Chapter 34: Memories
Malamig at masarap na hangin ang tumatama sa balat ko ngayong gabi. May parte sa akin na masaya ako, pero may parting may hinahanap pa rin ako.
Umalis akong bahay ng hindi nalalaman ng kahit sino. Well, expected ni Mommy na aalis ako, pero hindi ngayong gabi. Baka kasi pag nalaman niya na aalis na ako, magbagao pa ang isip. Kaya naman hindi ko na talaga binalak na magpaalam.
Nakatunghay lang ako sa mga tao na naliligo sa beach. Nasaan nga ba ako? Well, nasa isnag resort ako dito sa tagaytay. Hindi ko din alam kung bakit ako napadpad dito. Well, aside sa pinigilan kong pumunta sa mga resthouse namin dahil baka sundan ako ni Mommy, pabago-bago nga ang isip nun diba? Gusto ko din ng bago. Isa pa mas malulungkot ako dun. Dahil bukod sa ako lang mag-isa, natatakot ako sa multo. Hehe. Pwera biro. Mas masaya kasing may nakikita kang mga tao na nagsasaya. Martir nga ako. Para ko ng tinotorture ang sarili ko. Kasi yung mg anakikita ko, kundi isang buong pamilya, couple. Grabe. Pinagkaitan na nga ako ng buong pamilya, wala pa akong lovelife.
-
Labing limang taon ako nung unang mawala sa akin ang Daddy ko. Sobrang nagrebelde ako nung mga panahon nayun. Kaso, sa tuwing makikita ko si Mommy na halos hindi na kumakain at lumalabas sa kwarto, mas naawa ako sa kanya. Naisip ko na bakit kailangan kong magrebelde? Kung mas dobleng sakit ang nararamdaman ni Mommy sa akin.
Hindi ko alam ang dahilan, pero saksi ako san g nakaraan. Habang nagsisigwan sina Mommy at Daddy, nandito ko sa hagdan. Nagtatago, umiiyak.
"Tangina naman Esteven! Ganon nalang yon? Sasabihin mo sa akin na kailangan ka nila!? Paano kami ng anak mo! Paano kami Esteven!"
"Jin intindihin moko. Ilang taon. Ilang taon siyang itinago sa akin. Hindi kaya ng kunsensya ko na hindi siya suportahan!"
"Bullshit! Pwede mo siyang suportahan sa ibang paraan!"
"Pero ako ang hinihingi niya! Oras ko! Oras ko na ipinagkait ko sa kanya"
"Oras mo? Paano naman ang para sa amin ng anak mo?"
"Jin, hindi ko na alam-"
"Pwes alamin mo!"
"Kapag lumabas ka ng pintuan ngayon, wala ka ng babalikan. Wala ka ng anak. Wala ka ng asawa"
"Jin"
Akala ko sa sinabi ni Mommy, babalik si Daddy. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa nakita niya akong umiiyak at nakahawak sa laylayan ng damit ni Mommy.
"Princess"
"Daddyy" banggit ko habang lumuluha.
Pero wala siyang ginawa. Lumabas siya ng pintuan at tanging sigaw nalang ang nagawa ko. Dahil maisip ko palang na mawawala ako ng Ama, hindi ko na kaya.
Lumaki akong dady's girl. Mas close kami dahil busy si Mommy sa kumpanya. Si Daddy naman, puro sa bahay ang trabaho. Kaya siya lang ang lagi kong naabutan. Sa murang edad, marami na akong natutunan sa kanya.
Kagaya ng motorcycle, airsoft,golf, taekwando at kung ano-ano pang hilig ng mga lalaki. Sa murang edad natutunan ko nadin kung paano mag maneho ng sasakyan. Pero lahat ng iyon isinekreto naming kay Mommy. Nagiisang anak nga lang ako, kaya iniinatan niya ako.
Pero simula nung umalis siya, puro galit ang nabuo sa puso ko.
"You don't need to hate your father, baby"
BINABASA MO ANG
When he was my Man
Romance-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...