi siyang balisa. Laging masakit yung ulo niya at halos di na kami lumalabas. Eh nung mga nakaraang araw naman okay pa siya. Nag EK pa nga kami nun.
“May migraine lang ata ako Piyang e.” Piyang ang tawag niya sa akin. Nakakaasiawang pakinggan, pero dahil espesyal daw ako sakanya, siya lang ang may karapatan na tawagin ako sa ganoong pangalan.
“Ha? Eh isang bwan ka na nga ata my migraine Mar e. Halos minsan nga parang tinitiis mo na yung sakit pag kasama ko. Magpacheck-up kana kaya?”
Dumaan yung mga araw na hindi na sinasagot ni Emmar yung mga phone calls ko. Kahit sa social media, ni hindi siya nagpaparamdam. Samantalang dati, kinukulit pa niya ko na ilike ko DP niya.Haha
Hanggang sa isang araw, napagdesisyunan ko na puntahan na siya sa bahay. Total naman di ako busy at bored ako. Nagdala pako ng lunch. Syempre paborito ko.
Pero hindi pako nakakarating sa tapat ng bahay niya, nakita ko na siyang palabas at nagmamadaling sumakay sa kotse niya habang nakahawak sa ulo. Bigla akong kinabahan dahil parang sobrang sakit ng iniinda niya sa mga oras na to.
Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa pinakamalapit na drug store. Hanggang sa pagbaba niya, nakasapo padin siya sa kanyang ulo.
Kinakabahan nadin ako kasi baka makita niya ako. Magagalit pa naman yun. At isa ko pang kinakakaba, baka maaksidente siya.
Pasakay na siya ng sasakyan niya kaya napagpasyahan ko ng bumaba at alamin kung ano yung binili niya.
“A-ah miss? A-no ah. Kasama kasi ako nung lalaking bumili dito kanina, kulang daw kasi yung binili niya, kaya dadagdagan ko na sana”
Buti nalang at hindi nagtaka yung tindera at agad ibinigay sa akin. Usually sa gamot pang migraine, yung kilala. Pero parang hindi pamilyar sakin to, kaya nagpunta ko sa pinakamalapit na hospital at tinanong ko sa magaling na espesyalista.
At ganoon na lang ang gulat ko sa sinabi niya.
“Miss Phyl, s-sgurado po ba kayong hindi sa inyo ang gamot na ito?” nakakunot noon a tanong sa akin nung doctor na kaibigan ni Mommy.
“Hindi po doc, yung kaibigan ko po kasi, laging may migraine. So I decided na tignan siya ngayon at dalawin. But unfortunately, sinundan ko siya dahil parang nahihirapan na siya. At ayan yung gamot na binigay sa kanya sa pharmacy” pagpapaliwanag ko sa doctor. Hindi kasi siya ata naniniwala na hindi akin yun. Tsk.itatanong ko ba kung akin yun?
Umalis siya sa tapat ko at may kinuha sa drawer niya.
“Medicine Description?” napakunot noo kong tanong nung nakita ko yung nakasulat sa parang listahan ng mga doctor.
“Yes Miss Phyl. Gusto ko lang makasiguro, baka namamalikmata lang ako sa binigay mo e.”
“Doc naman, paligoy-ligo pa.”
Tinignan niya ko ng seryoso at nilapag ulit sa table yung gamot na binigay ko. “This medicine is for the patient who has a brain cancer”
BINABASA MO ANG
When he was my Man
Romansa-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...