Chapter 36: V-Line

31 4 0
                                    

Chapter 36: V-Line


Dedic sayo, kasi pinagtyagaan mong basahin yung una kong story na sobrang jeje. Haha. Salamat!

@lynheltauruz21  


----

.......ang pagmamahal ko sayo, parang fun run. Kahit mapagod ng ilang beses, tatakbo at tatakbo padin, makamit lang ang finish line........

Habang pinapanood namin ang paglubog ng araw, narerelax ako sa preskong simoy ng hangin. Nakakadagdag tension din ang ginagawang paglalaro niya sa kamay ko habang nakahiga siya sa lap ko.

Wala e, ito na naman ang makulit kong puso. Gusto na ngang awayin ng utak ko, ewan ko ba. Yung bakasyon ko, naging bakasyon namin. Nag-usap na kaming dalawa dapat, pag-alis naming dito, maayos na ang lahat. Dapat pag alis naming dito, okay na kami.

Tuluyan nadin akong kinaladkad ni Clyde sa room niya. Sabi pa niya 'hindi na nga kita pagbabayadin ng malaki, kaya magtipid ka. Dito ka cottage ko' syempre kunyare ayoko. Pero konting pabebe lang naman, nagpapilit na ako. Hehehe.

"P.A" pagtingin ko sa kanya, nakatitig na pala siya sa akin. Naiilang man ako pero sinalubong ko ang mga titig niya.

"Bakit?"

"Kwentuhan mo ako" nilalaro padin niya ang aking mga kamay. Kung hindi niya ito hahalikan, ilalapat niya naman ito sa kamay niya. Holding hands sa buhanginan ang peg.

"Anung ikekwento ko?"

"Tungkol kay Emmar" malungkot niyang sabi.

Hindi ko din alam paano ko uumpisahan. Pero nakita ko nalang na umiiyak siya habang binabanggit ko kung paano naghirap ang bestfriend namin. Actually, bestfriend niya.

"I-ibig sabihin, hindi niya pinaalam sa iyo na may sakit na siya?" manghang tanong naman niya sa akin.

"Hmm. Oo. Until I decided na sundan siya. At ayun, nalaman ko na binili niya palang gamot sa pharamacy ay hindi biro" totoo naman talaga iyon diba. Sobrang sakit na makita yung bestfriend mo na nahihirapang maglakad habang umaakyat sa hagdan ng isang pharmacy. Yung pinipilit pa niyang magdrive habang nakahawak sa ulo niya. "Ipinakita ko sa isang family doctor yung gamot niya, then I found out. Pain reliver pala iyon"

Sa totoo lang, sariwa padin sa akin hanggang ngayon ang pagkawala ni Emmar. Pero sabi niya nga noon bago siya mawala, hindi ko man siya makita physically, nandiyan lang siya sa tabi, nakamasid. Hindi ako sanay ng wala siya, pero pinilit ko iyon. Ayoko naman kasing kait sa kabilang buhay, malungkot pa siya. Sobrang selfish ko naman nun.

"Napakatanga ko" bumangon siya at nagpunas ng luha tsaka tumingala. Gusto ko sanang ma-cutan sa kanya. Kaso hindi ito oras ng paglalandi ko. "Sinayang ko yung mga oras na dapat nasa tabi niya ako. Yung mga oras na dapat ibinigay ko sakanya, para man lang sana makabawi ako sa mga kabutihang binigay nya sa akin" muling napapapiyok si  Clyde. Kaya nahawa nadin ako sa pag-iyak.

"Someone send me a picture"

"Picture?"

"Yeah. Dalawa kayo. Maraming pictures na magkasama kayo. May iba nakaakbay siya sayo. Sobrang saya niyo nung dalawa" may halong pait ang boses niya.

"Don't tell me, kaya ka—"

"Yeah" gusto kong mapikon sa kanya ngayon. Pero wala namang mangyayari kung gagawin koi yon. Kaya pinigilan ko nalang ang sarili ko. "Sorry P.A kung naging selfish ako. Sobrang tanga ko. Sobrang depress kasi ako nun. Na akala ko, madadamayan niyo ko. Pero nung makita ko yung mga litrato na halos makalimutan niyo na ako-"

When he was my ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon