Chapter 8: Reason Behind
Iniwan akong tulala ni Clyde sa mga kabayo. After that accident, oh I mean, i-coconsider ko bang aksidente? Kung sinadya ko naman.
Oo nga at sinadya ko na magpanggap, pero hindi ko naman akalain na gagawin niya ulit yung ginagawa niya noon nung kami pa.
Everytime na makakaramdam ako ng hika, hahalikan niya ko at yayakapin. Yung para bang siya na yung nagmimistulang gamot ko. Pero syempre, kailangan ko padin kaunti ng inhaler.
“Clyde! Sandali. Wait!” hinabol ko siya. Ibang daanan yung dinaanan niya kaya hindi ako pamilyar. Mas gugustuhin ko pang maligaw kasama siya, kesa naman bumalik ako ng hindi ko na alam yung daan.
“Bumalik kana. Wag mokong sundan!” sigaw niya sa akin, pero ang bilis niya lumakad.
“Teka nga! Napapagod nako!” nakakailang minutong lakad na kami. Pag ako hinika ng totoo.
“Sino ba kasing nagsabi sumunod ka!?” ayan na yung ilong niya, umuusok na. hahaha
“Puso ko!” sabay taas baba ng kilay ko. Pero sinamaan niya naman niya ako ng tingin. “Joke”
Lakad padin kami ng lakad, ako naman daldal ng daldal. Pero wala siya sa mood. Ewan ko ba. Lagi atang may dalaw to since mgbreak kami e. hehe. Ay! Di pa pala kami break.
“Mako!” pinandilatan niya ko ng mata sa tinawag ko sakanya. “Uyy, kilig”
“Tantanan moko Phylbert, at pwede ba, wag moko tawagin ng ganyan!” galit na naman
“Bakit? Sa ayaw at sa gusto mo, tatawagin kita” bigla siyang huminto at tinitigan ako. Yung titig na sobrang lamig. Pag ganito kasi, alam kong seryoso na siya.
“Wala na tayo. Matagal na kitang kinalimutan at hindi ko na matandaan yang pinagsasabe mo” Ouch
“Mako naman, pwede bang mag-usap tayo?” hinawakan ko yung kamay niya. “Pwede bang ayusin natin to. Mako, please. Magpaliwanag ka naman”
Nakita kong namula yung tenga niya sa huling sinabi ko.
“Tangina Phyl! Ako? Ako pa magpapaliwanag? Naririnig mo ba iyang sinasabi mo?” binitiwan niya yung kamay ko na nakahawak padin sakanya. “Pagkatapos mo kong ipagpalit sa bestfriend ko, ako pa pagpapaliwanagin mo?! Bullshit Phyl!”
“Ano?! Pinagpalit? Ulitin mo nga yung sinabi mo?!” Parang nagpantig yung tenga ko sa lahat ng nadinig ko sakanya.
“Kaya mo bako iniwan ng dalawang taon? Kaya mo bako tinakasan? Kase akala mo pinagpalit kita sa bestfriend mo?”
“Bakit? Magkakaila kapa? Diba totoo naman? Na pinagsalitan mo kami Emmar! Dahil mas mayaman siya sakin! Dahil mas kaya ka niyang bilang ng lahat ng gusto mo! Dahil mas angat siya sakin. Dahil mas--”
*pak!*
“Ang kapal ng muka mong husgahan yung pagkatao ko! Ambabaw ng dahilan mo! At higit sa lahat, napakatanga mo!” pinunasan ko yung luhang dumadaloy sa mga mata ko. Heto na naman ako. Iyak pa more.
Hindi ko namalayan kakalakad naming kanina, nakarating na pala kami sa isang bahay. Ito siguro yung sinasabi nila na dito dapat maglunch kanina. Hanep.
“ano bang sinasabi mo Phyl? Ipagkakaila mo pa ba?”
Alam ko naman na kaya niya ko nilayuan kase nagselos siya nung nakita niya kami ni Emmar sa tambayan naming tatlo na magkasama at magkayakap. Pero ang hindi ko maintindihan, eh bakit dalawang taon niya kong iniwan. At kung hindi pa pala si Tita Jin ang nanay niya, malamang hanggang ngayon hindi pa din kami nagkikita.
“Tama na. Ayoko ng magpaliwanag. Sobrang sakit naman ng mga pinaparatang mo sakin Clyde, below the belt ka na---”
“Below the belt? Well kung lahat ng sinabi ko sayo below the belt, lulubus-lubusin ko na.”
Lumapit siya sakin at tinitigan ako sa mga mata.
“Phylbert, pinagpalit mo ko sa bestfriend ko? Masaya naba kayo ngayon?” alam kong nagpipigil siyang saktan ako dahil halos maputol na yung ugat niya.
Pero anong sinabi niya? Masaya na kami ngayon? Ni Emmar? Huwag mo sabihing.
“Ang landi mo! Ang landi landi mo Ph--”
*pak*
“Tangina Clyde! Dalawang taon moko tinaguan!? Pero hindi mo alam yung totoong ngyare kay Emmar?! Clyde patay na siya! Patay na yung bestfriend! Patay na yung taong ginagawa mong dahilan para iwan ako! Clyde patay na siya!”
“A-ano?” Tanging yan lang yung sasabihin niya? Yan lang yun? Dalawang taon siyang namuhay at nagpakatanga? Dalawang taon niyang hidni alam na yung taong akala niya ay dahilan ng pang-aahas ko sakanya ay matagal ng patay, dahil sa kagagawan niya?
“Hindi mo alam? Well babawian kita. Nagsisisi ako Clyde, nagsisisi ako na ikaw yung minahal ko. Nagsisisi ako na minahal kita dahil napakatanga mo! Akala ko ba matalino ka? Pero all those time, hindi mo man lang pala nagawang pa imbestigahan ako?” akala ko kasi sa loob ng dalawang taon, pinagtaguan niya ko ng siya lang ang nakakakita sakin. Pero ang sakit, kasi buo pala yung loob niya, na wag ng magpakita sakin.
“Nung nakita mo kami ni Emmar, yun yung huling araw na hiniling niya para sa huling araw ng buhay niya. Na maging masaya. Na makasama ko. Ako na girlfriend ng matalik niyang kaibigan. Pero anong ginawa mo? Imbis na pasiyahin mo siya nung naabutan mo kami, binugbog mo pa siya. Ang saya no? Kasi pagtapos mong magwalk-out, dun din siya binawian ng buhay”
Nakita kong umiiyak na siya habang nanlulumong napaupo sa sahig.
Kaya pala ni isang araw sa lamay ni Emmar, walang bestfriend na dumating. Kahit huling hiling niya, hindi natupad ni Clyde.
“S-sorry. T-tooo ba lahat ng s-sinabe mo?”
*pak*
“Tangina! Iisipin ko pa bang magjoke? Nasaan ang utak mo Clyde?” natawa ko ng pilit sa pagmumukha niya. “Isipin mo joke lang lahat. Isipin mo na lahat. Tatanggpin ko. Pero dahil sa nalaman ko nadin pala lahat, lahat ng dahilan mo na walang kwenta, susukuan na kita. Huwag kang mag-alala, dahil sa araw na to, ito na yung huling araw na magkakausap tayo. Na magkikita tayo. Kase tapos na tayo. At tanggap ko na, na wala na talagang tayo.
BINABASA MO ANG
When he was my Man
Romance-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...